GABRIEL MARANTAN POV
I'm hopeless now. Ayaw makipag-cooperate sa akin ni Macgyven. Naiintindihan ko naman siya dahil baka sila pa ni Shane ang masira naman ang relasyon. Mababaliw na ako sa sitwasyong ganito. Gusto kong makita si Toffy at ng maliwanagan na ang utak ko. Gusto kong itanong sakanya yung about sa baby na nalaman ko.
Malakas ang kutob ko na may anak nga kami. Dahil ng marinig ko iyon kay Macgyven ay sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko na hindi ko maintindihan kung bakit ganon nalang kalakas.
"Pre...just wait for Toffy. Sigurado namang uuwi din yon dito sa atin kung nasa ibang bansa man siya talaga. " si Dave. Nandito kami ngayon sa bar. Boy's out kaya kami kami lang maliban kay Macgyven na naiintindihan naman namin.
"Dave is right pre. Hindi mo talaga mahahanap ang taong ayaw magpakita sa ngayon sayo. " si Sheldon.
"Lahat ng bagay may tamang oras at panahon pre. King inang Mac kasi yan hindi marunong makisama ngayon." Si Wilmer.
"Just wait pre. Intindihin din natin ang situation ni Mac ngayon. May pinagdadaanan din iyong tao. Tsss." Si Ace.
Siguro nga tama silang lahat. Ang magandang gawin nalang ay ang maghintay.
AFTER 9 MONTHS...........................
Ilang buwan nanaman ang lumipas pero wala paring Toffy. Wala parin akong balita sakanya. Pinasubaybayan ko na din si Shane pero sabi ng source ko ay hindi naman daw siya lumalabas ng bansa. Pero hindi parin ako nawawalan ng pag-asa. Alam kong magkikita parin kami sa tamang panahon para maayos na ang dapat maayos.
And Abby is still not giving up on me. Hinahabol parin ako pero todo iwas din ang ginagawa ko sakanya. Walang araw na hindi siya dumadalaw sa bahay at yun nga,pinagtataguan ko naman siya kahit na kung minsan ay nasa loob lang ako ng bahay. Medyo naiirita na nga sakanya si Mommy. Pati si Kae ay sinusungitan na minsan si Abby pero sige parin siya sa pagpunta at paghahanap sa akin. Ayos na din ako kay Frances at naiintindihan daw niya ang situation ko. Humingi din siya ng pasensya dahil wala daw talaga siyang balita kay Toffy.
Toffy baby......please come back to me now..come back to my life now. I'm slowly dying everyday.
BINABASA MO ANG
Since the day you KISSED ME[completed]
RomantikWhat if 8 years old ka palang may pilyang batang babae na ang bigla nalang humalik sayo? Ni hindi mo sya kilala. Tapos sasabihan kang, "Hoy bata, ang lambot ng pisngi mo. Salamat ha? Byeiiiie! My name is Totskie" Tapos bigla ka nalang tatakbuha at...