Tanghali....
Naglalakad kaming dalawa ng bestfriend ko sa hallway...
Kaming dalawa kasi ni Lisa ang nautusan na magbalik ng libro na hiniram ni Mrs. Samonte sa library.
"Pahawak nga ako, Jara." Sabi sakin ni Lisa at inayos nya ang black shoes nyang natanggal ang pagkakadikit sa sakong.
Hinawakan ko naman....
Nakita ko kaagad ang alaala ni Jossy at Eshou sa libro na yon. Yun ang hiniram na libro ni Mrs. Samonte noong nakaraang taon.
Ayon sa kwento ni Lisa. Pagabi na yon, nautusan sina Eshou at Jossy na magbalik ng libro sa lumang library.
Si Jossy ay kulutan ang buhok at nakatali ang buhok ng seller moon style.
Nasa harapan lang sila ng lumang library. Dahil maagang nagsara ang bantay nito.
"Hala! Paano yan, Eshou, 6:00pm na, pagabi na?" Pag-aalala ng boses ni Jossy.
"Ow! Shit!" Dismayadong reaction lamang ni Eshou sa kawalan.
Natatandaan ko pang 7:10pm umalis si Eshou ng library at naiwanan daw si Jossy sa loob ng library dahil nagbasa pa daw ito ng nakitang libro.
Sa pagitan naman ng 8:00pm to 9:00pm ito namatay, base pa rin ito sa kwento sakin ni Lisa nang sa pagkaka-kwento nya ay nalagay si Eshou na isa sa mga naging suspek sa pagkamatay ni Jossy.
Ito nga ang eksaktong nangyayari ngayon sa vision ko....
Napansin ko pang naka-gwantes si Eshou, iniwan nya kay Jossy ang libro at ang finger prints lamang ni Jossy ang na-inprint sa libro.
"Wait me here. Hahanapin ko kung sino ang pwedeng magbukas ng library." Boses ni Eshou.
Medyo malabo na rin ang mga detalye ng mga tao. Ngunit malinaw ang boses ni Eshou at medyo malinaw pa ang mukha ng babae sa vision ko.
Mag-isang naiwan si Jossy sa harapan ng library.
After 5 mins....
Bumalik si Eshou kasama ang isang lady guard.
6:40pm na....
"Ano? Nahanap mo na ba dyan, Jossy?" Si Eshou.
Hindi nila mahanap ang tamang lalagyan ng libro, marami kasi ang vacant spaces ng mga shelves dahil marami ding nanghihiram.
"Wala dito eh! Ang dami kasing awang ng shelves." Reklamo ni Jossy na nahihirapan at naiinip na.
"Kailangan nating mahanap ang tamang lalagyan nyan. Mapaparusahan tayo kapag hindi tama ang pinaglagyan." Imik naman ni Eshou na nadi-dismaya na rin sa kawalan.
"Oo nga eh. Kakainis naman si Ma'am Samonte, kung kailan hapon na saka naman ito ipinabalik." Reklamong komento ni Jossy.
"Oy! Ano na?! Tapos na ba kayo dyan?" Boses ng lady guard sa labas ng pintoan. "Ang tagal nyo namang magsuli." Reklamo na nito.
Halata namang guard na babae sya base sa boses nya, saka kahit malabo na ang mga detalye ay kaya ko pa namang i-identify na naka-slack pants ito at nakapang-itaas na uniform ng isang guard.
"Ay! Hindi pa po, ate guard. Wait lang po sandali." Ani, Jossy na medyo malakas ang boses upang marinig ito ng guard na nasa labas.
Narinig ko ring guard ang tawag sa kanya ni Jossy.
"Ay! Dali! Uuwi na ako eh." Reklamo ng lady guard. "Ano ba yan?! Bakit hindi nyo tukoy ang pinaglalagyan nyan." Pinagalitan sila ng babaeng guard.
"Hindi po sa amin ito, pasensya na po." Magalang na sabi ni Eshou. "Nautusan lang kami ng guro." Paliwanag nito agad.
BINABASA MO ANG
I'm A Victim I (Under Editing)
Mystery / Thriller❗SCARGAN GENERATION❗ Someone help me! Suspect na malinis pa rin sa mata ng lahat. All his crimes are still a big secrets untill the present.... WHO IS HE?! ****** Dahil sa inilabas na scholarships ay napasok ako sa isang school na may magandang pag...