Chapter 41

11 1 0
                                    

"Anong dahilan?" Bulong ko din dito.

"Kayong dalawa ni Eshou." Imik nya. "May gagawing plano pala dapat si Almira laban sayo, pero ini-reverse ng lalaki kaya si Almira ang namatay." Sabi sakin ni Lisa sa mariin nyang pagbulong sa tenga ko.

Kinabugan ako ng dibdib sa mga sinabi ni Lisa sakin.

Sumakit na naman ang ulo ko at tila may nakita na naman akong mga scenarios sa loob aking isipan na tila nangyari na sa nakaraan.

Madilim na silid at nakahiga lang ako sa sahig. May kausap akong lalaki at hindi ako makagalaw, umiiyak lamang ako at nagmamakaawa.

Naiyak ako ng bigla sa mga nakinita ko sa aking utak.

"Jara, sorry, ngayon ko lang ito pwedeng sabihin sayo. Hindi kasi ako pwedeng basta na lang lalapit sayo. Talagang naghintay ako ng pagkakataon na makalapit para lang sabihin sayo ang babalang nalaman ko." Paliwanag na bulong na lamang sakin ni Lisa. "Bye, Jara, dito muna ako."

Agad na umalis si Lisa sa tabihan ko. Naiwan akong nag-iinda ng sakit ng ulo habang nakaupo sa sahig ng CR.

Nawalan na pala ako ng malay-tao...

------------

[]:THIRD PERSON'S POV:[]

*****

Sa kwarto na pinaglagyan sakin ni Eshou.

"Leader, yon na nga ang kinatatakot ko eh." Ani, Eshou na nag-aalala ang tono sa kanyang kausap. "Baka bumalik ang lahat ng mga alaala ni Jara, ayokong mangyari pa yon."

Walang ipinakikitang pagkakakilanlan ang kanilang Leader, tanging mamahaling sapatos lamang nito at mahinang boses na animo'y parang sa babae ang langong at kapal ng bembrato ng tinig.

Habang nakapikit ako ay tila nananaginip ako, nakakarinig daw ako ng mga bulungan at ako ang pinag-uusapan

"Malakas ang kamandag ng kulam-pakalimot na yon, Eshou, kaya paanong babalik pa? Pwedeng may maalala syang detalye pero hindi magiging guarantee na ang eksaktong pagkakasunod-sunod ay maibabalik pa. Ano ba yang iniisip mo, tila nababaliw ka na sa babaeng ito?!" Inis ng kanilang Leader.

"Eh diba, sabi mo, nako-kontra nya ng paunti-unti ang salamangka mo." Ani, Eshou dito. "Leader, hindi ko kayang pigilan ang nararamdaman ko, sya lang ang gusto ko. Alam mo naman yon diba?!" 

"Bago pa lang kayo nagkakilala, Eshou?! Ano bang naibigay sayo ng babaeng yan?"

"Eh bakit yung alipin nyo?" Ani, Eshou dito. "Diba parehas lang naman yon? Tayo?!" Giit nito.

"Mhhh?! Eshou~" Tinig kong nagising sa kinahigaan ko.

"Nandito ako, Babe~?" Mabilis ang ginawang nyang pag-alo sakin.

Lihim na nagagalit ang lalaking kausap ni Eshou dahil ang mismong dark side nito ang siyang napa-ibig ko.

"Anong nangyari?" Pagtataka kong tanong kay Eshou nang makadilat ako ng aking mga mata.

"Maiwan ko muna kayo." Pabulong na sabi ng lalaking kausap ni Eshou sa kwarto.

Ngunit bago ako makadilat ng aking mga mata ay may nakita akong likod ng lalaking kalalabas lang ng pintoan.

"Sino yon, Eshou?" Takang turan ko sa jowa ko.

"Si Leader lang yon. Wag mo na syang pansinin." Sabi na lang ni Eshou sakin.

"Uhhh bakit ako nandito? Kumusta na ang event?" Tanong ko na lang dito.

Kilala ko na yata kung sino yun, ang taong tinawag nyang Leader.

I'm A Victim  I (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon