Napangiti na lang ako sa pagpapanggap na okay lang sakin ang mga ginagawa nya.
Matapos ng mga ginawa mo sakin nitong mga nakaraan? Bakit ako maniniwalang mabait ka talaga?! Sabi ko sa loob ng isipan ko habang nakikisama ako rito ng peke.
"Saka mo na lang yan hangaan. Ilagay mo muna yan sa mga desk nila." Sabi pa ni Eshou.
"Okay." Imik ko na lang dito.
"Bilisan mo ah." Nakangiti pa nyang sabi dito bago sya bumalik sa upuan nya.
Ginawa ko na lang ang sinabi nya. Ipinamamahagi ko na ang mga card boards sa bawat desk ng mga kaklase ko habang sandaliang inuusisa ang mga output nila.
Natapos na ang ginagawa ko, siya na ring nakabalik na ang mga studyante sa classroom.
Sa haba ng pag-uusisa ko sa mga card boards ay nakain nito ang isang oras na vacant time. Ang mga bond papers na lang ang siyang aasikasohin ko mamaya.
Pumasok na ang susunod na teacher para sa bagong subject.
Math
"Okay, good morning, Class?" Bati ni Mr. Geronimo sa buong klase.
"Good morning, Mr. Geronimo." Bati rin ng mga kaklase ko rito.
"Okay, Class. Nagpapalit muna kami ni Mrs. Cuenca ng oras ng pagtuturo para sa araw na ito. Biglaan ang kanyang naging leave dahil naaksidente ang anak nitong panganay sa Bus. So ayon sa batas ng school, hindi pwede ang biglaang pag-absent ng mga teachers. So mamayang hapon, sa oras ng klase ko ay sya naman ang papasok para sa English subject ninyo." Mahabang paliwanag ni Mr. Geronimo sa aming lahat.
Nag-umpisa na ang klase namin para sa Math.
"Excuse po," anang maintenance staff na kumatok sa pintoan ng aming classroom.
"Ay! Ano yon? Nasa oras kami ng klase." Masungit na sabi ni Mr. Geronimo sa taong kumatok.
"Excuse daw po kina Eshou Tejesse, Helton Martinez at Patricia Sarez, may biglaang tawag ng meeting po ang mga supreme officer, kasama ang mga anak ng share holders." Paliwanag ng staff mula sa labas.
"Uh ganun ba?" Imik na lang ng guro.
"Kasama ang anak ng mga share holders? Edi kasama din dapat ako don." Ani, Jaime Bayola.
"Saka ako din." Ani, Ramond na isa din sa pinaka mayaman sa classroom.
Nagsensyas ang masungit na guro na buksan ang pintoan ng isa sa mga studyante na malapit ang upuan sa pintoan.
"Sumama na lang ang mga anak ng share holders at kabilang sa supreme student council. Yun lang kasi ang natandaan ko sa dami ng mga pangalan eh." Paliwanag ng staff na lalaki sa labas ng binuksang pintoan.
"Oh sige na, lumabas na ang mga matatalino kong studyante. Puro mga mahihinang klase ang natira." Masungit na sabi ni Mr. Geronimo sa buong klase.
"Grabe naman kayo, Sir. Hindi naman ganung katalino si Patricia." Ani, Maggi na sumagot sa guro ng may pagtatampo ang tono.
"Oh ganun?! Isusumbong nyo ko agad sa mga parents nyo?! Sasabihin nyong ako ang dahilan ng mga depression nyo?!" Inis na sabi agad ni Mr. Geronimo kay Maggi.
"May sinabi ba akong ganun?" Imik agad ni Maggi na halos pabulong. "Hindi naman ako bumabagsak sa mga test?" Saka pa ito nag-make face na harapan ng guro at umirap pagdaka.
"Puro kayo reklamo?! Bakit, Maggi, umabot ba ng 85 average ang grades mo sa subject ko?!" Pagsusungit ng matandang binatang guro sa kanyang studyante. "Kung makasagot-sagot ka sakin ngayon?! Ginagaya mo silang mga nakakakuha ng highest scores?! Nakikipag-compete sila sakin sa klase ko?! Bakit?! Iilan lang ang mga nakaabot sa passing grade ko? Kasama ka ba doon?!"
BINABASA MO ANG
I'm A Victim I (Under Editing)
Mystery / Thriller❗SCARGAN GENERATION❗ Someone help me! Suspect na malinis pa rin sa mata ng lahat. All his crimes are still a big secrets untill the present.... WHO IS HE?! ****** Dahil sa inilabas na scholarships ay napasok ako sa isang school na may magandang pag...