Chapter 40

9 1 0
                                    

"Sana, Mama, kumampi satin ang magandang kapalaran, mahuli na sana ang mga studyanteng gumagawa ng pagpatay sa mga kapwa nila studyante at mga kabataan sa labas ng school." Sabi ko na lang.

"Kaya dumikit-dikit ka lang ng bahagya kay Eshou, siguradong may alam yan sa nangyayari sa loob ng school nyo. Sabi nya kasi sa Papa mo, isa ang Daddy nya sa mga share holders ng school." Ani, Mama.

"Oo nga po, Mama."

"Kaya ganun ang magandang gawin mo, Jara. Sakyan mo lang ang trip nya. Mukhang magaling sya mang-uto. Kahit pa-paano eh nauuto nya ang Papa mo."

"Oo nga po, napapansin ko ngang pinagsisikapan nyang makuha ang loob ni Papa."

"Pero mag-iingat ka. Hindi talaga maganda ang kutob namin ng kuya Jude mo sa tao na yan."

"Sige po, Mama. Lagi akong magiging alerto sa lahat ng oras, lalo na kapag magkasama kami." Sabi ko na lang sa Mama ko.

*****

Linggo...

5:00pm...

"Oh Lisa? Napatawag ka. Ano? Sasabay ka ba samin ni Eshou?" Tanong ko dito.

"Uhhh hindi eh, Jara." Sabi lang nito.

"Huh? Bakit naman? Eh diba pumayag na nga si Eshou?"

"Nagkausap kasi kami nina Jules at Patricia. Magsasabay-sabay sila sa pagpunta doon para maging grupo. Ini-add nila ako kanina sa ginawa nilang GC, eh iaa-add na lang kita bukas, busy din kasi ako at nagmamadali na rin, sa iisang sasakyan lang kami sasakay eh." Pagbabalita lang nito.

"Uhhh ganun ba? Okay sige. Doon na lang tayo magkita." Sabi ko na lang dito.

"Sige, Jara. Nagsabi lang ako sayo, wag kang magtatampo ah. Ilag na ilag talaga kasi kami sa mga students na may ranggo sa school katulad ni Eshou."

"Naiintindihan ko. Hindi ako nagtatampo, nalulungkot lang ako. I really missed you, guys."

"We really missed you rin. Sige, aalis na ako, kita kids na lang doon." Pagpa-paalam nito pagdaka.

*****

Sa lugar ng lamay ni Mr. Freo.

Marami nang tao doon, puro mga studyante ng school ang karamihang bisita ng nasabing lamay.

Halatang mamahalin ang kanilang inihanda para sa event ng lamay, parang style party ngunit mahahalata mo pa ring may lamay ang vibes ng lugar.

May mga malalaking bulaklak sa panabi ng daan at nandoon sa pinaka gitna ng bulwagan ang malaking picture at naka-jar na abo ni Mr. Freo.

"Eshou, nauna na palang ma-cremate si Mr. Freo?" Taka kong turan dito.

"Yun na nga eh, akala natin talaga pagkatapos pa ng lamay." Sabi naman ni Eshou.

"Okay." Naging imik ko na lang.

"Hey, Eshou!" Bati ng mga lalaking taga-section A, fourth year level.

"Hey, guys, what's up?" Masayang salubong ni Eshou sa mga ito.

Nanatili lang akong nasa likuran ni Eshou dahil sumenyas sya na wag akong aalis sa tabihan nya.

"What's new?" Anang isang nakipag kamay din sa kanya.

"I don't know." Imik lamang nito.

"There's have announcement any yet?" Sabi pa ng isa dito.

Bale apat na mga kalalakihan ang siyang kinausap nya.

"Mhhhh on that matter? I'm just waiting too." Imik naman nito.

I'm A Victim  I (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon