Sa clinic...
"Oh, anong nangyari?" Taka ng school nurse.
"Ay! Mga studyante ko sila. Itong isa, hinimatay matapos tamaan ng bola ng soccer." Si Mrs. Samonte.
"Naku! Wala ngayon si Doc Reyes eh. May pinuntahan sya, mamaya pa syang alas-kwatro babalik." Sabi ng nurse. "Pahigain na lang muna natin sya dito sa kama." Anang nurse sa itinurong higaan.
Doon nga ako inihiga....
Nanatiling nasa tabi ko si Eshou habang wala akong malay tao hanggang matapos ang ginawang check up sakin ng nurse.
"Eshou, bantayan mo muna si Jara dyan ah." Bilin ng guro sa kanya. "Babalik na ako sa classroom eh."
"Sige po, Mrs. Samonte. Ako nang bahala." Tumango pa si Eshou ng bahagya sa guro bago ito umalis ng clinic.
"Tinawagan ko na si Doc Reyes, pauwi na daw sya. Tapos ko na ring i-check ang lagay nya." Sabi naman ng nurse kay Eshou.
"Okay po, Nurse Lyn." Magalang na sabi ni Eshou dito.
"Dyan ka muna at magmemeryenda lang ako sa canteen." Bilin nito agad sa kausap. "Marami pa akong gagawin kasi eh."
"Sige po." Pagpayag ni Eshou dito.
****
Nagising na rin ako maka-isang oras na pagtulog at si Eshou ang una kong nakita....
"Jara, nandito tayo sa clinic." Sabi agad ni Eshou sakin.
"Anong nangyari? Bakit tayo nandito?" Takang tanong ko dito at iniinda ko ang pagkahilo ko dahil sa kaninang nangyari.
"Nahimatay ka, tinamaan ka kasi kanina ng bola ng soccer. Chineck up ka dito sa clinic. Wala pang doctor kaya hindi ka pa makakauwi." Sagot ni Eshou sa tanong ko.
"Ah ganun ba... Okay..." Sabi ko at inilapag ko uli ang ulo ko sa unan.
"Kamusta na ang pakiramdam mo?" Tanong nito sakin na nag-aalala.
"Ito, nahihilo pa ng kaunti." Sagot ko lang.
Dumating na rin ang Doctor ng mas maaga sa alas-kwatro.
Cheneck up ako nito at marami syang itinanong tungkol sa nararamdan ko ngayon.
Si Eshou na ang nagkwento sa doctor ng mga pangyayari para sakin. Binigyan ako nito ng sulat para sa pagpapa-CT scan kung kinakailangan.
Nagbigay din ito ng reseta para sa sakit ng ulo ko.
"Pwede pa po ba syang makapasok sa ilang subjects namin, Doc?" Tanong ni Eshou pagdaka.
"Hindi muna siguro. Mas mabuting makapagpahinga muna sya sa kanilang bahay." Sabi ng doctor.
"Ihahatid kita, Jara. Hintayin mo ko at kukunin ko ang mga gamit mo. Ipagpapaalam na rin kita kay Mrs. Samonte." Sabi nya sakin.
Tumango lang ako at umalis na sya kaagad. Makailang minuto, nagbalik din sya at kasama na nya ang gamit nya at gamit ko.
"Pinag-halfday na tayo ni Ma'am. Tara na." Sabi sakin ni Eshou.
"Uh Sige." Sabi ko lang. "Thank you ah."
"Never mind..." Nakangiti nyang sabi sakin.
*****
Sa daan palabas ng campus.....
Dahan-dahan akong inaalalayan ni Eshou dahil masama ang naging pakiramdam ko.
Ngunit habang naglalakad kami sa daan ay napuna ko ang mga male students na nagtatawanan ng malakas sa labas ng comfort room ng boys.
BINABASA MO ANG
I'm A Victim I (Under Editing)
Mystery / Thriller❗SCARGAN GENERATION❗ Someone help me! Suspect na malinis pa rin sa mata ng lahat. All his crimes are still a big secrets untill the present.... WHO IS HE?! ****** Dahil sa inilabas na scholarships ay napasok ako sa isang school na may magandang pag...