TOFIA SIA MORALES POV
Palala na ng palala ang sitwasyon ko..natatakot akong malaman nila..what should i do?? Hindi ko na alam kung paano o ano ang gagawin ko.
Kailangan ko siya ngayon. Siya nalang talaga ang alam kong makakatulong sakin. Alam ko din na iniiwasan na niya ako since naging kami ni Gab. Hindi naman ako manhid para hindi maramdamang gusto niya ako e. Ako bestfriend lang talaga ang turing ko sakanya. Never ko kasing naramadaman sakanyan ang pakiramdam na gaya ng nararamdaman ko kay Gab. Kapatid na din ang turing ko sakanya dahil nga simula bata ay kami na ang laging magkasama. Sakanya ko naranasang magkaroon ng kapatid. Kaya kahit papano ay malaki din ang utang na loob ko sakanya. Nakakahiya man pero kakapalan ko nalang ang mukha ko para makalapit ako sakanya.
Papunta ako ngayon sa bahay nila Ferjay. Siya nalang talaga ang alam kong pwede kong lapitan. Am I bad? Kasi nasaktan ko na nga siya tapos lalapitan ko pa siya? Pero kailangan kasi e. T_______T and I missed him too. Matagal ko na siyang hindi nakakasama at nakaka-usap. Kahit kasi nag-kakasalubong kami sa school ay hindi niya talaga ako pinapansin. Naiintindihan ko naman yung nararamdaman niya e kaya nga hindi ko nalang siya kinukulit kasi kailangan niya talaga yon. Pero ngayon kailangan ko talaga siya.
" Oh iha! Long time no see! Pumapayat ka yata ah? Si Ferjay ba sadya mo? Ayun sa kwarto niya nagmumukmok nanaman. Akyatin mo nalang." si Tita na may lakad ata kasi pagkatapos niya akong niyakap ay nagpaalam din na aalis na siya.
Super feeling at home ako dito sa bahay nila kasi lagi din ako dito noong mga bata pa kami.
Ganon nga ang ginawa ko. Umakyat ako sa kwarto niya. Kaso pagpihit ko sa seradura ng pintuan niya ay naka-lock kaya kumatok ako.
" Hindi ako gutom manang! Mamayang tanghali nalang ako kakain!!" sigaw niya..
" Fe-Ferjay! TOFFY to...pwede ba akong pumasok?" Paliit ng paliit ang boses ko dahil nahihiya ako sakanya.
Sisigaw pa dapat ako ulit pero bigla ng bumukas ang pintuan niya. And here he is..ang gulo ng buhok niya.Halatang kakabangon palang niya.
" pffft! May muta kapa oh! Haha!" Ako sabay turo sa mukha niya. LAGI nalang siyang ganyan..buti nga ako lang nakakakita e. Haha!
" ikaw talaga! Uhmmm!" Siya sabay pitik sa noo ko. " halika sa loob."
Walang pagbabago ang kwarto niya. Ganito noon at hanggang ngayon ay ganito parin ka-gulo at ka-kalat -__- hindi to kailanman naaayos kasi ayaw niyang pinapapasok ang mga katulong nila dito sa kwarto niya. Tsk!
" so? What brings you here? Kumusta na kayo ni Gab MO?" Aww. Bitter parin talaga siya talagang ipinagdiinan pa niya ang salitang mo. Haay! Pero lalakasan ko parin ang loob ko.
" Jay.....ma-may lukemia ako." Ako na seryoso.
" Hahaha! Joker ka parin pala kahit na may boyfriend kana." Siya na tumawa talaga. I know. Ito na ang sinasabi nilang hirap kang paniwalaan kung nakasanayan nila ang ugali mong puro biro lang ang lumalabas sa bunganga. -____-
" You can ask my parents. Ferjay...I know it's unfair na sayo parin ako lumalapit kahit na alam kong nasakatan kita pero....i-ikaw nalang kasi ang alam kong makakatulong sakin." Ako na medyo garalgal na ang boses ko kaya bigla din siyang nagseryoso.
" shit! Seryoso talaga?? Kelan pa?? Bakit hindi ko man lang alam??" Siya na halata na sa boses niya ang sobrang pag-aalala.
" Yun na nga e...ayaw ko ng ipaalam sa iba dahil lalo lang akong mahihirapan sa mga agiging reaksyon nila."
" Pero kailangang malaman ni Gab to kasi boyfriend mo siya. He needs to know your situation! For God's sake Toffy! Responsibilidad ka niya!"
" sa tingin mo ba?? Magugustuhan ko ang magiging reaksyon niya?? I love him so much that I don't like him to suffer just for me." Ako na tuluyan ng nalaglag ang mga luha ko.
Sandaling katahimikan ..dahil mukhang nag-iisip din siya.
I know magiging unfair ako kay Gab...pero ayoko ding mahirapan siya sa situation ko. Alam kong sobrang mahal niya ako at hindi maiiwasang hindi siya mag-alala at masaktan para sakin. Masyado ko siyang mahal kaya gagawin ko ang lahat para wag niyang malaman ang tungkol dito sa sakit ko. T____T
" Ano bang plano mo?" Si Ferjay.
" Hindi ko din alam kaya nga ako nandito kasi hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko."
" just help me.....tulungan mo akong wag ipaalam sakanya."
" Bakit ikaw pa?? Bakit ikaw pa ang may sakit na ganyan??" Ganyan din ang tanong ko sa sarili ko. T_____T bakit ako pa?
" Okay...don't worry..pag iisipan ko kung anong dapat gawin. Anong stage na ba?? "
Kinuwento sakanya kung ano na talaga ang kalagayan ko. Best friend ko talaga siya dahil napaiyak din siya gaya ni Shane..I hate seeing people crying because of me..nasasaktan ko sila ng sobra
Kulitan lang kami maghapon sa kwarto niya at nag-movie marathon pa. Miss na miss ko talaga siya sobra. Feel relieved na ako. Alam kong matutulungan niya ako. Pero hindi ko alam kung kaya ko bang gawin yung plano niya. Masasaktan ko talaga ang mahal ko. Pero ito nalang ang paraan para hindi ko siya mas lalo pang masaktan.
Ang plano?
Makikipag-break ako kay Gab at sasabihin ko sakanyang si Ferjay talaga ang mahal ko. Pero God knows...si Gabriel lang talaga ang mahal ko. Nag-iisa lang siya dito sa puso ko. Kapag naiisip ko na makikipag-hiwalay na ako sakanya..kusang tumutulo ang mga luha ko. Nagiging weak na ako I know. Hindi na ako yung gaya ng dati na puro chillax lang at pala-tawa.
BINABASA MO ANG
Since the day you KISSED ME[completed]
Storie d'amoreWhat if 8 years old ka palang may pilyang batang babae na ang bigla nalang humalik sayo? Ni hindi mo sya kilala. Tapos sasabihan kang, "Hoy bata, ang lambot ng pisngi mo. Salamat ha? Byeiiiie! My name is Totskie" Tapos bigla ka nalang tatakbuha at...