"Babakuran ko ang gusto kong bakuran, dahil kung iko-compare tayo, wala kang sinabi sa level ko. Kaya sana ma-gets mo na ka-level mo lang ang dapat para sayo." Derektang sinabi nya sakin.
"At ikaw talaga ang nagdesisyon?" Pataka kong turan dito.
"I will pay your honesty, since Kendra told me na MU lang pala kayo sa loob ng friendships ninyo. Alagaan mong wag akong magseselos sayo o sa kahit kanino. Ang lalaking yon ay pinangarap ko na, since elementary days ko." Matapang na sabi nya sakin.
"Wait lang ha?!" Imik kong medyo na-offend sa kanya.
Okay lang naman sakin kung gusto nyang itulak ko si Eshou sa kanya eh, pero man lang sana, inayos nya ang pakikipag-usap sakin. Hindi yung nagmamataas pa sya sa tipo ng pananalita nya.
"Kung malandi ka naman na pala, bakit kailangan mo pang mang-away ng babaeng maglalandi rin sa kanya?" Pataka kong turan dito.
"So may pagnanasa ka rin pala sa kanya?" Tila nais na nitong magalit sa sinabi ko.
"Hindi lang ikaw ang nangangarap kay Eshou, Miss Almira Ausman." Pauna na ko dito. "Kaya payo ko lang sayo, wag ka nang makipag-tagisan ng pera, dahil kung pera-pera lang, aba! Kikita talaga ako! Hindi lang ikaw ang pwedeng bentahan ko ng magandang pwesto ko kay Eshou." Matapang na sabi ko rin dito.
Napatitig ito sakin ng deretso at nagbabaga ang mga titig nya na para bang pinagbabantaan ako.
"Kapag nalaman kong naging kayo ni Eshou! I will kill you!" Mariin nyang pagbabanta sakin.
"Wala kang magagawa kung hindi ka nya gusto. Ngayon, kung masungkit ko man sya dahil pinatulan nya ako, hindi yon dahil ikinompare nya ako sa kahit kanino, kundi ang gusto nya ang nasunod at ang puso. Sana ma-gets mo rin yon." Matapang kong sabi dito.
Umalis ito ng may masamang titig sakin.
"Maraming magagalit sayo, maraming kakampi yan si Almira." Sabi sakin ni Patricia.
"Dapat hindi mo na lang sya sinagot." Sabi naman ni Carmen.
"Guys, kapag hindi kayo marunong magsalita sa kapwa, talagang mabu-bully kayo." Sabi ko naman sa kanila. "Dapat matalino lang kayong sumagot, para depensahan ang sarili ninyo." Dagdag ko pa.
"Luh, patay ka, Jara." Ani, Maggi. "Maraming tropa yan sa labas ng school."
"Bakit? Marami din namang tropa si Eshou sa labas ng school." Ani, Lisa. "Mas matakot syang i-busted si Eshou kaysa labanan si Almira."
"Ay! Oo nga!" Anang mga nandoon.
"Tapos katropa pa ni Eshou ang halos lahat ng mga section A, B, C." Sabi naman ni Janny.
May biglang dumungaw na school staff sa classroom namin.
"Pumunta muna sa covered gym ang lahat ng mga studyanteng nakatanggap ng general message." Sabi nito sa lahat ng nandoon. "Importanteng meeting lang, please." Dagdag pa ng babaeng naghatid ng mensahe.
"Pumunta daw ng covered gym ang lahat ng tinext ng unknown number." Sabi ni Betty sa mga kaklase.
"Bakit kaya? Anong meron?" Pagtataka kong pag-acting.
"Wala naman akong message eh, kaya hindi ako pupunta." Ani, Patricia.
"Ako rin."
"Ako rin."
"Ako, meron..." Sabi ko sa kanila.
"Pinadalhan ka rin?" Takang tanong sakin ni Lisa.
"Oo eh, nagtataka nga ako kumbakit bigla akong nakatanggap ng ganitong text message." Sabi ko lang.
BINABASA MO ANG
I'm A Victim I (Under Editing)
Mystery / Thriller❗SCARGAN GENERATION❗ Someone help me! Suspect na malinis pa rin sa mata ng lahat. All his crimes are still a big secrets untill the present.... WHO IS HE?! ****** Dahil sa inilabas na scholarships ay napasok ako sa isang school na may magandang pag...