Tanghali...
Papunta kami ng banyo ng ladies comfort room...
"Jara, ano yon? Mag-on na kaagad kayo ni Eshou? Akala ko ba, wala ka pang amor sa pagla-love life?" Sobrang pagtataka nyang naitanong habang naglalakad kami.
"Nabigla din ako, Lisa. Hindi ko maintindihan, ang weird nya kanina. As in parang hindi sya ang Eshou na nakilala ko. My Gosh! Paano na to, kapag nalaman nina Mama at Papa!" Pag-aalala ng aking tono sa kawalan.
"Hala?! Wala kayong pinag-usapan tungkol dyan?" Pagtataka muling reaction ni Lisa.
"Oo, as in wala talaga?! Actually, kanina ko lang din nalaman ang isa sa mga tradition dito sa school nyo. Yung kapag kasabay mo nang maglakad sa public places dito sa loob ng campus ang ka-opposite sex mo, ibig sabihin nun, mag-on na." Sobrang taas ng emotion ko sa mga sinasabi ko. "My God, kung hindi pa ako inaway ng isa sa mga die hard fan nya, mananatiling wala akong alam sa mga nangyayari. Nagmumukha kaya akong engot kanina." Dagdag ko pa.
"Ay! May ugali din pala talaga si Eshou kung ganun?! Pala-desisyon?!" Reaction ni Lisa na halos pabulong.
"Hindi ko maintindihan, Lisa. Bakit ganito ang mga studyante dito?" Pagtatanong ko sa kanya.
"Ay! Ewan ko, hindi naman kasi ako katulad nila eh." Imik sakin ni Lisa bilang sagot.
*****
Sa ladies comfort room...
"TOK TOK TOK"
"Ay! Wait lang, may tao pa." Sabi ko sa taong kumatok sa labas ng cubicle ko.
"Pakidalian, Miss. Ang tagal mo namang gumamit ng banyo." Mataray na sabi ng babae sa labas ng pintoan.
"Wait lang, sandali lang." Inis kong sabi dahil nag-aayos pa ako ng sarili ko sa loob ng banyo.
Bwesit yun ah! Ang dami-dami namang cubicle, bakit ako pa ang pagmamadaliin?!
Pagbukas ko ng cubicle ay si Assha Famellio ang nabungaran ko. Kasama ng mga studyanteng alepores nya.
Napakunot noo ako dito...
Medyo may kabang gumuhit sa puso ko dahil alam kong ito ang nakapalitan ko ng text kanina.
"Sa susunod! Dadalian mo ah! Hindi dapat pinaghihintay ang reyna." Mataray pang sabi sakin ni Assha.
"Oh-kay?" Taka kong turan.
Tiningnan ko ang paligid at lahat nga ng mga cubicles ay puno ng mga tao. Kailangang humanay para lang sa pagkakasunod-sunod ng mga mauunang gagamit.
Napapatingin sakin ang mga students doon. Tahimik ang aura ng mga ito at nagmamasid lamang silang lahat samin ni Assha.
"Hoy!" Tinapik nya ako sa balikat ko at hinarap ang mukha ko. "Hindi porket girlfriend ka na ni Eshou ay pwede mo na akong singgahan ng mga asta mo! Nabibilang din ako sa highest students ng school na to at baka ipadama ko yon sayo!" Matapang nitong sabi sakin.
"Tandaan mo, babae! Transfer ka lang dito sa school namin." Ani, Almira na medyo may taray ang tono.
"Ingat-ingat ka rin sa mga taong babanggain mo ah!" Anang baklang lagi nitong kadikit. "Matuto kang kumilala!"
Naningkit ang mga mata ko sa sinabi nila sakin.
Ano bang problema nila?! Nag-CR lang naman ako?!
"Anong problema, Jara?" Takang tanong ni Lisa na kakalabas lang din ng kabilang cubicle.
"Ikaw?!" Baling ni Assha kay Lisa. "Pagsabihan mo tong kaibigan mong salta ah. Maangas eh!" Mabagsik nitong sabi sa kaibigan ko.
"Pasensya na, aalis na kami." Takot na imik ni Lisa kay Assha.
BINABASA MO ANG
I'm A Victim I (Under Editing)
Детектив / Триллер❗SCARGAN GENERATION❗ Someone help me! Suspect na malinis pa rin sa mata ng lahat. All his crimes are still a big secrets untill the present.... WHO IS HE?! ****** Dahil sa inilabas na scholarships ay napasok ako sa isang school na may magandang pag...