Chapter 10

37 7 0
                                    

Naglingunan ang mga manlalaro sa field, at pati na rin ang mga nakikiusyosong mga lalaki. May pagtataka sa kanilang mga mata ng tumingin silang lahat sakin.

"Anong sinabi mong babae ka?" Galit na baling sakin ng isa sa kanilang grupo.

"Ah! Hindi... Sinadya nyong grupo na magkaganun sya." Sabi ko sa kanila.

"Jara, wag ka nang makialam." Agad na lumapit sakin si Eshou at sinaway ako ng pabulong.

"Nakita ko ang lahat." Matibay kong sabi sa mga ito.

"Wow! Sino ka para makialam samin ha?!" Inis sakin ng ikalawang lalaki na kagrupo ni Zeddin.

"Lumayo ka muna, Jara." Bulong pa sakin ni Eshou. "Wag ka nang makialam! Hindi ka makakatulong!"

"Nakita ko po ang lahat." Bumaling ako sa mga mas matatandang nasa field. Sa trainor at sa mga available na maintenance and staffs. "Kanina pa sila nagsisinyasan sa isa't isa. Simula sa bantay ng goal hanggang sa mga players. Tatlo silang humarang, isa ang lumapit at nakisipa sa bola, isa naman ang umabang sa likod ng kakampi nya para sa bola at isa naman ang lumampas ng takbo ng bahagya." Pauna ko.

"Oh! Yun naman pala ang nakita mo eh. Simpleng agawan lang ng bola yon diba? Ano?! Nagpapasikat kang babae ka?!" Mabagsik na sabi sakin ni Zeddin na syang nakisipa sa bola.

"Hindi lang yon, kaya kong ipaliwanag na dahil sa sinyasan ninyo, nabuong plano yon. Bakit tila nung sabihin kong nakita ko ang pangyayari, naging matatapang ang mga mukha ninyo sakin? Bakit? Totoo bang pinagplanuhan nyong ma-injured ang isa sa kanila?" Mahinahon kong paliwanag.

Napipilan silang tatlo.

Nakatingin sakin ang lahat ng nandoon. Inaawat ako ng palihim ni Eshou sa tabi ko.

"Tatlo kayong sumalubong para depensahan ang area ninyo at maagaw din ang bola dito. Kaso nga lang, nang sinipa nilang parehas ang bola, mabilis na lumampas ang isa para lang bahagyang mabangga si David at mawalan ng control ang lakas nito sa paa, hindi lang yon, namumula din ang harapang binti nya malapit na sa mismong paa, it means na hindi bola ang sinipa kundi ang ibabang binti ni David. Nakaabang naman ang isa sa likuran ni David para sa kung sakali mang mabigo kayo." Mahabang paliwanag ko.

Sandali silang natahimik.

"Kaya mo bang patunayan yang sinasabi mo?" Maangas na tanong ng kabilang goalkeeper.

"Sapat na ang mga reaction at expression ng mga mukha ninyo para masabi kong tama ang mga nakita ko." Sabi ko sa kanila.

"Wow! Dahil------ pinutol ko ang sasabihin ng bumangga kay David.

----- Nakapagtataka rin naman na wala kayong naging concerned sa naaksidente, matapos itong mapahiga sa field?! Ibig sabihin, alam ninyong nagtagumpay kayo. Hindi kasi kayo nagulat o nabigla, meaning, ini-expect nyo nang mangyayari yon, tama ba?" Patanong ko sa kanila.

"Ah! Talaga?! Kaya naman pala kami nagpuntahan kaagad sa pwesto ni David?" Sabi ng kabilang players.

"Oo nga? Ngunit nung tanungin kayo kung may nagawa kayo kay David, kaagad ay nagalit kayo diba? Nakapagtataka naman na nagalit kayo sa simpleng tanong, kung hindi naman kayo mga guilty diba?" Sabi ko sa kanila.

"Dahil dyan, pumunta kayong walo sa guidance office." Naging desisyon ng guidance councilor na nasa likod na pala namin.

Walang nagawa ang walong kalaban nila.

Na-guidance sila ng hapon na yon.

*****

Magkasabay kaming umuwi ni Eshou....

I'm A Victim  I (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon