Chapter 35

15 1 0
                                    

Para kasing huminto ang mundo ko ng magbasa ako ng diary book ko.

"Aba'y alas-nuwebe na." Sagot lang ni kuya sakin. "Lumabas ka na dyan, at baka mamuti kang bigla." Sarcasm na biro nito pagdaka.

"Jude?! Wag kang ganyan sa kapatid mo." Masungit na saway ni Mama dito.

"Mukhang may galit sakin si kuya Jude." Sabi ko kay Mama.

"Nagtatampo lang yon, dahil nadamay sya sa naging kaso mo sa eskwelahan na yon." Sagot ni Mama sakin.

"Ano po bang nangyari kay Kuya?" 

"Muntik din syang mamatay katulad mo. Pinagbabaril sya sa daan at buti na lang, suot nya ang anting-anting ng Lolo mo." Paliwanag sakin ni Mama.

"Talaga po?! Napagbabaril si kuya?!" Bulalas kong pabulong.

"Nung wala ka sa bahay nung gabing yon, siya namang tumawag sya sakin at yon ang sinabi nya. Sinabi ko kasi sa kanila ng Papa mo, na tumulong ka sa kaso ng mga pulis." Paliwanag nya sakin.

Hindi ko pala masisisi si Kuya Jude sa kanyang pagbabago ng trato sakin. Kasalanan ko naman palang lahat, nakialam kasi ako, kaya ito ang nangyari sa pamilya namin ngayon. Napasok kami sa malaking gulo ng school.

"Jara," boses ni Lisa sa labas ng kwarto.

Nilingon namin sya ni Mama.

"Uhm, Hi po sa inyo, Tita Marie." Magalang na sabi ni Lisa sakin.

Hawak nya ang cellphone ko at cellphone nya.

"Uh sabi na nga ba at aakyatin mo sya eh." Natuwang sabi ni Mama dito.

"Importante po kasi eh." Sabi ni Lisa sa Mama ko.

"Sige at maiwan ko muna kayo dito." Sabi na lang ni Mama at saka lumabas na sa kwarto.

*****

Nang maiwanan na kaming dalawa sa loob ng kwarto ko.....

"Anong ginagawa mo, Jara?" Si Lisa naman ang umupo sa pwesto ng Mama ko kanina.

"Ito, binabasa ang diary book ko." Sagot ko lang dito.

"Talaga? May diary ka?" Pagtataka nito sakin.

"Oo, mahilig akong magsulat eh." Natuwa kong sabi sa kanya.

"Well, change topic tayo. Ngayong umaga lang, pumutok ang viral news sa school." 

"Viral news?" 

"Oo, si Almira Ausman, patay na sya, balitang-balita sa halos lahat ng GC na meron ako. Nakita ang bangkay nya sa loob ng isang ordinary Motel." Mataas ang emosyon nito sa pagkukwento.

"Huh?!" Nagulat ako sa naging balita nya.

"Oo, kahit man din ako, hindi rin ako makapaniwala. Sabi ko na sayo eh. Sila-sila din ang nagkakapatayan sa huli." Sabi sakin ni Lisa. "Kutob ko na yan, Jara, mga studyante lang din sa school natin ang may pakana nyan." 

"Eh sino daw ang suspek?" 

"Wala." Deretsong sagot nito. "Magdedemanda daw ang parents ni Almira, solong anak na babae sya sa limang magkakapatid. Kakaloka talaga!" 

"Paano sila magdedemanda?! Eh wala pa silang suspek?" 

"Edi panibagong imbestigasyon na naman ulit, alam mo, kay Jossy at kay Lelith kasi yan nag-umpisang pumutok eh. Kaya lumaki ng lumaki ang issue ng school." 

"Bakit dati ba? Hindi nadadamay ang school?"

"Tumpak." Imik nitong may kahulugan.

Natahimik na lang ako sa kawalan. Panibagong kaso na naman ang nagkaroon ang school.

I'm A Victim  I (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon