Chapter 39

5 0 0
                                    

Nagkaroon ako ng malalim na iniisip sa harapan ni Lisa.

Nakakunot-noo ako dahil magkaiba ang kwento ni Eshou at ng pamilya ko, pati na rin ni Lisa.

Magkaugnay ang kwento ni Mama at ni Lisa nung gabing hinahanap nila ako.

Tapos si Eshou naman, ang sabi nya, lumapit ako sa kanya at umamin. Naging mag-on kami dahil doon at nagkaroon kami ng unexpected sexy scene sa loob ng tent?

Sa loob ng tent ng madaling-araw?

Naalala kong nagising ako ng madaling araw sa loob ng tent ni Eshou. Nakahubad kami at may nangyari daw samin.

Tapos nung umaga naman ay sa kwarto na ako ni Eshou nagising.

Parang may mali sa mga sinabi ni Eshou noon.

Ano bang totoo sa nangyari nung gabing yon?

"Jara, okay ka lang ba?" Tanong sakin ni Lisa.

"Lisa, kulang ang diary book ko. Wala dito ang pangyayari nung araw bago ako mawala nung gabi at mag-raid sa buong school sina Mr. Hones." Sabi ko dito.

"Ang natatandaan ko. Pumunta ka sa tent ni Eshou. Bago yon ay binura mo muna ang lahat ng files sa cellphone mo at iniwanan mo sakin." Paunang pakwento nito. "Ngunit bago ang araw na yon, nauna munang makita ko si Almira na wala syang ulo, sinabi ko yon sa kanya at hindi sya naniwala. Tapos nung hapon na yon, nakita kita, wala ka ring ulo." Ikalawang pagkukwento nito. "At iyon na nga ang nangyari. Kunsino-sinong mga tinanong ko, dahil si Eshou na nagpa-practice sa field, ang sabi nya, baka umuwi ka na daw. Eh nasa classroom pa ang bag at cellphone mo at ang usapan natin, sabay tayong uuwi." Ikatlo nyang pagkukwento. "Ako ang nakausap ni Mr. Hones, at sinabi kong nawawala ka nga. Nag-decide silang mag-raid para hanapin ka, nakausap ko sila gamit ang cellphone mo, tumawag kasi sya nung hapon na yon." Huling bahagi nyang pagkukwento.

"Si Eshou? Wala syang naging reaction sa nangyari sakin?"

"Ewan ko, wala eh. Nagpa-practice sya at busy sya doon." Deretsong sabi ni Lisa sakin.

"Eh pero boyfriend ko sya diba?"

"Ako lang ang naghanap sayo, at kung hindi tumawag si Mr. Hones sa cellphone mo, wala akong mapagsasabihan nang pagkawala mo." Sabi pa nito sakin.

"Bakit ko naman binura ang lahat ng files sa cellphone ko?" Pagtataka kong turan habang nag-iisip.

"Jara, it's weird. Hindi ko alam kumpaano ko ie-explain sayo pero ang weird lang talaga." Pagtatapat ni Lisa.

"Sa tingin mo bakit?" Taka ko dito na sinulyapan ko sya.

"Kinaumagahan, nabalitaan na lang ng buong school na patay na si Almira, si Mr. Freo, sina Mr. Hones at asawa nito at ang mga pulis na tumulong sa pagre-raid at nung gabi na yon, nakaligtas ka sa posibleng kapahamakan. Naniniwala kami ng Mama mo na na-kidnap ka nung gabing yon." Sabi pa nito samin.

Paulit-ulitin man ni Lisa ang nalalaman nyang scenarios, iyon at iyon pa rin ang takbo ng istorya.

Samantalang si Eshou?

"Anong iniisip mo, Jara?"

"Si Eshou, may natuklasan ako sa kanya." Pauna ko.

"Ano yon?" Malaki ang naging reaction ng mukha nya sa sinabi ko.

"Meron syang duality personalities." Sabi ko dito.

"Huh?" Aniya na hindi yata nya ako na-gets.

"Yung nagbabago sya ng kataohan? Na-confirm ko na."

"Paano, Jara?" Na-intriga si Lisa sa sinabi ko.

"Napuna kong nagbabago ang kilos nya base sa kumpaano sya humawak ng buhok nya." Sabi ko dito.

I'm A Victim  I (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon