AFTER 3 years...
SHANE RILLE USQUISA
"tita!! Wait for me! Don't take Gail away from me!!!" Hahaha! Habol samin ni Fielle.
Nandito kami ngayon sa isang park. Syempre sama-sama kaming lahat dahil lahat kami ay day off sa trabaho. Except kina Sheldon at Jelyne dahil wala sila dito sa bansa. Nasa Rome sila. On going ang honeymoon ng dalawa. Haha! Yeah. Ikinasal sila last year.
Itong karga-karga kong bata ay anak nila Toffy at Gab na babae. Inaasar ko kasi si Fielle. Sinasabi kong ilalayo ko ang kapatid niya. Sobrang responsable niyang kuya. Fielle is already 4 years old. And this baby I'm holding right now is super kulit na 2years old baby girl. Naging maayos na ang lahat sakanila. Lalong lalo na si Jelyne. Ayos na siya sa parents niya. Kaya pala pinatapon ang gaga dito sa Pinas ay dahil din sa mga kalokohan niya. Haha! Nalaman nalang namin before sila ikasal.
"Hahahahahahahahaha!" Tawa niya at lalo lang akong nanggigil sa pagkakarga sakanya.
"Shane!!! Will you please stop running!!? You're pregnant for God's sake! Shit!" Sigaw sakin ni Mac at don lang ako natigilan. Oh my god. Oo nga pala. I'm 2mos.pregnant. Dahil inisahan ako ng loko. Tsssss! Ayan tuloy mauuna pang lalabas ang anak namin bago ang kasal namin next year.
Ibinaba ko si Gail at lumapit naman sila Toffy at Gab para kunin na si Gail. Papalapit na din ang overacting kong fiancee.
"Ouch! What was that for!?" Sigaw ko dahil pinitik niya noo ko.
"Ano ba loves? Ang kulit mo kasi e. Tsk! Pano kung may mangyaring masama sa baby natin? Sayang yan. Baka kasing-gwapo ko paglabas." Tssss! Nagyayabang nanaman. Nababanas nanaman tuloy ako.
"Tse! Hoy! Tigilan mo ako sa kayabangan mo ha!!! Ang pangit mo no!? Wag ka nga dumikit sakin!" Tulak ko sakanya dahil amba niya akong yayakapin.
Everyday akong nababanas sa mukha niya kaya! Nakakainis makita. Nakakabadtrip promise ang mukha niya. Sinasabihan ko na ngang wag ng ituloy ang kasal e.
"Ang sakit mo nang magsalita! Oo ba! Pangit na ako! E bakit ka nagpabuntis sakin!?" Ganti niya kaya naman lalo lang kumulo dugo ko sakanya dahil parang napapahiya na ako dahil sa tawa ng mga kasama namin.
"Aba!! Talaga?? Nagpabuntis ako sayo??! Baka ikaw?? Kasi pinilit mo ako!!" Sigaw ko lalo sa mukha niya
"Hoy! Hoy! Kayong dalawa! Tuwing magkakasama tayo. Lagi nalang kayo ang mga naririnig! Aba! Mahal na mahal ko tong tenga ko. Baka gusto niyong sa bahay niyo nalang kayo mag-away ng hindi kayo makapanira ng tenga ng iba!" Dinig kong sigaw ni Wilmer.
"Tse!! Isa kapa! Mukha kang unggoy!! Wag ka nga sabat ng sabat!" Irap ko kay Wilmer.
"Hahay! Kung hindi ka lang buntis hinambalos na kita ng-..,,," nagtitimping sabi ni Mac kaya naman napa-smile nako. Nacu-cutan kasi ako sakanya kapag nagagalit na siya e. Haha!
Kaya naman. Lumapit ako para yakapin siya. Tapos ay hinalikan ko ang noo niya.
"haha! Ganyan talaga kapag buntis pre. Intindihin mo nalang si Shane. Walang wala nga siya kay Toffy nung pinagbubuntis niya si Gail e." Tumatawa namang singit ni Gab habang karga si Gail at nasa tabi niya sila Toffy at Fielle.
"Sumosobra na kasi ang babaeng to pre. Nakakalalaki na. Kung hindi ko lang to mahal e." Yakap sakin ni loves ko at hindi ko alam pero bigla nalang tumulo luha ko.
"I love you so much loves ko. Huhu! Sorry po." Ako.
"Nanuy!!! Hooooh! Kaya ayaw kong mag-asawa e." Si Wilmer ulit.
"Hoooooooh! Kasi walang may gusto sayo!" Sigaw namin lahat sakanya sabay tawa namin ng malakas. Haha! Napaka-epic ng mukha niya. Parang handa ng pumatay.
BINABASA MO ANG
Since the day you KISSED ME[completed]
RomanceWhat if 8 years old ka palang may pilyang batang babae na ang bigla nalang humalik sayo? Ni hindi mo sya kilala. Tapos sasabihan kang, "Hoy bata, ang lambot ng pisngi mo. Salamat ha? Byeiiiie! My name is Totskie" Tapos bigla ka nalang tatakbuha at...