Chapter 36

6 0 0
                                    

Nagpunta kaming tatlo sa secondary dining area ng bahay, kunsaan nandoon na rin ang parents ni Almira.

Tapos na ang interview sa mag-asawa at nandon naman sa tabi ng Mommy ni Almira sina Andrea at Kendra. Nandoon din ang mga boyfriends nila na sina Raver at Dendra.

"Oy! Buddy, buti at nagpunta ka?" Sabi ni Raver kay Eshou at agad syang sinalubong nito.

"Oo naman, ikaw pa, malakas ka rin sakin eh." Ani, Eshou dito.

"Nasaan si David? Sabi nya sakin pupunta sya?" Ani, Raver dito.

"Oo, magkakasama kami. Kaso naharang din sya ng iba pang friends nya sa section A, nandoon pa sya sa venue ng lamay." Sabi ni Eshou dito.

"Ganun ba, good to hear. Maaasahan talaga kayo." Imik na lang ni Raver dito.

"Ikaw rin, buddy." Masayang sabi ni Eshou dito.

Hindi kami kumikibo ni Lisa, para kaming mga basang sisiw sa likuran ni Eshou.

"Halika rito, Babe." Bulong sakin ni Eshou at hinawakan nya ang kamay ko upang hilahin sa tabi nya.

"Guys, pasok kayo. Tamang-tama, kakain na rin sila for dinner." Sabi samin ni Andrea.

Naiilang man kami ni Lisa ngunit tahimik kaming nakihalubilo sa mga friends ni Eshou.

Masaya si Eshou habang nakikipag-kwentohan sa mga kaibigan nya at sa parents ni Almira.

Tahimik lang kaming kumakain ni Lisa sa hapag habang matiyagang nakikinig sa pag i-emote sa mga namatayan.

Dumating si David sa venue namin sa dining area, agad naman syang sinalubong ni Andrea dahil ito ang incharge sa bagong dating na mga bisita.

Si Kendra naman ang incharge sa mga pagkaing ihahain at sa mga utensils na ginagamit ng bawat bisita.

Doon sya umupo sa tabi ni Lisa, yon na lamang kasi ang nag-iisang upuan na siyang bakante.

Pinaghainan si David ng nakaabang na katulong sa paligid, binigyan sya ng plato at utensils.

Naamoy ko ang pabango ni David nang dumaan sya sa likuran namin ni Lisa. Kung kaya naman, pareho kaming hinahabol sya ng tingin sa bawat pagkilos nya sa hapag.

Mahinay syang kumilos, siguro ay katulad din namin syang nahihiya ngunit nakikisama. Nakaramdam ako ng bahagyang pagsiko ni Eshou sa braso ko sa ilalim ng lamesa.

Napalingon ako dito ng wala sa oras, dahil naigtad ako sa ginawa nya.

Nasa pakikipag-usap sa mga kasama namin ang buong atensyon ni Eshou, ako lang ang siyang humahabol sa kanya ng tingin.

Nananahimik ako habang balik-balik ang tingin ko sa mga nag-uusap. Marami silang pinagku-kwentohan patungkol kay Almira, tapos maiiyak ang Mommy nito dahil sa panghihinayang sa anak.

*****

Matapos ng hapunan ay bumalik kami sa lugar ng lamay, mga nakaupo na lamang kami sa harapan ng kabaong ni Almira.

Iyak pa rin ng iyak ang Mommy nito dahil sa pagdadamhati. Ang Daddy naman nito ay tahimik lang na umiiyak, makikita lang kasi sa pamumula ng kanyang mukha at sa mga mata nito. Ang mga kapatid naman nito ay bahagya ding nanlulumo sa pagluluksa.

Tahimik lang din sina Eshou at mga barkada nito, malungkot sina Kendra at Andrea na mga kaibigan nitong matalik.

May nag-text kay Eshou, naka-silent ang cellphone nito ngunit nadama naming pareho ang pag-vibrate nito sa bulsa ng kanyang slucks.

Binasa nya sa tabi ko ang text message...

GUYS, PWEDE NA KAYONG PUMUNTA SA LAMAY NI LOLO SA LINGGO. KASALUKUYAN PA RIN KASING INU-AUTOPSY ANG KATAWAN NYA KAYA BAKA ISANG GABI LANG SYA PAGLALAMAYAN. General message ni Freigone sa buong barkada.

I'm A Victim  I (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon