"Edi lalong dapat syang mahuli." Sabi ko agad.
"Mahirap ang madamay sa kaso, Jara." Ani, Lisa. "Maraming mga pulis at mga detective ang namatay noon dahil pilit nilang nilulutas ang kaso." Sabi naman nito.
Natahimik ako at napag-isip na naman.
"Kaawa-awa ang naging kamatayan ni Jossy, Jara. Hinalay sya at saka pinatay. Nakakakilabot ang itsora ng bangkay nya." Comment na lang ni Lisa habang nag-iisip.
Naalala ko ang mga nakita ko sa bawat gamit na napupulot ko.
"Isa pang tanong, Lisa. Sana sagutin mo ulit." Sabi ko dito ng seryoso ang mukha ko.
"Ano yon?" Imik lamang nito.
"May namatay pa ba bukod kay Jossy?" Tanong ko muli.
"Meron pang dalawa. Si Lelith, na third year high school din dati at section C. Ang na-involve naman doon ay si Raver. Dati nya kas itong girlfriend tapos naging ex na dahil ipinagpalit kay Kendra Vergara. Yung magandang muse ng cheer dance, sila pa rin hanggang ngayon." Sagot ni Lisa at pakwento.
"Tapos ang pangalawang namatay naman ay si Miss Garai, sa banyo ng mga ladies." Dagdag pa nya.
"Uhm balik muna tayo kay Lelith, Lisa." Kaagad kong pagpigil sa mahaba nyang kwento. "Paano sya nag-negative?" Taka ko para sa unang kwento nya tungkol kay Lelith.
Alam ko na ang kwento ng banyo, kaya naman kay Lelith napunta ang interest ko.
"Nagdemanda ang parents ni Lelith kay Raver. Dahil nag-suicide daw kuno si Lelith sa punong nasa likod ng paaralan, dahil sa nalaman nya about kina Raver at Kendra. Sinisisi ng Mommy ni Lelith si Raver sa pagpapakamatay nito." Sagot ni Lisa.
"Pwede mo ba akong dalhin doon bukas?" Sabi ko kaagad dito.
"Ahhh... Pwede naman, kaso pinutol na yon. Kinatakutan kasi yon eh." Sabi na lang ni Lisa.
"Ah ganun ba?" Saad ko na lang. Napa-sad face na lang ako.
"Bakit? Ano bang meron doon?" Taka ni Lisa.
"Sayang kasi kung hindi pa naputol yon maari pa nating makita kung talagang nagpakamatay sya o pinatay syang talaga." Sabi ko.
"Alam mo, parehas kayo nung dalawang detective na naglulutas ng kaso ni Jossy. Sila din kasi ang pinadala ng police station para sa kaso ni Lelith." Comment nya.
Napakunot noo na lang ako.
"Kaso dahil nga nakakatakot na ang puno na yon. Pinaputol na kaagad ng principal dahil kaming mga students ay natatakot sa puno na yon. Hindi naman kasi nabilin sa kanila na wag munang ipaputol. Dahil doon nagkasagutan ang detective at ang principal." Kwento ni Lisa.
"Dahil din doon, iniwan na ng detective ang kaso at inilipat sa iba. Eh medyo bobo daw yata ang pumalit. Naisara na lang ang kaso at walang nagawa ang bagong detective para malutas ang kaso ni Lelith. Sabi din kasi ng unang detective, sinadya daw ang nangyari kay Lelith. Kaso wala pa silang mahanap na katibayan. Titingnan sana ang puno na yon nang day 2, kinabukasan ng kamatayan ni Lelith kaso ipinaputol na nga nung hapon." Kwento pa nito.
"Talaga?" Imik ko na lang.
"In my opinion about sa issue na yon. Feeling ko sinadya. Aminado akong chemosa ako, kaya narinig ko ang sinabi noon ng unang detective bago pa nya iniwan ang kaso. Malinis ang katawan ni Lelith, kagaya ni Jossy noon, halatang nagamit ang katawan nito bago namatay. May nakita kasing sariwang sperms sa ari daw nito." Dagdag pang kwento ni Lisa.
"Anong nakapagtataka kung bakit malinis ang katawan nya? It means wala syang naging kaaway bago nagpakamatay?" Taka ko.
"Hindi eh. I mean, ayon sa narinig ko. May fear of high si Lelith. Kaya malabo syang aakyat sa puno para lang magpakatiwakal ng malinis ang damit nitong suot." Sabi ni Lisa.
BINABASA MO ANG
I'm A Victim I (Under Editing)
Mister / Thriller❗SCARGAN GENERATION❗ Someone help me! Suspect na malinis pa rin sa mata ng lahat. All his crimes are still a big secrets untill the present.... WHO IS HE?! ****** Dahil sa inilabas na scholarships ay napasok ako sa isang school na may magandang pag...