Chapter 28

10 1 0
                                    

Paggising ko... 

Nasa loob ako ng isang abandoned place. Walang ibang laman yon kundi kung anu-ano lamang.

Masakit ang ulo ko na hindi ko maintindihan. Nanghihina din ako at walang kalakas-lakas ang mga muscles ko.

May lamp shade sa loob ng kwarto, pero ang una kong napansin ay ang liwanag na pumapasok sa bintanang may kurtina lamang. 

Maya-maya lang ay gumana ang psychic vision ko sa buong lugar kahit dilat pa ang mga mata ko. Nakikinita ko na ito ang lumang library noon. 

Kung ito nga ang lumang library, pwes dito namatay si Jossy?! 

Kumabog ang dibdib ko sa naging katanungan sa isipan ko. Malakas ang bad energy ng buong lugar.

Pagdaka ay mas lumakas ang higop ng enerhiya ng aking katawan sa lugar na ito kahit pa masakit ang ulo ko kaya tila nakikita ko na dito din sa lugar na ito na-rape sina Miss Garai, si Miss Hazel at si Lelith.

Nakadama ako ng sobra-sobrang takot, tila hinahapo ako sa sobrang kaba na hindi ko na mapaglabanan pa.

Nasa panganib ba ako?! Hindi ako makapaniwalang ako na ngayon ang susunod na biktima. Nangangatog ang mga kalamnan ko dahil alam kong nakaharap ako sa posibleng maging kamatayan ko.

Palinga-linga ako sa buong lugar, madilim at tanaw ko ang ibang parte ng silid na shadowy lamang dahil sa ilaw na galing sa mga bintana.

Hindi ako makasigaw dahil nanghihina ako. Wala akong lakas upang gumawa ng kahit anong ingay.

Masakit din ang ulo ko dahil sa pabangong nakapagpatulog sakin kanina. Kaya't habang nakahiga ay pinipilit kong kilalanin ang lugar kung nasaan ako ngayon.

Ngunit ang malaki kong tanong ngayon? Sino ang kumuha sakin? Misteryoso ang lugar para sakin kaya't nakakadama ako ng sobrang takot.

Nasaang lugar ako? Ito nga ba ang lumang library? Bakit iba na yata ang itsora nito sa dati?

Malawak ang buong lugar, wala nang mga shelves, napalitan na ng mga lamesa at mga bangko na hindi ko makita ng malinaw. Tanging sa anino ko lamang maibabase ang mga kagamitang nandoon, dahil sa sakit ng ulo ay wala ako sa tamang focuss at consentration upang mag-obserba sa buong paligid.

Ito yata ang kinatatakutan ko kanina pa sa daan papunta kay Eshou sa tent?!

Ito pala yon?! May luhang tumulo sa mga mata ko, dahil sa takot na naiisip ko. Anong posible kong maging kamatayan dito? Kung nakikita ko ang kamatayan ng ibang tao at mga pangyayari sa nakaraan ay sino naman kaya ang makakakita sakin upang mahanap ako?

Sino ang magliligtas sakin ngayon?

Ang alam ko lang ay nasa tent ako ni Eshou at nakita nya akong hawak ko ang gwantes nya. Tapos ngayon ay nandidito na ako at walang katao-tao?

Nasaan si Eshou?!

Napalingon ako sa kaliwang side ko. Lumabas mula sa dilim ang isang matangkad na lalaki na naka-PE uniform. Gwapo at nakaayos ang kanyang buhok. 

Nararamdaman ko na makalibog ang bawat titig nito sakin mula sa madilim na kinapu-pwestohan nya.

Lumapit sya sa lamp shade na nakapatong sa maliit na lamesita ng lugar at naliwanagan ang kanyang mukha kaya't nalaman ko kung sinong tao ang dumukot sakin.

Napanganga ako sa nakita ko....

Iba ang aura nya ngayon. Iba rin ang presensyang nararamdaman ko sa kanya na parang hindi sya ang Eshou na kilala ko.

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko sa kanya ngayon. Ang wangis nya ay si Eshou na malambing at mabait sakin. Hindi sya yung Eshou na mahiyain at suplado, sya yung Eshou na clingy sa tao.

I'm A Victim  I (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon