Tapos na ang meeting namin ni Mr. Hones.
Bago mag-time bell para sa susunod na subject ay gumala pa ako sa buong sulok ng school.
"Jara!" Tawag ni Eshou sakin.
"Oh, Eshou?!" Taka ko dito paglingon sa kanya mula sa likod ko.
Patakbo naman syang lumapit.
"Ikaw lang mag-isa?" Taka nyang patanong.
"Oo eh." Sabi ko lang.
"Saan ka pupunta?" Taka nyang tanong.
"Wala, may maluto kasi ako eh. Kaya para hindi ako ma-bored sa classroom pumasyal muna ako. Ikaw ba?"
"Tapos na ang meeting namin sa soccer team. Tara, samahan kita. Maiinip din naman ako sa classroom eh." Pag-aalok nya.
"Sige, ikaw ang bahala." Sabi ko lang. "Teka? Wala ka bang practice ng soccer?"
"Wala muna daw ngayong araw."
"Malapit na rin pala ang laban ninyo?"
"Nagpapagaling pa ng binti si David."
"Ganun ba."
Hindi na natuloy ang balak kong maglibot-libot sa mga sulok-sulok ng campus. Sa mga pasilyo na lamang kami ng baybay maglakad.
Balak ko sanang ibukas kay Eshou ang tungkol sa paghahanap ko sa suspek ng campus, kaso, naiisip kong suspek pala muna lahat ng mayayaman at matatalino sa school.
Saka mahirap na rin at baka may makarinig pa samin.
"Uhhh Jara, hindi naman sa pagiging chesmoso ah, pero narinig kong ipinatawag ka daw ng principal? Bakit at para saan?" Tanong ni Eshou.
Kinabahan ako sa binuksan nyang topic....
Naalala kong muli ang mariing bilin ni Mr. Hones. Saka ang mga ipinagtapat nilang marami nang namatay sa paaralan na ito, maliban pa nung nakaraang taon.
Natakot din ako kay Eshou dahil sa sinabi ni Mama sakin, at sa mga napupuna ko ring masamang pag-uugali nya.
Nag-alangan ako sa kanya na dapat sana'y pagkakatiwalaan ko sya para sa mga nalalaman ko.
"Uhm tinanong lang ako ng principal. Nakarating na kasi sa kanya ang naging alitan namin ni Miss Assha." Sabi kong pagsisinungaling dito.
"Nagsumbong ba si Assha sa principal?"
"Uhm, hindi ko alam eh. Kinausap lang ako nito patungkol doon. Pinagsabihan lang ako, kasi nga diba? Gusto nitong i-endorse naming mga tranfery ang school next year." Malala pang pagsisinungaling ko.
"Ganun ba?" Imik lang nito at napapaisip.
Kinakabahan ako ng hindi ko mawari. Basta halos nangangatog ang mga tuhod ko at ayaw ko ng ganitong pakiramdam.
Tila may kinatatakutan ako....
Tahimik na kami sa paglalakad.
Hindi na sya kumikibo sakin at tulad ko ay nag-iisip din ang pananahimik nya.
"Alam mo, uhmmm...." Nag-iisip ako ng pwedeng maging topic.
"..... Ano yon?" Agad nyang imik sabay lingon sakin.
"May naririnig akong chismis dito. Meron ba talagang nagpakamatay dito sa campus?" Bulong kong patanong.
"Huh?!" Nabiglang reaction sakin ni Eshou.
"I mean, yung Lelith ba yon? Basta narinig kong ganung pangalan ang nagpakamatay dito sa campus." Bulong kong sabi.
"Oy! Bawal nang pag-usapan yan dito. Baka may makarinig sayo." Sabi nya sakin na nangingiti ng di malaman at napalingon-lingon sa paligid namin.
BINABASA MO ANG
I'm A Victim I (Under Editing)
Mystery / Thriller❗SCARGAN GENERATION❗ Someone help me! Suspect na malinis pa rin sa mata ng lahat. All his crimes are still a big secrets untill the present.... WHO IS HE?! ****** Dahil sa inilabas na scholarships ay napasok ako sa isang school na may magandang pag...