Chapter 13♥

2.7K 70 0
                                    

TOFIA SIA MORALES POV

" Hu-huwat!!??? Ma-Mommy nyo siya???" hindi makapaniwalang tanong ko. Fvck!!! Shit talaga!!!Huhuhu! Bakit ba kasi ang tanga ko!!!

" Yeah ate Toffy. Why po?" painosenteng sagot ng kapatid ni Kingkong.

" Ano nanaman bang problema mo abnormal? " Jushko po!!!Pigilan nyo ako!!Baka kapag hindi ako makapagtimpi, ipapakain ko sa linta ang lintek na Kingkong na 'to!! Tama ba namang tawagin akong Abnormal sa harap ng kapatid at Nanay nya!!???

" Kuya Gab!!! Stop calling ate Toffy like that!! say Sorry to her!!!" hoho!! Ganyan nga. Sa wakas at may kakampi na ako. Ano ka ngayon Kingkong!! Inirapan ko siya.

" Okay fine. Tsk! Sorry." ha!! Mag-sosorry na nga lang with matching irap pa!! Baklang Kingkong ata siya e!!

" Hay nako. Mga bata talaga ngayon oh. hihi. Toffy iha, bago kayo maglaro nitong bunso ko, pwede mo ba akong samahan muna sa kitchen at kuha tayo ng snacks para habang naglalaro kayo, kapag nagutom kayo, ay pwede lang kayong kumain. Gabriel, samahan mo muna si Kae dito. Let's go iha." sabi ni Momsie. Hehe! Bakit kasi e gusto ko na siyang tinatawag na Momsie.

Habang papunta kami sa Kitchen nila, iginala ko paningin ko sa kabuuan ng living room nila. Hanep sa laki, lawak at ganda ng pagkaka-ayos mula sofa at mga display na halos mga antigo. Ang yaman pala talaga nila. Ano kayang work ng parents nya??

Wow! *_________* Ang ganda naman ng Kitchen nila. Ang ayos tignan. Masabihan nga sila manang sa bahay para ayusin din ng gaya ng kaayos ng kusina nila Kingkong ang kitchen namin. Hihi. Ang gagaling naman mag-ayos at maglinis ng mga katulong nila. Saang agency kaya sila galing no?? hihi.





" uhmn, Tita. Sa mga sinabi ko po kanina, I didn't mean to..... you know? u-uhmn. Wala po akong intensyong siraan ang anak nyo. Kaya lang po kasi... Ang sungit nya po kasi talaga at asal Kingkong po siya." paumanhing sabi ko sakanya. E kasi naman e. Naiakahiya. Baka isipin nyang salbahe ako pero mas salbahe naman talaga yung anak niya diba?? Tyaka ayoko na pala siyang tawaging Momsie kasi baka sabihin nanaman ni Kingkong na Feeling na ako masyado. Hmft!



" Ano kaba naman iha. Hindi na bago yun sa anak ko. Dahil ako mismong Mommy nya, napapansin ang ugali nyang yun. Dahil nga sa ugali nyang yan, wala pa siyang naipapakilalang girlfriend nya. Ewan ko ba sa batang yan kung san nagmana. " sabi nya habang gumagawa ng sandwiches. Ako naman, nakaupo lang habang hinihintay siya. " akala ko nga girlfriend ka nya e, kasi ikaw palang ang kauna-unahang babae na isinama nya dito. " Hanla!! Kaloka Nanay nya pero feel ko siya. Hihi. Bakit kaya wala pang ipinakikilala si Kingkong sakanila??

Since the day you KISSED ME[completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon