Dahil nga sa panaginip ko. Nale-late na ako sa oras ng pagpasok sa school.
Isa ako ngayong umaga sa mga naparusahan.
Ang parusa saming mga na-late ay maglinis ng CR.
Lilinisin namin ang malaking CR ng campus.
Nagre-reklamo sa daan ang mga kaklase kong mayayaman. Anim kase kaming mga na-late.
Apat na lalaki at dalawa lang kaming babae.
"Ano ba yan? Bakit sa dami ng ipa-parusa samin, maglinis ng CR pa?" Reklamo ni Mailen.
Kasama kong na-late sa pagpasok at dalawa lamang kaming babae sa anim.
"Sir, magwalis na lang kami sa field, ayaw namin sa CR." Paawa ni Mar sa janitor na lalaki.
"Ang bilin ni Mrs. Samonte sa CR kayo maglilinis." Sabi lang nito samin.
****
Nasa CR na kami....
"Oy! Lee, ikaw na sa dulo ng CR." Sabi ni Mailen kay Lee.
"Aba! Ano ka? Ayoko nga, ang creepy dun eh." Tanggi kaagad ni Lee dito.
"Sige! Ako na lang." Parang nagtaka silang lima sakin.
"Talaga, Jara? Okay lang sayo?" Si Zi.
"Oo naman, Zi." Sabi ko lang dito. "Bakit?" Nagtaka ako sa nakita kong reaction nila.
"Wala... Sige ha, sabi mo yan." Sabi naman ni Mar.
"Sige na, linisin mo na doon." Sabi kaagad ni Sed.
"Okay." Imik ko lang.
Saka nagpunta ako sa dulo ng banyo na ayaw nilang linisan.
Nagkakatinginan lamang sila sakin habang nagtataka silang sinundan ako ng tingin.
Saka lamang sila nagsipag-kibit balikat pagdaka.
"Okay lang yan, bagohan lang sya dito. Hindi naman nya alam ang kwento." Bulong ni Mailen.
"Kahit na, ang creepy pa ding isipin." Ani, Sed.
"Wag kayong maingay." Saway agad ni Mar. "Mamaya nyan, marinig pa kayo eh."
"Oo nga, baka mamaya biglang gumaya satin. Mag-back out pa syang malinis don." Sabi naman ni Zi.
Binuksan ko ang pintoan nun.
Bigla na lang akong nakarinig ng sigaw.
"Ay! Ano ba yon?!" Nagulat ako at napaigtad sa kinatatayuan ko sa pintoan ng nakasarang banyo at napatingin agad sa mga kasama ko.
Nagtaka lang sila sakin at kumunot ang kanilang mga noo.
"Bakit, Jara?" Pagtataka ni Mailen na nakakunot ang noo ng mariin.
"Wala... Wala... Pasensya na." Sabi ko na lang sa kanila saka pumasok na lang ako sa banyo.
Kaagad akong may nakita doon.
Babaeng may sinisipa, may kaaway o ewan ko ba at sumisigaw din sya.
Nabalik ako sa malay tao ko. Nayakap ko ang sarili ko at kaagad ay nabalot na naman ako ng kakaibang kaba.
Nakaramdam agad ako ng pangangalisag ng aking mga balahibo.
Nakita ko rin sa isipan ko na maraming tao at may mga pulis sa pwestong ito.
Dilat, pikit, dilat, pikit ang ginagawa ko sa loob ng CR dahil sa mga biglaang nakikita ko sa aking isipan.
Mga pulis? Mga tao? Nakiki-usyoso? May dugo? At babaeng galit?
BINABASA MO ANG
I'm A Victim I (Under Editing)
Mystery / Thriller❗SCARGAN GENERATION❗ Someone help me! Suspect na malinis pa rin sa mata ng lahat. All his crimes are still a big secrets untill the present.... WHO IS HE?! ****** Dahil sa inilabas na scholarships ay napasok ako sa isang school na may magandang pag...