Chapter 20

11 2 0
                                    

"Naku! Masama pala ang school na yon! Bakit doon ka pa nakapag-aral, anak?!" Reaction agad ni Mama na nag-alala. "Baka mamaya masamang impluwensya sayo yung Eshou na yon?" Dagdag pa nitong sabi.

"Wala tayong magagawa, Mama, kundi ang makiayon, dahil kung ko-kontra ako sa kanila ay mabu-bully talaga ako." Sabi ko naman dito.

"Totoo po yon, Tita Marie." Sabi naman ni Lisa. "Ako, hindi ko kaya ang kumampi sa kanila, at ang ibang mga studyante na ayaw sa kanilang mga ginagawa, nananahimik na lang kami at nagwawalang kibo." Mariing paliwanag pa nito.

"So hindi pala sila kayang disiplinahin ng school?" Pagtatakang tanong ni Mama.

"Ang katwiran nila, Tita Marie, sila daw kasi ang dahilan kaya kumikita ang school, at katwiran naman ng kanilang mga parents, hindi daw dapat saktan ang kanilang anak dahil makakaapekto daw ito sa mental health. Saka hindi payag ang mga parents na parurusahan ang kanilang mga anak, sila lamang daw kasi ang may karapatang magdisiplina sa mga ito." Mahabang paliwanag ni Lisa.

"Sus ko po, ginoo!" Reaction na lamang ni Mama sa mga sinabi ni Lisa.

"Believe nga po ako kay Jara eh, dahil kaya nyang tumulong sa mga detectives. Kami, wala kaming lakas ng loob, mas nakaka-trauma kasi ang mga kapwa mo studyante kaysa sa mga teachers." Sabi pa ni Lisa.

"Buti nakaya mong makapag-aral doon, Lisa?" Sabi ni Mama dito.

"Kasi po, Tita Marie, kaming mga naging elementary students ng Don Rivera's School ay 1/4 na lamang ang babayaran sa tuition fee. Eh ang habol ni Mommy sa mga exclucive school ay magandang background." Paliwanag ni Lisa. "Kapag kasi nanggaling ka sa maganda at sikat na school, hindi ka mahihirapan maghanap ng trabaho." Dagdag pa nito.

Oo nga naman!

Walang kaming naging imik doon. May tama naman ang Mommy ni Lisa. 

Malaking bawas sa tuition fee at magandang school background. Hindi talaga ito matatanggihan ng mga magulang. Marami kasing benifits kapag nanggaling ka sa mga kinikilalang schools.

"Ang hirap pala ng sitwasyon ng mga studyante doon." Komento naman ni Mama.

"Mahirap, para sa aming ayaw ng mga sakitan. Masaya naman para sa mga kabataang gusto ng mga paligsahan at sanay sa bardagulan." Sabi ni Lisa na may pag-aalala sa tono. "Mas maiintindihan mo ang mga sinasabi ko, Jara, kapag mas tumagal ka pa sa school." Sabay baling sakin ni Lisa.

"Ibig sabihin, meron pang mas malala kaysa kampihan nilang lahat?" Pagtataka kong reaction.

"Basta manahimik ka lang, kaya tama rin ang ginagawa mong makiayon sa mga nakikipag-kaibigan sayo." Makahulugang sabi sakin ni Lisa.

Nag-aalala naman si Mama habang tahimik syang nakikinig samin ni Lisa.

"Saka isa pang payo, Jara." Ani, Lisa. "Wag kang magku-kwento sa mga kaklase natin o sa kahit na sino pang makakasundo mo sa school. Mas lalong takot, mas mabilis mapaamin, kaya lagi kitang sinasabihan na wag sana akong madadamay sayo, malinaw naman na kinakampihan kita ng patago." Sabi pa nito na nagpapaunawa.

"Naiintindihan ko, Lisa. Wag kang mag-alala, sisiguraduhin kong hindi ka madadamay." Pangangako ko dito.

"My Goddddd" nasaad ni Mama na pabulong sa takot na baka mapahamak ako.

"Maibang topic, Jara?" Ani, Lisa. "Totoo bang basta na lang kayo naging mag-on ni Eshou nang wala man lang kayong naging agreement?" Pagtatakang tanong ni Lisa sakin.

"Lilinawin ko na, Lisa, para hindi ka mabigla." Pauna ko dito.

Mariing nanahimik si Mama upang mas makinig samin.

I'm A Victim  I (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon