Chapter 24

3 1 0
                                    

May sarili ding grupo ng kwentohan si Lisa sa mga kaklase naming puro mga babae.

Hinahayaan ko lamang sya, kapag may highlight naman ay nalalaman ko agad dahil kinukwento nya sakin.

Gusto kong mapag-isa kaya't tumungo ako ng ulo. Nagkunwari akong tulog o naiidlip.

Ngunit sa ilang segundo ng pagtungo ko ay may bigla akong na-realize?

Si Raver?

Si Assha?

Si Dendra?

Si Kendra?

Si Zeddin?

Si Andrea?

Si Almira?

Mga mayayamang studyante sa school na ito. Ang iba sa kanila ay may ranggo din ang mga magulang sa school.

Si David?

Si Eshou?

Si Freigone?

Naalala kong naging topic namin ni Assha sa loob ng principal's office ang VICTIMS LAST YEAR.

So affected sila sa mga salitang iyon?

Mga nabiktima ng nakaraang taon? Anong meron? Kung sumisigaw ka man ng hustisya, tulungan mo ko. Biglang naging dalangin ng puso ko.

Ang hirap mag-isip at maghinala, nakakabaliw at nakakatimang.

Noong nagbalik-tanaw ako sa naging meeting namin sa principal's office.

Napuna kong iba ang titig ni Assha sa tatlo. Kina Freigone, Eshou at David. 

Nag-uusap sila gamit ang mga mata nila?

Tapos sa canteen?

Ang mga sinabi ni Eshou samin tungkol sa pagkakahuli ng mga sinasabi nyang friends nya?

Tapos naalala ko pa ang naging pa-meeting ni Freigone sa covered gym at ang mga naging paliwanag sakin ni Eshou.

Nagkakampi-kampihan ang mga studyante upang pagtakapan ang kamalian ng bawat isa.

Tapos ang mga sinabi ni Lisa nung kaharap namin si Mama.

Ang lahat sa school ay kumpetesyon, nagkakampi-kampihan ang mga matatalino upang maging kasangkapan ang bawat isa. 

Sila-sila rin ang nagkakapatayan sa huli...

Nagpapaligsahan, nagtatagisan ng talino sa kunsino ang mas magaling...

Kung ganun, totoo ngang makakagawa sila ng mga krimen katulad nito, dahil tila sa kanilang mga edad ay hindi na sila mga inosente pa.

Tapos bigla kong naisip ang school gwantes ni Eshou. Nahawakan ko ito kanina, may malakas akong nasasagap doon ngunit hindi ko binigyan ng pansin. Hanggang ngayon, tila nai-intriga ako sa kung ano ang pwede kong makita sa gwantes nito.

Ang mga school gwantes nila? Bakit kaya hindi ko naisipan na hawakan ang mga gwantes ng mga studyante dito?! Bigla kong naisip sa kalagitnaan ng pagre-realization ko.

May paraan na rin para matukoy ko ang posibleng killer! Dagdag ko pang naisa-isip. 

Naniniwala akong pwedeng hindi killers ang mga studyante dito. Pwedeng may inuutusan sila sa mga kapwa nila studyante?

Hindi rin pwedeng makulong ang mga minors. Kaya malalakas ang loob ng mga studyante, at hindi rin sila takot sa mga police dahil sa ilang sangay ng gobyerno na kanilang naaabusong pagsumbungan.

Diyos ko! Gabayan mo po ako. Dasal ng isipan ko.

Tumunghay ako at nilapitan ko si Lisa sa upuan nito.

I'm A Victim  I (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon