Chapter 27

3 1 0
                                    

Tumawag si Mr. Hones sa cellphone ko ngunit na kay Lisa naman ito.

"Hello po?" Si Lisa ang sumagot sa cellphone ko.

"Uhm, sino ito?!" Takang tanong ni Mr. Hones sa hindi kilalang boses.

"Uhm, ako po si Lisa. Nanood si Jara ng practice ni Eshou, nandoon sya sa soccer field. Iniwanan nya lang sakin ang bag at cellphone nya." Pagpapakilala at pagpapaliwanag na rin ni Lisa dito. 

"Uhhh... Ganun ba? Okay sige, pakipuntahan naman sya Lisa at sabihin mong tumawag ako at papunta na kami." Sabi ni Mr. Hones dito.

"Uh okay po. Uwian naman na po dito. Papunta din ako doon." Nakangiting sabi ni Lisa. "Sige po, sasabihin ko na lang. Sabihin ko din po na tawagan nya kayo pabalik." Sabi pa nito.

"Okay sige, salamat. Saka nga pala, pakisabi na lang din na wag muna syang umuwi. Hintayin nya kami dyan." Bilin na lang ni Mr. Hones.

"Okay po." Sabi na lang nito.

*****

Sa soccer field...

"Eshou! Eshou!" Tawag ni Lisa kay Eshou sa gitna ng pagpa-practice nito sa loob ng field.

Nandoon pa rin si Almira at ito ang siyang nag-aabang sa kanya kasama sina Kendra at ang iba pa nilang mga kaibigan.

Hapon na rin at malapit ng mag-agaw ang dilim at liwanag.

Kumaway si Lisa dito ng bonggang-bongga para lang mas mapansin sya ni Eshou.

Pinuntahan sya ng pawisang lalaki.

"Oh? Wait?!" Inis na sabi ni Almira sa likuran ni Lisa.

Napatigil sumandali si Lisa sa kanyang pagtatawag kay Eshou ng harangin sya ni Almira.

"Who are you?!" Pagalit na tanong ni Almira dito ng lingunin sya ni Lisa.

"Uhm, kaibigan ako ni Jara.----

"---- And so? Nakita mo namang nagpa-practice yung tao diba? Wag ka ngang epal." Matapang na putol ni Almira sa nais sabihin ng kausap.

"Importante ang pakay ko at hindi para maglandi, excuse me." Inis lang na sabi ni Lisa dito.

"Ano yun, Lisa?" Tanong agad ni Eshou.

Nakalapit na pala ito kanina pa sa pwesto nina Almira at Lisa.

"Eshou, si Jara?" Takang tanong ni Lisa kay Eshou.

"Huh? Akala ko kasama mo?" Taka din nito kay Lisa.

"Huh?!" Laking pagtataka nito. "Aba! Eh nagpunta dito ah? Hindi ba kayo nagkita kanina?" Pagtatakang sabi ni Lisa.

"Oo nga! Nanood nga sya ng practice namin, kaso sabi nya kani-kanina lang din. Uuwi na sya at sasabay sya sayo. Sabi nya pa, magkaisa kasi kayo ng street kaya lagi kayong sabay umuwi. Yun ang sabi nya sakin bago sya umalis." Paliwanag nito.

"Ano?!" Imik na reaction ni Lisa sa naging paliwanag ni Eshou.

Kinabugan ng dibdib si Lisa sa kanyang narinig. Tila nakadama sya ng matinding pag-aalala.

"Kanina pa ba sya umalis?" Tanong pa nito kay Eshou.

"Kani-kanina lang din sya umalis. Baka pabalik na yon ng classroom." Sagot lang ni Eshou.

Agad umalis si Lisa upang balikan ako sa classroom. Hindi nya maintindihan ang sarili ngunit abot-abot din ang kaba nya.

Pawisan na sya ng makarating sa classroom dahil sa pagtakbo ng mabilis.

Pero walang tao ang classroom....

Wala na syang naabutang tao sa loob ng silid. Malinis na rin ito at nakasalansan na rin ang mga bangko sa ibabaw ng lamesa nito.

I'm A Victim  I (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon