Chapter 23

3 1 0
                                    

Naalala ko pang sinabi sakin ni Almira. "Sa panahon ngayon, hindi na mahalaga kung babae na ang nanliligaw sa lalaki." Boses ni Almira sa tenga ko.

Hindi ako pasasaling sayo hangga't hindi kita napapa-ibig. Sisiguradohin kong magiging taguan kita, kahit pa gawin mo lang akong trophy collection.

Nanahimik na lang si Eshou ngunit may tinatago nang kilig sa impit nyang mga labi.

Iba pala ang school na ito. Digmaan pala ang meron dito. Naging komento ko sa aking sarili habang nananahimik sa tabi nya.

******

Tanghali.... 

Naunang matapos ang practice ng soccer team para sa umagang ito. 

Nakikinood na lamang sila sa amin para sa panandaliang pagpapahinga.

Maya-maya pa ay dumating doon ang mga basketball players kasama si Dendra.

Tuloy lamang ang performance namin kahit na damang-dama kong nakatingin sakin ni Eshou at sunod nya ako ng tingin sa bawat galaw ko.

Pumalakpak ang couch namin ng matapos namin ng maayos ang sayaw.

"Good job, guys! Okay, magpahinga na kayo at ikundisyon nyo na ang mga sarili nyo para sa laban ng ating players." Sabi na lang ni Miss Joan.

"Okay po, Miss Joan." Sabi na lang namin dito.

"Oh mag-reses na muna kayo. May last practice pa tayo, hanggang 5pm ng hapon." Sabi na lang nito at saka uminom ng tubig sa baong bottled water.

Pawisan na ako at nagpapatuyo ng pawis gamit ang towel ko galing sa bag ko.

"Kamusta na? Hindi ka ba masyadong nahihirapan?" Bati sakin ni Eshou. 

Lumapit ito sa pwesto ko at inakbayan ako. 

Nakikita yon ng mga studyante na nasa loob din ng covered gym. Medyo nakaramdam ako ng ilang dahil nandoon si Almira at nakatingin din sya samin.

"Ang hirap nga eh." Sabi ko dito. "Lalo na yung bubuhatin namin sa ere si Kendra at saka ihahagis papataas. Ang bigat nya." Bulong kong pareklamo dito.

Magaan ang loob ko ngayon, ewan, baka good mood lang ako sa mga oras na ito.

"So totoo nga ang chismiss..." Ani, Miss Joan na nakangiti samin ni Eshou. "Mag-on na nga kayo ni Miss Revato."

"Officially, Miss Joan." Nakangiting sabi ni Eshou dito.

Nanahimik lang ako sa pagka-ilang na nararamdaman ko.

"Swerte ka dyan, Miss Revato. Ngayon lang daw yan nag-announce ng girlfriend." Masayang sabi samin ni Miss Joan.

Napangiti na lang ako ng pilit....

"May isa pang chismiss ang nadidikit sa inyo." Anang isang studyanteng taga-section C na kasama din namin sa cheering squad.

"Huh?" Taka kong imik.

"Sinasabi mo daw na patay na patay sayo si Eshou?" Sabi naman ng isa sa mga friends ni Kendra at Almira.

"Ano?!" Imik kong napatumang, nakakunot ang noo at nagtataka sa kanilang sinabi. "Ako daw ang nagsabi?"

"Oo, yun ang isinasagot mo sa mga nagtatanong sayo eh." Anang isang studyante na taga-second year level.

"No way! Wala akong sinasabing ganyan. Baka naninira lang sakin yon." Pagtanggi kong depensa.

"Kaya nga chismiss eh---" Ani, Almira.

"----- So wag kayong maniniwala dahil hindi yon galing sakin." Pambabarang sabi ko kay Almira.

I'm A Victim  I (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon