Nakita ko ang isang pamilyar na cartoon character sa isang wallpaper sa aking search suggestion.
Detective conan tagalog dubbed
Dahil alam kong ipinalalabas ito sa GMA twing umaga. Baka kahit kaunting tips makakuha ako.
May harang naman ang bawat magkabilaang tabi ng cumputer ng bawat students para may privacy ang lahat ng mga gumagamit ng computer.
Ginamit ko ang headset sa gilid nito.
Buong oras, nanood lang ako ng detective conan.
Sana ay makatulong ito sakin....
Sa lihiman kong pag-iimbestiga.
******
Tanghali...
Simula ng lagi na akong nananaginip ng mga nakakatakot sa gabi at nakakakita ng mga nakaraang pangyayari sa bawat mga gamit na nakukuha ko galing sa school kaya nabuo sa isipan ko ang lihim na mag-obserba sa buong campus.
Tingin-tingin kung saan-saan at sa lahat ng mga lalaking nakakasalubong namin ni Lisa.
"Jara, bakit ba twing tanghali na lang trip na trip mong maggagala? Ang init-init kaya." Reklamo ni Lisa na syang kasa-kasama ko sa paglalakad.
"Ewan ko ba? Basta ba'y gusto ko lang. Kung napapagod ka nang maglakad eh, pahinga ka na muna." Sabi ko naman dito.
Napadaan kami sa malaking ground field ng school. Nandoon at nagpa-practice sa kainitan ang mga sporty ng aming campus.
Sepak takraw, soccer, basket ball at valley ball for mens. Wala namang special sa araw na ito ngunit kada magkakaroon ng free time ang bawat manlalaro ay dito sila nagpupunta para lang sa free time trainings nila.
Papadaan kami ng bumulong sakin si Lisa.
"Oy! Si Freigone oh! Taga-section C...." Bulong sakin ni Lisa.
"Oh? Ano namang meron sa kanya?" Taka ko.
Isa itong nerd man na nanonood sa mga nagte-training ng socker. Nagsasalita sya sa mga ito, maliban sa trainor ng mga may free time mukhang katuwang sya ng trainor ng succer sa pagsasanay sa mga kapwa nya studyante.
"Magaling yan sa pagbabantay ng bola. Captain ball yan ng soccer." Bulong nito sakin. "Kahit ganyan sya na isang baduy at nerdie, maraming babae pa rin ang naghahabol dyan." Bulong pa nitong sabi sakin.
"Oh, eh may itsora naman sya. In fact kung maayos lang ang porma nya gwapo sya." Sabi kong komento. "Pero teka? Bakit sya ang naging topic natin? Wag mong sabihing crush mo sya?" Sabi ko dito.
"Oy! Hindi ah! Grabe ka." Defensive nitong reaction sa sinabi ko.
"Hmmm.... Sya pala ang crush mo ah. Gwapo naman sya at mukhang mabait." Sabi kong komento sa crush nya.
Nandoon din si Eshou....
Nakita kong lumapit sya sa dalawang nag-uusap na trainor at si Freigone na isang nerdie.
Nakipag-kwentohan sya sa mga ito ayon sa nakikita ko. Mukhang close sya ng dalawa ni Freigone at ng trainor.
"Isa yan si Eshou sa mga magagaling na manlalaro ng soccer. Senior na sila at ang mga nagte-training ay mga bagohan pa lang." Bulong na paliwanag ni Lisa sa likuran ko.
Na kay Eshou nakatutok ang mga mata ko. Humahanga ako sa kabaitan nya at pagiging mahusay na tao.
Wow!
"You know what? Kagalang-galang ang team nila. Simula ng makumpleto ang team nila sunod-sunod na ang mga nagiging panalo nila sa loob ng arena ng soccer. Dito sa campus, tinuturing na silang legend ng soccer." Paliwanag pa ni Lisa. "Saka ayon sa history ng sports ng school na ito, sila pa lang ang team na nakakapagbigay ng 40 golden medal at 18 golden troffy. Ngayong taon na 4th year na sila at pa-graduate na rin, nasama na sila sa highest rank ng top team sa buong distrito ng soccer." Dagdag pa ni Lisa.
BINABASA MO ANG
I'm A Victim I (Under Editing)
Mystery / Thriller❗SCARGAN GENERATION❗ Someone help me! Suspect na malinis pa rin sa mata ng lahat. All his crimes are still a big secrets untill the present.... WHO IS HE?! ****** Dahil sa inilabas na scholarships ay napasok ako sa isang school na may magandang pag...