Chapter 14

17 2 0
                                    

Pinuntahan ng mga imbestigador ang lugar ng putol na puno, kasama ang dalawang guard.

Gamit ang flashlight na hawak ng mga guards ay pinagmasdan nila ang kabuoan ng lugar. Ang matapang na si imbestigador Alfonso ay ginawang mag-ikot sa buong paligid ng puno.

"Sir, dito yon madalas magpakita." Anang guard na lalaki na sumunod sa kanya.

Ang tinutukoy nito ay ang itaas ng putol na puno. 

"Sigurado ka ba talaga?!" Taka naman ng imbestigador na si Kim.

"Sigurado kami, Sir. Kahit ako ay nakikita ko yon dyan." Sabi naman ni Lara.

Naghintay doon ang dalawang imbestigador para makita ang sinasabi ng mga guards na anino ng taong nagbigti. Ngunit nakailang minuto na paghihintay ay wala pa rin silang nakikita.

"Wala naman ah." Anang imbestigador na si Alfonso.

"Maghintay tayo ng kunti pa." Sabi ng babaeng guard. "Malimit yong lumabas kapag pahating-gabi na."

Nakailang minuto na uli ang nakalipas ngunit wala talaga.

"Naiinip na talaga ako, wala yata eh." Sabi ni imbestigador Alfonso.

"Sandali lang, Sir. Totoo ang sinasabi namin." Anang lalaki.

"Saka na lang, kailangan na naming umalis." Sabi ni imbestigador Kim.

Ngunit bago pa man sila makaalis ay may narinig silang sigaw ng babae na pumailang-lang sa buong lugar.

Sumunod non, ingay ng babaeng nabibigti. Natakot ang dalawang guard na kasama nila. Sila man din ay nanindig ang balahibo sa mga naririnig nila.

Matapang nilang binalikan ang putol na puno. Nakita nga nila ang aninong nakabitin sa tapat ng putol na puno. Pinagkatitigan ng mga imbestigador ang lugar. 

"Sabi ko sa inyo, Sir. Totoo eh." Sabi ni Lara.

"Manahimik muna kayo." Saway ni Kim sa dalawang takot na takot na guard.

"Joseph, pakitawag mo nga si detective Hones." Utos ni Alfonso sa lalaking guard.

"Sige po! Agad-agad din." Sagot lang ng guard saka mabilis na umalis.

Pinicturan nila ang aninong nakita nila. Ang isang imbestigador, ni-record ang boses na pumapa-ilanglang sa paligid nila.

Ang harap ng puno ay palayan at sa kaliwa naman ay damuhan na kasing taas ng tao ang bakod nito. May bakanteng classroom sa bandang kanan na bahagi nito.

Kaagad ding pumunta si Mr. Hones sa kinaroroonan ng dalawang imbestigador.

"Oh? Anong meron dito?" Taka ng detective.

"Sir, kani-kanina lang ay nakita namin ang isang anino sa tapat ng putol na punong ito at isang nakakahindik balahibo ang narinig naming sigaw." Report agad ni imbestigador Alfonso.

"Totoo ba yon, imbestigador Kim?" Paninigurado ni Mr. Hones.

"Totoo yon, Mr. Hones. Kaming apat nina imbestigador Alfonso ang nakasaksi at sila ang mga guards na rumoronda dito sa gabi." Paliwanag ni Kim.

"Ngayong gabi na tayo mag-umpisang mag-usisa. Hindi na dapat ito ipagpabukas pa. Nandito ang killer sa loob ng school at male student sya." Halos pabulong ng detective.

"Kung ganun, tara na." Sabi kaagad ni Kim.

Kanilang nilibot ang paligid ng putol na puno. 

---------------

Samantala sa bahay ko....

Akin ngang pinanood ang mga CD kunsaan ay naka-record ang mga interviews ng mga napagbintangang suspek sa pagpatay.

I'm A Victim  I (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon