Chapter 32

6 1 0
                                    

"Lisa, sa totoo, hindi kami nagpunta sa kahit anong party. Pinag-usapan lang namin kanina sa kotse, na yon na lang ang gamiting dahilan." Pag-amin ko kay Lisa. 

"Ano? Bakit?" Aniyang nagtataka na naman. 

"Sa bahay ako ni Eshou nagising, Lisa. Wala akong ideya sa anumang dahilan. Basta ang natatandaan ko lang, may nangyari samin ni Eshou sa loob ng tent." Kwento rito.

"Jara, bakit ganun?! Hindi mo kasama si Eshou ng umalis sya sa school. Nakita ko yon, Jara, hindi ako pwedeng magkamali. Nag-uwian ang mga studyante bago sila pinayagan ng principal na maghalughog sa buong campus. And what the coincidence?! Pati ang principal na si Mr. Freo kasamang namatay din." Mahabang kwento nito.

Napapaisip ako sa mga narinig ko kay Lisa. Kakaiba ang kabog ng dibdib ko.

"Sa tingin mo ba, Lisa, parang may mali?" Patanong kong sabi dito.

Natigil na ako sa pagpapatuyo ng buhok ko.

"Anong parang? May mali talaga?! May mali kay Eshou na sinasabi mong sa bahay ka nya nagising at um-attend daw kayo ng party?" 

"Hindi nga kami um-attend ng kahit anong party. Sinabi nya sakin na yun na lang ang gawin naming alibay sa mga magulang ko." Paliwanag ko rito.

"Yun na nga eh, nag-alala kami sayo ng magdamag. Nagdadasal kami oras-oras na sana makabalik ka ng ligtas kung na-kidnap ka man." Paliwanag naman ni Lisa.

Mas lalo akong naguluhan sa sinabi nya.

"Huh? Na-kidnap ako?" Takang pagtatanong ko.

"Wala ka ba talagang maalala?" Pagtataka rin nya.

Napaisip ako sumandali...

"Ang natatandaan ko lang,----

"-----Si Mr. Hones? Natatandaan mo ba sya?"

"Oo, pero hindi na masyado." Pag-amin ko. "Hindi na malinaw sakin kumpaano kami nagkakilala."

"Nakipagtulungan ka kay Mr. Hones. Isa syang police detective, isa sya sa mga humahawak ng kaso ng school." Paliwanag nito.

Wala na akong maalalang detalye patungkol kay Mr. Hones. Nakatingin lamang sakin si Lisa na tila nag-iisip ang aura.

"Jara, si Jossy ba, natatandaan mo?" Tanong nyang muli.

Kumabog ng malakas ang puso ko. Tila natauhan ito ngunit hindi ko na matandaan pa ang mga bagay-bagay patungkol sa nakaraan.

"Ano kamo?" Imik kong nakadama ng takot.

"Si Jossy, minsan na natin syang naging topic. Namatay sya sa lumang library, diba nga? May nakuha kang lapis na nanggaling kay Jossy?"  Sabi nya pagdaka. "Sabi mo pa nga nun, may psychic ability ka?" 

May naaalala ako ngunit walang detalye akong makita sa loob ng isipan ko.

Parang may gumagalaw lamang na kung ano sa loob ng isip ko ngunit wala naman itong nakikitang kahit anong larawan ng isang alaala.

Natatakot ako, yung takot na naramdaman ko nung nagising ako sa kwarto ni Eshou.

Bakit?! Bakit ako nakakaramdam ng ganitong takot?! 

Saan ba ito nanggaling at paano ko ito naumpisahang naramdaman?!

"Jara, parang nahukus-pukus ka ah?" Aniya.

"Huh?" Nagising ako sa pag-iisip ko ng malalim.

"Hukus-pukus?! Yun bang isinailalim sa isang hipnotismo?" Sagot nya na paliwanag na din.

"Sumasakit ang ulo ko, Lisa. Kumpwede sana, sa ibang araw na lang tayo mag-usap." Sabi ko dito habang iniinda ang sakit ng aking ulo.

"Oh, sige. Magpahinga ka. Marami talaga tayong pag-uusapan." Sabi na lang ni Lisa. "Mag-iingat ka kay Eshou ah. Wag kang magtitiwalang maginoo yon, dahil kung talagang mabait sya, alam nyang naghahanap sayo ang pamilya mo, dapat iniuwi ka nya." Bilin nito sakin na nagpapayo ang tono.

I'm A Victim  I (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon