Chapter 21

13 2 0
                                    

Agad naman akong lumapit.

"Ay! Si Miss Revato, mabait itong batang ito, mabilis ding mapakiusapan." Masayang komento sakin ni Mrs. Samonte.

"Saan mo ito ilagagay sa loob, Hija?" Anang isang staff na babae at may edad na rin ito.

"Sa loob na lang po, sa tabi ng desk ko." Sagot ko dito.

"Oh paki-pasok na lang, guys." Ani, Mrs. Caret na nakangiti ng malaki sakin. "Mabuti, Ma'am Samonte, at meron kang mabait na estudyante." Komento nito agad sa kapwa guro.

"Mas mababait ang mga bagong transfer kaysa mga old students dito." Bulong ni Mrs. Samonte sa kapwa guro.

"Oo nga, entitled kasi sila eh." Imik na lang ni Mrs. Caret.

Sa upuan ko naman kasama ang mga staffs na may bitbit ng mga card boards.

"Dito na lang po, thank you." Itinuro ko ang halos makakatabi nang rectangle box na siyang pinaglalagyan ng mga walis at dustpan.

Doon nga nila ipinatong ang marami nilang bitbit na mga card boards.

"Ikaw na ang bahalang magpamigay nyan sa mga kaklase mo." Anang isang staff.

"Medyo marami pa naman yan." Sabi pa ng isa.

"May petsa naman ang mga ito, sundan mo na lang." Imik pa ng isa.

"Sige po, ako nang bahala." Sabi ko na lang sa kanila.

Nakaalis na ang mga ito at ako na lamang ang nasa harapan ng mga card boards na nakalagay pa sa kani-kanilang mga plastic covers.

Na-curious ako sa mga designs ng mga paintings ng mga kaklase ko kaya naman naganyak akong tingnan at usisain ang mga ito.

JUNE 26,

Ito ang petsang naka-indicate sa unang pulutong ng mga card boards.

So it means, ito ang unang set works nila nung wala pa ako....

Napuna ko rin ang mga theme ang kanilang set works nung June 26, may kinalaman sa loob ng kanilang bahay.

Ayon kasi sa mga desenyo nila sa mga paintings nila, pumili sila ng isang corner sa loob ng kanilang bahay kunsaan iyon ang pinaka paborito nilang pagtambayan.

Nakita ko ang painting ni Maggi, sa tabi ng bintana na may magandang ventage chair, may design ng mga books and coffee. May telang alampay ding nakalatag sa sandalan ng upuan.

So feel relaxing ang ambiance kapag iyong titigan. Nakita ko ang grade na naka-dikit sa labas ng plastic cover, 90 average.

Mataas ito! Komento ko sa naging grade ni Maggi. Pero kasi maganda at may feelings ang painting nya. I feel the warm, calm and cool sa mga color combinations na ginamit nya.

Ang sumunod naman ay kay Patricia.

The Bar Corner naman ang nakita kong naka-painting. 87 average lang ang naging grade nya dito.

Tapos kay Carmen, small room with loptop sa small corner ng study table and sa itaas nun may simple library. 85 average lang ang grade nya.

Kay Jules, outside living room with background mini hanging garden. 92 average naman sya.

Kay Janny, opisina ng Mom nya. 88 average lang ang grade nito.

Wow! Isang attorney pala ang Mommy nya. Malinaw kasi ang pangalang naka-sulat glass rectangle with name na nakapatong sa lamesa ng table. 

Kay Helton....

Nagka-interest akong bigla sa output nilang mga pinaka matatalino sa loob ng aming klase. 95 average ang nakita kong grade nito.

I'm A Victim  I (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon