Chapter 12

2.5K 73 2
                                    

TOFIA SIA MORALES POV

Haaaaaaaaay!!!! Nakakainis ka talagang Kingkong ka!!! Weekend ngayon tapos kailangan kong gumising ng maaga para lang makipaglaro sa kapatid nya. Pasalamat siya ang cute at fc kagaya ko ang kapatid niya. Hihihi.

Tapos na akong maligo at lahat-lahat. Hinihintay ko nalang talaga siya pero ang tagal huh!!?

"Ma'am Tofia, nasa baba po si Sir Ferjay. Hinahanap po kayo. " sigaw ng katulong namin. Wag na kayong magtaka kasi lahat sila, ang tawag sakin, Tofia. Maganda naman diba??

Huwaaaaaaa!!! My friend is here. Ang aga naman nyang bumisita.

Snabi ko sa katulong na paakyatin nalang dito sa kwarto ko.

Open na open na kasi siya dito sa bahay at sanay na din parents ko na ganito ang treatment namin sa isa't-isa.

" Hey Sia, hindi ka naman excited no?? Ang aga mo atang nagising ngayon?" tsk! Aasarin lang ba nya ako??>,<

" inagahan ko lang talaga no para makauwi din ako agad at tyaka para matapos na kaso ko kay Kingkong. Hmp ikaw ha?? I hate you. Natiis mo akong hindi itext or tawagan man lang at bisitahin this past few days. Nagagalit naba girlfriend mo??" emote mode muna ako. E sa nagtattampo ako e. Naturingan kaming magkaibigan tapos natitiis nya ako. :/

" Nagtatampo kana ba sa lagay na yan?? Bawi nalang ako sayo bukas. Sunday bukas diba? Tyaka don't worry, makakasama mo na ako everyday. I'll make it up to you Sia."

"Huh!?? What do you mean everyday!."

" Same school na tayo."

"waaaaaaaaaaaa!,! Really Jay????? Hindi ka nagbibiro????" Haaaaaay!! Kahit iwan na ako lagi ng mga bruha atleast may makakasama na ako kapag gigimik sila.

" Yeah, yeah. Ganyan mo naba ako kamahal kaya sobrang saya mo na makakasama mo na Ko everyday?. Tayo nalang kasi. hehe." biro niya sakin. Pektusan ko kaya siya no?? >______<

" Tse!! Mahal mahal ka diyan??? May gi-..."

"Ma'am Tofia, may bisita po kayo Kingkong daw po. Nandon po siya sa Garden. " Naputol ang tatanungin ko kasi naman e si Ate. And what!??? Kinkong??? pffft! Proud at sa pangalan nyang Kingkong at yon pa talaga ang sinabi niya sa katulong namin. Epal.-_____-

" Sige po ate, sabihin mo pababa na ako." *evil smile* 

Nakipagdaldalan pa ako ng nakipagdaldalan kay Ferjay. Iinisin ko si Kingkong. Hanggang sa magalit at lumaki butas ng ilong nya. Hoho!

" Oi Sia, Hindi mo paba lalabasin yung sundo mo? Baka magalit na yon sayo."

"Konti nalang. Haha. Hayaan mo siya. Ako naman unang naghintay kanina e. Gumising ako ng napaka-aga tapos late pala nya ako susunduin." nakasimangot na sagot ko.

"ayan kana naman sa pagiging childish mo." sabi nya na nakangiti. Bakit ba siya ngiti ng ngiti?? At bakit ba nagwa-gwapuhan ako sakanya. Hihi. Chos! Ang landi ko na din. Nahahawa na ako sa mga bruha. Uh-oh. May problema pa pala ako. Kailangan ko pang kausapin yung boyfriend ni Frances. Haist! Kailangang ibaba ang pride kapag kaibigan na ang pag-uusapan e.

Makababa na nga lang. Baka kasi sinisira na ni Kingkong mga halaman ko doon. Lalo na yung mga pinakamamahal ko na orchids. Huhu! Subukan nya lang galawin yung mga yon, puptulin talaga mga daliri nya!>______<

Syempre kasama ko din Ferjay. Uuwi na din daw kasi siya e. Inagahan daw niya talaga ang pagdalaw sakin para naman daw maabutan nya ako kasi nga nasabi ko sakanya last time na pupunta ako sa bahay nila Kingkong ngayong sabado. Kingkong! Kingakong! haist!!

Since the day you KISSED ME[completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon