TOFIA SIA MORALES POV
" OH MY GHAD!!! Toffyyyyyy! Bruha ka talaga! Huhu! Namiss kita sobra!" Si Shane na agad yumakap sakin pagkadating niya dito sa bahay.
Pinasundo ko siya kay manang kanina sa airport. Tinupad niya talaga ang sinabi niyang pupuntahan ako dito sa America.
Yakap-yakap ko na siya at kusang tumulo ang luha ko. How I missed her. Grabe hindi ko akalaing mamimiss ko siya ng ganito kasobra. Dahil kasi sa lahat ng kaibigan ko sakanya lang ako nagtiwala ng lubos.
"I miss you too Shane. Come...sa loob na tayo magkumustahan." Anyaya ko sakanya pa-loob ng bahay.
"Ano ba talaga ang rason mo? Ang akala ko non aaminin mo kay Gab ang katotohanan about dyan sa kalagayan mo pero hindi naman pala. Mas pinili mo parin siyang saktan at iwanan ng wala man lang paalam." Sa sinabi niyang saktan at iwanan ay naluluha nanaman ako.
"Sinabi ko naman na sayo diba? Mas gusto ko ng masaktan ko siya dahil iniwanan ko siya kesa masaktan siyang nakikitang ganito ang kalagayan ko. But... something's weird Shane. Hindi ko alam pero yung mga simtomas na nararamdaman ko noong nasa pinas ako ay hindi ko naman na nararamdaman ngayon." Pag-amin ko sakanya.
"What??! What do you mean? Pa-paanong nangyari naman yon??" Siya.
"Hindi ko din alam e. Almost one week na kasi since nung umuwi si Doc kaya di ko pa alam kung ano to. Hindi naman ako nagpapa-konsulta sa iba."
"What?!! Kailangan na nating magpa-consult sa iba. Wag ka lang kasi mag-stick sa tito ni Abby! Sasamahan kita bukas na bukas din." Parang pinal na sabi niya kaya hindi na muna ako umangal lalo na at kararating lang niya. Siya pa naman ang taong ayaw ng kinokontra.
We spend the whole day sa ganun nga. Kumustahan at diko akalaing sila ba pala ni Macgyven isa sa barkada ni Gab.
Masaya ko at nagka-love life na din siya. Base sa kwento niyang kinikilig siya ay nakikinita kong masaya nga siya sa buhay pag-ibig niya.
Sobrang dami talaga atang nagbago since nawala ako sa Pilipinas. Pero iniiwasan kong banggitin or kumustahin si Gab. Dahil iniiwasan kong mapaluha sa harap ng bruhang to. Dahil I know her. Katakot takot lang na mga payo at sermon ang makukuha ko sakanya.
After dinner..
Pagakatapos naming maghapunan ay nagpahinga muna si Shane. At ako naman ay hindi pa inaantok kaya dito lang ako sa sala habang nanunuod ng T.V
Baby be strong there ha? Tayo lang dalawa. Dapat kapit ka ng mabuti. And paglabas mo, pakabait ka and listen to all what will I say to you. Gagawin ko lahat mag-isa para mapasaya ka at maibigay lahat ng gusto mo. I love you baby ko. Tiis-tiis na muna hmmm?
Napapaluha nanaman ako habang kinakausap ang anak ko na nasa loob pa ng tiyan ko. My ghad! Hindi ko kailanman pinangarap ang ganito pero bakit ganito ang nangyari sa buhay ko? Malayong malayo talaga sa pinapangarap ko dati.
Dahil ang pangarap ko dati ay kasama ko ang asawa ko every check-up ko. And ang gusto kong paglihian ay ang asawa ko. But what happened to my dreams? T_______T nawala na si Gab sakin. Magkaka-anak na nga kami kaso wala naman siya dito sa tabi ko. T_______T
Maling-mali ba ako sa naging desisyon ko? Maling mali ba ako na iniwan ko si Gab at hindi sinabi ang totoong kalagayan ko??
"Hey Toffy! Gising kapa?" Dahil sa pagmuni-muni ko ay hindi ko man lang namalayan na nakababa na pala si Shane na galing sa pagkatulog.
Hindi pa pala alam ni Shane na buntis ako. Maybe it's time to tell this to her.
"Uhmn. You hungry Shane? May pagkain sa kusina. Gusto mo bang iinit ko yun para sayo?" Ako.
"Later nalang. Dipa naman ako gutom. Hay! Ang kulit ni Mac e. Tawag ng tawag! Hindi kaya siya aware na mahal ang bayad kapag long distance call?? Kainis!" Siya na nagdadabog habang paupo sa tabi ko.
"Haha! Ano ka ba? Ang sweet nga e. Kahit mahal tinatawagan kapa talaga to know if you're fine here. Sinabi mo ba sakanyang ako ang pinuntahan mo dito??"
"Of course not! Sinabi kong dadalawin ko ang pinsan ko. Wala pa naman siyang kaalam alam sa background ko e kasi nga bago palang kami." Medyo kalmado na siya. Nakakatuwa talaga siya dahil parang siya ang pumalit sakin sa pagiging madaldal.
"Shane .... a-a- I'm pregnant" amin ko sakanya na hindi tumitingin.
"Ah! Alam mo ba?? Na-wha-------WHAT!????????" Shit this! Nag-eeskandalo na naman siya. >____< "my ghad Toffy!!! Buntis ka pala pero bakit kapa umalis?? Karapatang malaman ni Gab yan dahil kanya yan!!!" Dagdag pa niya.
"I know pero alam mo naman na ang rason ko diba??" Sabi ko.
"Lintek na rason yan!!! Magpaconsult tayo bukas sa ibang doctor para malaman kung ano na ang changes or ang totoong situation mo! My ghad!!! Bakit ngayon mo lang sinabi??"
"Hindi mo naman to sasabihin sa iba diba??? Atin lang ulit to diba Shane?" May himig pakiusap na sabi ko sakanya.
"A-I-i don't know anymore Toffy. This situation now is very very complicated. Hindi ko na din alam. Pahinga nalang ulit muna ako. Let's go to Hospital tomorrow at magpakonsulta ulit bago ako bumalik sa Pinas." Laglag ang balikat ko nung paakyat na siya ulit sa guest room.
What to do again now? Hindi ko na din alam ang gagawin ko. T_______T
BINABASA MO ANG
Since the day you KISSED ME[completed]
RomanceWhat if 8 years old ka palang may pilyang batang babae na ang bigla nalang humalik sayo? Ni hindi mo sya kilala. Tapos sasabihan kang, "Hoy bata, ang lambot ng pisngi mo. Salamat ha? Byeiiiie! My name is Totskie" Tapos bigla ka nalang tatakbuha at...