Chapter 11

3K 66 4
                                    

SHANE RILLE USQUISA POV

Luh. Grabe magpatakbo 'tong si Kuya Junjun!! Itong si Toffy naman kasi e kung makapag-utos. -____- . Nga pala, on the way kami papauntang bahay nila Frances. Si Toffy kasi e, super concerned citizen masyado. Umiral nanaman siguro pusong mamon nya. Kung maaari kasi, gusto nya masaya lagi at ayaw nya ng may naulungkot pero imposible naman yon diba? Because in life, may lungkot at saya, haha. Ang dami ko ng alam.

Hi there guys! I'm Shane Rille Usquisa 18 years old, taking up BS Nursing. Kung papansinin nyo,si Toffy lang ang 17 years old samin advance kasi siya e. Maagang pumasok pero sakanya kami lagi kumokopya. Ha ha ha! Siya din ang may pinaka-mainit na ulo samin. Halata naman kanina diba?Lumalabas pagka-walang modo nyan kapag ayaw nya ang isang tao. Ha ha! Shock talaga kami ni Abby kanina. Ang gu-gwapo kaya ng mga sinungitan nya. Haist! Pero pareho kaming choosy nyan e. Pareho kaming walang lovelife. ^^

Diba may mga boys kanina na nagyaya samin lumayo muna kina Frances at Dave? Sheeeeeemmmmmmaaaaay!! Ang gugwapo nila. Lalo na kay Macgyven. Ang cute ng boses nya. Siguro, magaling kumanta yun. Ha ha! This weird feeling, nagmamahal na ba ako?? Chos! Ha ha! Pero I admit talaga, medyo nag-blush ako kanina ng hilain nya kamay ko palayo. Yaaaaaaaaaaaaaa! ^_______________^

" Kuya, commute nalang po ako pauwi. Tell Mom and Dad nalang po. Ingat ka po sa pag-uwi." sinasabihan nya si Kuya Junjun. " Tara na nga guys! Ang kukupad nyong gumalaw ever!" uso ba ang hilaan ngayong araw?? -___-

"Dahan-dahan naman Toffy! My God huh?? Excited much te?!" ako.

Pagkapasok namin, sinalubong kami agad ng katulong nila. Welcome kami lagi dito sa house nila e. Ha ha! Kaya dumiretso na kami sa kwarto ni Ces, binigay naman ng katulong duplicate key ng kwarto nya. At itong si Toffy, kung makapag-bukas ng pintuan, as if naman na may naglalaslas na sa loob! Grrrrr! OA much. No reaction nalang kami ni Abby.

Oh my gad!!!! Grabe hitsura ni Ces ngayon parang pasan na nya ang mundo. Kawawa naman ang kaibigan namin. Mukhang na- inlove nga talaga. Agad.syang nilapitan ni Toffy.

"Ces, it's not what you think. Sorry kung nasigawan ko bf mo kanina at sorry din sa mga nasabi ko. Pero hayaan mo, makikipagkaibigan nalang ako sakanya kung gusto mo. Please don't be like this Ces." medyo naiiyak na din na sabi ni Toffy.

" Gusto ka nya Toffy!!! at hindi ako galit sayo. Galit ako sa sarili ko dahil nagpakatanga ako. Now ko lang nalaman na tama pala lahat ng naririnig ko about sakanya. He is a womNizer!!!!" nabigla naman si Toffy sa narinig nya. Pati kami ni Abby. Ngayon lang kasi namin nakita ang ganitong side ni Frances. Ngayon lang din namin siya nakitang nasasaktan ng ganito. Gad!! Ganito.ba talaga ang ma-inlove???Magiging ganyan din ba ako?? Ahhhhh!!!!No No No Way !!!! Makukuntento nalang ako sa crush muna.

"Hinayaan mo ba siyang mag-explain?? Kailangan mo din pakinggan ang side nya girl." suggestion ng katabi kong si Abby.

" oo nga girl. Malay mo seryoso nga siya talaga sayo diba? " sabi ko naman.

" Do you want me to talk to him??" seriously???? Si Tofia Sia ba ang nagsalita?? Kelan pa siya ganyan??? Literal kaming napa-nganga sa sinabi nya. Hindi kasi siya yung tipong nagpapakumbaba lalo na kapag ayaw nya ang isang tao. Pansin naman kanina na galit talaga siya kay Dave e, tapos ngayon, siya daw kakausap kay Dave para mag-kaayos sila Ces at Dave???? Wow ha!? end of the world na ba at nagbabago na siya???

"W-what!?? did i say something wrong??" clueless na tanong nya samin dahil tahimik parin kaming nakatitig sakanya. " okay, ganito nalang. I will talk to him first bago siya makikipag-usap sayo. I-interviewhin ko muna siya. Then kapag na-confirm kong seryoso siya sayo,papayag akong kausapin ka nya. Pero kapag nalaman ko naman na he's cheating on you, lintik siya sakin. Okay ba idea ko???"

Since the day you KISSED ME[completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon