Matapos ng mahabang kwentohan ng kanilang grupo, sa wakas ay nagpaalaman na din sa isa't isa.
"Sige na, dito na kami, mukhang inaantok na itong kasama ko." Sabi ni Eshou sa barkada nya.
Nagising naman ako galing sa pagkakasandal sa kanyang balikat. Nakaidlip na pala ako sa pananahimik ko, hindi kasi talaga ako makasabay sa kanila.
Ganun din naman si Narissa, na sinasabi nilang girlfriend daw ng kanyang amo.
Kaya naman nakigaya na lang ako dito sa kanyang pananahimik mula pa kanina.
Katabi sya ni Freigone sa table at naka-akbay ang lalaki sa sandalan na kanyang inuupuan.
"H-Huh?" Taka kong turan.
"Uuwi na tayo, Jara." Malambing na sabi sakin ni Eshou.
"Kami rin ni Narissa, uuwi na." Ani, Freigone.
"Sige, budds, ingat kayo." Imik naman ni Raver na umakbay kay Kendra.
"Ako rin, uuwi na, marami pa pala akong isusulat na script." Ani, David Chan.
Nagkayayaan na ring mag-uwian ang buong barkada. Maliban kay Kendra at Raver na katuwang ng magulang ni Almira.
"Sige, dito na ako, guys. Hahanapin ko muna si Andrea. Busy kasi yon sa Mommy ni Almira eh." Imik ni Dendra sa mga kasamang lumabas ng parking lot.
"Oo nga, turn ko na mamaya." Ani, Kendra.
"Huh? Bakit? Nagpapalitan ba kayo nun?" Ani, Narissa.
"Yeah, nag-iisang anak na babae si Almira sa kanilang pamilya. So that, ginagawa namin yon para aluin sya. Kundi, pwede syang mabaliw. Sobrang mahal na mahal nila ang anak nila." Paliwanag naman ni Kendra.
Naintindihan ko na rin...
I guess, mahal din nina Kendra at Andrea, si Almira. Dahil kung hindi, hindi sila makakatagal sa ganitong uri ng pakikisama. Nasabi ng isipan ko.
"Oh you're such a good bestfriend." Komento na lang ni Narissa dito.
"Thanks," imik naman ni Kendra.
*****
"Eshou, bakit dito tayo sa bahay nyo umuwi?" Taka kong imik dito.
"Alam mo na." Naging imik lang nya.
Na-gets ko na.
Hindi na kailangan pang i-clear.
Yung gusto nya last night, gagawin nya talaga. Anang saloobin ko na hindi natuwa.
"Let's go." Nakita ko syang nag-brush up ng buhok gamit ang kamay.
Kinabugan ako ng dibdib sa ginawa nyang gesture.
Tila nakita ko na yon many times.
Ewan ko ba kumbakit ko yon napansin ngayon, pero nakadama ako ng takot sa taong lumabas ng kotse.
Natigilan ako sumandali...
Tila sumakit ng bigla ang buong ulo ko. As in, para bang may gumagalaw sa loob.
Tapos may nakikita nga akong naka-zoom in na buhok na naka-brushed up ang hair style.
Yung tagpong, lilingon sa akin at naka-brush up ang buhok nito.
Kung hindi naman, gamit ang kamay, bago sya makalingon sa akin ay gagawin muna nya ang paghagod ng buhok pataas gamit ang mga daliri sa kamay.
"Jara?" Imik ng boses.
"Jara?!" Nahimatay ako sa sakit ng ulo ko.
Nararamdaman ko pang niyuyog-yog ako nito para gisingin.
Tapos naramdaman ko ring inilabas nya ako ng sasakyan at binuhat.
BINABASA MO ANG
I'm A Victim I (Under Editing)
Mystery / Thriller❗SCARGAN GENERATION❗ Someone help me! Suspect na malinis pa rin sa mata ng lahat. All his crimes are still a big secrets untill the present.... WHO IS HE?! ****** Dahil sa inilabas na scholarships ay napasok ako sa isang school na may magandang pag...