Malapit na rin ang uwian.
"Babalik ka pa ba ng classroom?" Tanong sakin ni Eshou habang naglalakad kami pabalik.
"Hindi na, dala ko na rin naman ang bag ko mag-stay na lang ako sa canteen. Malapit na rin naman ang uwian." Sabi ko.
"Ako, babalik ako, may kailangan akong tapusin sa classroom. Ihahatid kita ah, pupuntahan kita sa canteen." Sabi nya bago kami naghiwalay ng pathway.
Nag-stay na lang ako doon sa canteen....
Ipinahinga ko na lang ang katawan ko dahil sa pagod na rin ako. Nandoon nga din na magsulat ako sa aking ginawang diary....
Mahilig akong magsulat sa aking notebook na may de susing ewan dahil nga mahilig kong ikwento sa isang notebook ang mga mahahalagang pangyayari sa buhay ko.
Mahilig ko itong lagyan ng pamagat at gawing isang sanaysay.
Noong mga nakaraang araw na naging magkausap kami ni Mr. Hones ay ibinigay nito ang kanyang number, in case of emergency.
Ginawa kong i-text ito.....
MR. HONES, PWEDE PO BANG MAGKITA TAYO SA BAHAY KO. IMPORTANTE LANG PO, MAG-USAP PO TAYO NG PERSONAL.
I insert the address....
Nag-reply naman ito kaagad.
OKAY, MAKE SURE NA WALANG IBANG KAIBIGAN ANG PUPUNTA NGAYONG GABI SA BAHAY MO. MAHIRAP NANG MALAMAN NG IBANG TAO NA MAY KONEKSYON KA SAKIN.
MAKAKAASA PO KAYO. BASTA KAPAG NASA LABAS NA KAYO NG BAHAY NAMIN AY MAG-TEXT LAMANG KAYO SAKIN PARA MASUNDO KO PO KAYO.
OKAY.
*****
Sa daan pauwi...
Naunang makapunta sakin si Lisa.
"Halika na, Jara. Uwi na tayo." Sabi sakin ni Lisa.
Nabigla ako kasi hindi si Eshou ang pumunta sakin.
"Hala! Akala ko si Eshou ang maghahatid sakin?" Pagtataka ko.
"Huh? Diba lagi naman tayong sabay umuwi? Bakit nito yatang mga nakaraan, kay Eshou ka na sumasabay?" Pagtataka rin nyang patanong.
"Makulit eh." Imik kong bulong dito.
"Teka nga! Umamin ka?! Kayo na ba?" Panghuhuling tono ni Lisa.
"Hindi ah, ano ka ba?" Depensa ko naman agad. "Hindi pagbo-boyfriend ang laman ng utak ko. Ayoko munang harapin ang mga lovelife problems." Paliwanag ko pa.
"Eh bakit may Eshou?" Panghuhuli pa ring nyang may malaking ngiti sa labi.
"Eh kasi hindi ko ma-busted dahil kay Assha. Ipinagtatanggol nya ako, alam mo na, utang na loob." Paliwanag ko pa.
"Pero nanliligaw talaga sayo?"
"Hindi naman ako manhid, Lisa. Dedma na lang dahil ayokong pumasok sa mga ganung bagay. Iba ang gusto ko sa buhay, marami pa akong pangarap." Paliwanag ko pa dito.
"Naku! Mahirap nga yang pinasok mo." Ani, Lisa. "Mahirap kalaban ang mga bullies na yan. You know what, wag na wag mo talagang ibu-busted si Eshou, minsan nang ginawa yan ni Jossy dahil sa boyfriend nyang naging sikat na boy band rapper." Bulong ni Lisa sabay umupo sa lamesa.
"Huh?" Taka kong turan dito.
Oh? New private issue unlocked na naman kami ni Lisa.
"Si Eshou? Nanligaw kay Jossy?" Pagtataka ko.
"Secret lang yon ah, wala yatang may nakakaalam na nanligaw si Eshou ng babae dito sa campus. Kasi naririnig ko noon, na silang dalawa ay nagliligawan noong second year pa lang kami. Classmate ko yan sila noon pa, sabi ko nga sayo, marami akong alam eh. Ayaw ko lang magsalita at mahirap na." Bulong nito sakin.
BINABASA MO ANG
I'm A Victim I (Under Editing)
Mystery / Thriller❗SCARGAN GENERATION❗ Someone help me! Suspect na malinis pa rin sa mata ng lahat. All his crimes are still a big secrets untill the present.... WHO IS HE?! ****** Dahil sa inilabas na scholarships ay napasok ako sa isang school na may magandang pag...