My name is Jean Pierre. You can just call me Jean. I was born from a broken family. Nabuntis si mama ng isang foreigner. Sabi niya babalikan niya si mama pero hindi na siya bumalik. Sa tingin ko kasi, hindi naman sila kasal ni mama kaya ganun.Sa sobrang puti ko at gintong kulay ng buhok ko, tinukso ako na anak araw. Idagdag mo pa dun na maliit at payat ako. Hindi kasi kami nakakain ng maayos. Kung ano-ano lang ang tinatrabaho ni mama. Sapat lang ang kita niya para makakkain kami sa isang araw at makapag-aral ako kahit papaano.
Parati akong binubully sa school, ganun din sa bahay, ganun din ng mga relatives namin sa mama ko. Inaalipusta at pinipintasan nila si mama.
Wala akong magawa, hindi ko makuha kung ano ang gusto ko, wala akong maipaglaban.
But that was 6 years ago. We went away from that cruel town. Mom met a rich widower. They married. We became an instant millionaire.
Dumaan ako ng puberty, I become fit, handsome and hot. Nakukuha ko na lahat ng gusto ko. Hindi na nila kami maaapi.
Bumalik kami sa hometown namin. Dito ako nag-aaral ngayon. Babae na ang humahabol saken, lahat kinakaibigan ako. Ang mga relatives namin ngayon pinupuri ako at nakikipagclose kay mama.
Laro lang para saken ang mga relationship. Magiging kami, pag nagsawa ako, hihiwalayan ko sila kahit lumuhod pa sila at umiyak para wag makipagbreak saken, wala akong pakialam.
Ngayon, hinila ko ang kamay ng isang babae para halikan siya.
Siya ang unang nagtapat, sabi niya mahal daw niya ako.
Siya lang naman ang first love ko na binusted at pinagtawanan ako noon. Hindinh-hindi ko malilimutan.
Nginitian ko siya.
"Girlfriend na kita." sabi ko.
Nakita ko halos maiyak siya sa tuwa.
Pagkatapos nito, pagsisisihan niya na naging kami. Wawasakin ko ang puso niya kagaya ng pagwasak niya saken 6 years ago.
Nasa mall kami ngayon.
"Tignan natin yung mga cakes." Yaya niya.
"Di ba hindi ako mahilig sa sweets?" pagpapaalala ko sa kanya.
"Kumain nalang tayo spicy tacos." Hinila ko siya papunta sa foodcourt.
Of course alam ko na ayaw niya ng mga maaanghang. Pero wala siyang magagawa, yun ang gusto ko.
After nun, naglakad-lakad kami.
"Manood tayo ng sine." Yaya niya.
"Ayoko sa madilim na lugar." Sabi ko.
"Ah ganun ba." Sabi nalang niya.
Maya-maya may nakita siyang ice cream. Nakita kong tumingin siya saken. Parang nagdadalawang isip.
Lumagpas na kami sa ice cream stand at nakita kong sumimangot siya habang nililingon iyon. Napangiti ako.
"Gusto mo ng ice cream?" alok ko.
Napahinto siya at ngumiti tsaka tumango.
Bumili kami ng tig-isang ice cream. Nagpatuloy kaming maglakad pagkatapos.
"Anong lasa ng sayo?" tanong niya.
"Chocolate." Malamang chocolate flavor ang binili ko.
"Gusto mong tikman yung saken?" pagaabot niya ng ice cream niya na cookies and cream ang flavor.
BINABASA MO ANG
Hi! Classmate
Cerita Pendek♥Collection ng School life One Shot Stories.♥ Sa Classroom nagumpisa akong nagkacrush. Natuto ng hindi lang academics kundi pati kung paano magpapansin kay crush, maging close kay crush, maging inspiration si Crush. Magkaroon ng friends, best fr...