Ang lima sa pinaka unahan ng first row na malapit sa pintoan ng classroom ay mga nagbingi-bingihan lamang.
Malapit samin ni Eshou ang long box na lalagyanan ng mga walis. Malakas ang boses ng guro sa buong classroom kaya't rinig na rinig namin ang utos ng guro.
"Sige po, Ma'am. Ako na lang po." Malakas kong sabi.
"Oh sige! Very good, Miss Revato." Sabi sakin ni Mrs. Samonte.
"Uhm... Eshou, saan nakalagay ang mga walis at dustpan natin?" Masuyong tanong ko dito.
"Dyan lang sa katapat nating mahabang box na yan. Dyan nakalagay ang walis, tambo at dustpan, kahit basahang pang punas ng ibabaw at pang-sahig nandyan din." Paliwanag nito sakin.
"Okay, salamat..." Imik ko na lang.
Nasa pinaka dulo kasi kami ng ikaapat na row. Kaya tapat namin ang panlinisan at dulo din nun ay katabi naman ang malaking basurahan.
Actually, dito sa loob ng classroom namin ay may mga shelves ng mga iba't ibang dictionary at small books na pwede mong basahin kapag vacant time or may free time ka.
Sa kabilang dako naman ng classroom namin, sa unahang row ng mga upuan na malapit naman sa pintoan palabas ay nandoon ang mga laruang pangpatalino ng isip.
Halimbawa, Chess board, scrables, robics at marami pang-iba. Sa dulo naman nito ay teacher's table.
Nang buksan ko na ang mahabang box na yon ang una kong nakita ang mga dustpan, kumuha ako ng isa doon at hinalukay ko na kasi dahil nasa ilalim ang mga tambo at walis pang-plant box.
Sa ilalim naman nun ay nakakita ako ng pencil na medyo mahaba-haba. Kaagad kong dinampot yon at mabilis ang paglitaw ng tuwa sa mga labi ko.
Paano'y hindi ko na kailangan pang bumili ng lapis dahil nakakita na ako.
Nang mahawakan ko na ang lapis na yon sa mga kamay ko ay may biglang nakita ang mga mata ko.
Nakasi-siguro akong nagmula sa nakaraan ang ilang bahagi ng mga alaala na nakalakip sa lapis.
-----------------
[]:PSYCHIC VISION:[]
*****
Nalaglag ito ng isang studyante na nasa ibang classroom.
Babae din sya....
"Ay! Ano ba yan?! Nalaglag tuloy yung lapis ko...." Reklamong reaction ng may-ari ng yellow pencil at maliit na mongol ito.
"Ay! Sorry, Neng." Sabi naman ng friend nya sa kanyang tabi na siyang nakatabig sa may-ari ng labis.
"Luh? Nasaan kaya yong lapis na yon dito? Kakainis ka kasi eh." Saad ng babae na naghahanap sa loob ng mahabang box ng mga walis.
"Hayaan mo na yon, sorry na! Luma naman na yon eh. Bibili na lang kita ng bago nun, ililibre kita." Ang kaibigan nito sabay alok ng libre.
"Hmmm.... Sige na nga. Pencil lang naman yon." Sabi na lang ng babae sa loob ng isipan ko.
Nag-backforward pa ang mga nakita ko matapos ang scene na yon.
Ngunit ang malinaw sa isipan ko ay ang sapatos nya kapag naglalakad. May mahabang puting medyas at maikli ang paldang uniform nya.
Ang pisngi at saka ang eye glasses nito na lagi nyang suot-suot, feeling ko lang, malabo na siguro ang mga mata nya kaya sya nakasalamin na. Saka ang buhok nyang kulutan at naka-seller moon style, maganda ang mga mata nya, makinis sya at balingkinitan ang katawan. Maganda ang hubog ng mga hita at kandilang desenyo naman ang mga binti nya.
BINABASA MO ANG
I'm A Victim I (Under Editing)
Mystery / Thriller❗SCARGAN GENERATION❗ Someone help me! Suspect na malinis pa rin sa mata ng lahat. All his crimes are still a big secrets untill the present.... WHO IS HE?! ****** Dahil sa inilabas na scholarships ay napasok ako sa isang school na may magandang pag...