Nang makauwi na ako...
"Jara, this is my wife, Mrs. Sarah Hones and also my partner in this proffesion." Pagpapakilala ni Mr. Hones sa babae.
Nagngitian kami nito.
"Honey, she is Jara Mae Revato a paranormal student ng school." Sabi ni Mr. Hones tungkol sakin.
"Nice to meet you, Hija." Nakangiting bati nito.
"Nice to meet you din po, Mrs. Hones." Magalang kong sabi sa babae.
"Sila naman sina Alfonso at Kim. Sila ang imbestigador na tumutulong sakin." Muling pagpapakilala ni Mr. Hones sa dalawang lalaki pang kasama nya.
Lumantad ang Mama ko sa harapan ng lahat. May dala syang meryenda para sa lahat ng bisita.
"Siya naman po ang Mama ko." Pagpapakilala ko sa babaeng naghahain sa lamesita.
"Good evening sayo, Ginang." Bati ni Mrs. Hones sa Mama ko.
"Tawagin nyo na lang akong Marie." Sabi na lang ni Mama sa kanila.
Umupo kami ni Mama sa long sofa at ang mag-asawa naman ay naupo sa couch. Nanatiling nakatayo ang dalawang imbestigador na kasama nila.
"Uhmmm Ano pong pag-uusapan natin?" Pauna ko sa topic.
Naglabas kaagad si Mr. Hones ng mga bagay sa lamesita ko, lahat ito ay mga nakabukod ng lalagyan sa bawat ziplocked.
"Hija, nais kong malaman ang mga bagay na yan kung saan ginamit." Deretsong sabi ni Mr. Hones.
Napatingin ako sa mga gamit na nandoon. Nakita ko ang kabilang bakod sa parte ng pinutol na puno kunsaan nagbigti daw si Lelith.
"Uhm, lahat po bang ito sa kabilang bakod---naputol ko ang nais kong sabihin.
"---Oo, Miss Revato. Galing yang lahat doon." Deretsong dugtong sakin ng lalaki.
Napatulala ako sa mga bagay sa harapan ko. I feel something that it brings me to be alert or just I need to be ready on what will I see on this things.
"Anak, dahan-dahan sa paggamit ng abilidad mo. Wag mong sasagarin ang enerhiya mo." Bilin sakin ni Mama.
Napalunok muna ako habang nakatingin sa Mama ko, saka ko na dahan-dahang kinuha ang panyo at saka ako pumikit ng taimtim.
"May nakikita ako,"
"Sige, Hija, sabihin mo samin." Sabi agad ni Mr. Hones.
"Medyo malabo, pero naaaninag ko pa." Pauna ko. "Si Raver at isang babaeng student ng school namin. Nasa maingay silang lugar, parang isang disco bar, lasing na ito at pati na mga barkada nya." Pauna ko sa pagkukwento sa mga nakikita ko.
Nananahimik ang lahat habang nakikinig, si Mama ay mariing nakatitig sakin at nag-aalala.
"Kabilang doon si Dendra na.... na... Uhm, parang may sinisinghot sya. I don't see it clearly. Tapos ipinasa nya agad kay Raver at sa mga tao pang nandon. Something bilog ito at dinidikdik?" Sabi ko pa.
"It's a drugs?" Usal ni imbestigador Kim.
"May hika yung napasinghot nilang babaeng lasing. Hinika ang babae at naghingalo sa pwesto nito, but they are just like adict or something, pinagtawanan pa nila ang babae at binato ng mga mumo ng pagkain. Saka nagsayawan uli. Tapos namatay na lang ito at itong panyo ang kagat-kagat lamang sa bibig nyang naghahabol ng hininga." Pagtatapos ko.
Pagmulat ko ay nag-iisip silang lahat ng mariin...
"Malamang si Bettian Girly Ramos yon. Sya lang naman ang babaeng teenager na kinakitaan sa autopsy na may hika at ang ikinamatay ay drugs sa mismong lungs nya." Pag-aalala ni Mrs. Hones.
BINABASA MO ANG
I'm A Victim I (Under Editing)
Mystery / Thriller❗SCARGAN GENERATION❗ Someone help me! Suspect na malinis pa rin sa mata ng lahat. All his crimes are still a big secrets untill the present.... WHO IS HE?! ****** Dahil sa inilabas na scholarships ay napasok ako sa isang school na may magandang pag...