Chapter 16

26 2 0
                                    

"Hay naku! Coach Joan, wag ko lang talagang malaman kunsino yang number na yan! Bwesit syang animal sya!" Galit na tono ni Kendra.

"Nagrereklamo ang mga lower levels, may ganito din silang na-recieve. Tinext daw sila ng ganitong message din kagabi." Sabi ni Coach Joan saming lahat.

"I think, dito lang din yan nag-aaral?!" Ani, Almira.

"I guess so! Sino ba kasing maglalakas loob na gumawa ng ganitong bagay?! Kundi mga studyante na losers!" Galit na sabi ni Kendra. "Hindi rin naman ako nagkakalat ng cellphone number ko."

"Lahat ng mga top students ng buong school yata, binigyan ng taong yon ng general message." Hinuha ng isa pang kaibigan ni Kendra.

"Siya! Itigil muna ang practice. Okay naman na ang mga sayaw ninyo, bigyan pansin muna itong problema, mahirap kapag nakalabas sa school na pinagbibintangang mga suspects ang mga matatalinong studyante ng ating school." Sabi samin ni Coach Joan.

Kabado ako at nag-aalala habang mag-isang naglalakad pabalik ng classroom.

Malaki ngayon ang problema ko...

Malakas nga pala ang boses ng mga students dito at talagang hindi sila nanahimik, nag-aalala ako na baka hindi rin sila tumigil hanggang mahanap ang pagkakakilanlan ko.

Dapat madispatsya ko na ang keypad ko mamayang gabi. Buti na lang at hindi ko pala dinala.

*****

Last practice din ng soccer team...

Soccer team ang siyang unang lalaban at kinabukasan naman ang basketball team.

Malalim ang iniisip ko ng mapansin ko si David Chan na naglalakad sa pathway at makakasalubong ko na.

Nabigla ako sa nakita ko...

Namamalik-mata yata ako kay David na naaksidente nung nakaraang paglalaro at ngayon ay nakita kong nakakalakad na.

Maayos ang lagay ng binti nya na parang hindi sya naaksidente? Naisa-isip ko.

Tiningnan lamang nya ako at hindi pinansin. Saka na sya pasupladong lumampas sa harapan ko.

Sa sobrang pagtataka ko sa aura nya ay napatitig ako rito at tila naistatwa.

Nahabol ko sya ng tingin ng wala sa oras.

Tila, ako naman ang naguguluhan?

Naaksidente ba talaga ito o nagkunwari lang?!

Tumistigo pa ako laban sa Zeddin Hong na yon, okay lang naman pala sya? Kakaloka!

"Grabe?! May paghanga ka pala sa kanya?" Boses ni Eshou sa likuran ko.

Nagulat naman ako na nataohan kaya't agad ko syang nilingon.

"Oh? Kanina pa ba dyan?" Gulat kong tanong dito na nagtataka.

"Ngayon lang, nakita kong sinusundan mo ng tingin si David, titig na titig ka na parang nakakita ka ng anghel na bumaba sa langit." Sabi lang nya.

Malamig ang tono ng pananalita nya. Napuna ko yon at hindi ko lang masyadong pinansin.

Dahil napatitig din ako sa kanya ng katulad kay David.

May kakaiba sa araw na ito at sa kanilang lahat...

I feel it, that's kinda weird?!

Napangiti sya agad...

Napataas ang mga kilay ko sa pagtataka sa kinikilos nya.

"Reses time na," aniya. "Tara na sa Canteen." Pag-aaya nya pagdaka sabay umakbay sakin.

I'm A Victim  I (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon