Shai Krinkle. Ang aking Liwanag. Siya ang crush ko.
Ang pagsubaybay ko sa kanya ay parang pagsubaybay sa naumpisahang panooring palabas.
Akala ko talaga wala ng mangyayare at imposibleng makagawa ako ng hakbang para maging kami... pero nagbago iyon ng merong bumagsak na ipis sa desk ko.
San naman nanggaling ang ipis na ito?!
Bakit may ipis sa loob ng classroom namin?!
At bakit sa dinamirami ng desk sa loob ng classroom saken pa siya bumagsak?!
Iyon pala isa itong tadhana!
Sa irita ko, tinabig ko ng kamay ko ang ipis paalis sa desk ko. Sa lakas ng pagtabig ko, napunta ang ipis sa kabilang row sa kanan ko.
Napatalon sa gulat si Krinkle ng makita niya ang ipis na napunta sa palda niya. Dahilan para mapatayo siya at mapa-upo sa desk ko. Magkatabi kasi ang desk namin. Jackpot!
Napatingin siya saken at ganon rin ako sa kanya.
Nahiya siya at agad tumayo.
"Sorry." Sabi niya.
"Ah ok lang.." sabi ko naman.
Eyecontact! Wheeweet! <3
Siniko ako ng bestfriend kong si Sez.
"Nakita ko iyon~ Nice pre!" pagkantyaw niya saken.
Narinig namin ang sigaw ng isa pa naming kaklaseng babae na nakakita sa ipis.
Nagpaka knight in shining armor naman ako at tinapakan ang ipis sa sahig.
Pasikat lang sa liwanag ko hehe.
Nagkatinginan kami saglit bago sila lumabas ng room para magrecess.
Hinabol ko lang sila ng tingin.
"Tara, sundan natin ang liwanag mo." Yaya ni Sez saken.
Siniko ko siya bago kami sumunod palabas ng room.
Nakita namin sa canteen na madaming tao at mahaba ang mga pila.
"uuy, mauunahan tayo." Tinulak ako ni Sez sa pila. Nabunggo ko tuloy yung nauna saken.
Oops, ang liwanag ko pala.
"Sorry." Nahiya akong dumistansya.
"Ok lang." sabi naman niya.
"Carbonara po." Sabi niya.
"Parehas pala tayo, carbonara rin ang gusto ko." Sabi ko naman.
"San pala ang table nio?" tanong ni Sez.
"Pwede bang makishare? Wala na kasing upuan." Dugtong niya.
Pinanlakihan ko siya ng mata. Naman oh, masyadong obvious pre.
Kinindatan lang niya ako, sign na siya ng bahala.
"Dalawa lang kami kaya pwede kayong makishare." Pagpayag naman nig liwanag ko.
Sabay-sabay kaming pumunta sa table nila.
"Vivi, makikishare daw sila Jawn." Paalam ni Krinkle sa kasama niya.
"Ok lang, kasama ni Mich ang bf niya sa kabilang table." Pagsang-ayon naman ni Sylvy (Vivi).
Naupo na kami at kumain.
"Buti nakisabay ka rin samin Jawn." Halos mabilaukan ako ng batiin ako ni Slyvy. Kahit kalian talaga si Slyvy, basta kung anong gusto niyang sabihin, sasabihin niya.
BINABASA MO ANG
Hi! Classmate
Historia Corta♥Collection ng School life One Shot Stories.♥ Sa Classroom nagumpisa akong nagkacrush. Natuto ng hindi lang academics kundi pati kung paano magpapansin kay crush, maging close kay crush, maging inspiration si Crush. Magkaroon ng friends, best fr...
