Nag-iisip pa rin ako sa pagkakatayo ko. Nasapo ko ang aking dibdib sa sobrang kaba at tila naiisip ko na may hindi magandang mangyayari ngayong araw.
Hindi pwedeng hindi ko pakinggan ang masamang kutob ko. Pwedeng buhay ko ang malagay sa alanganin. Sabi ko sa sarili ko.
Anong dapat kong gawin?
Bumalik ako sa classroom...
Agad kong nilapitan si Lisa sa desk nito. Nagdu-drawing lamang ito sa kanyang desk....
Vacant time pa rin sa Mapeh, malayang gawin ng mga studyante ang nais nila twing vacant time ng mga subjects....
Kaya naman pwede akong manood sa practice ni Eshou dahil sa dahilang yon.
Busy ang mga kaklase ko sa pagdu-drawing, walang may nasa labas maliban samin ni Eshou.
Sinusulyapan lang ako ng ibang mga nakakakita sa pagpasok ko. Ngunit dahil busy sila ay hindi nila ako pinansin o pinuna.
Wala ding may naninita sakin dahil naka-excuse din naman kami ni Eshou dahil sa sports.
Napansin ko ang upuan ni Helton dahil kasama sya sa soccer team. Nandoon ang seatmate nito na tahimik lang din katulad ni Helton.
Tumingin ito sakin nagkahulihan kami ng tingin sa isa't isa, at pagdaka ay nagkangitian. Mukha naman palang mabait ito, may aura lang sya ng masungit at mahiyain.
Pumunta ako sa pinaka-likod ng mga rows at nagbaybay ako don, umupo ako sa mismong upuan ko upang malapitan si Lisa at makausap ito.
Bago ko sya kalabitin ay sinilip ko muna ang ginagawa nya sa desk nya. Tahimik kasi ito at tila hindi nya ako nararamdaman sa kanyang likuran.
Nagtaka ako sa uri ng drawing nya.
Dark aura...
Ang buong school ang pinatutungkulan nya ng isang malaking bahay at nababalutan ng dark aura?!
Naalala ko noon, nung unang beses akong pumunta sa bahay ni Lisa. Nakita ng mga magulang nya na wala akong ulo. Pinaligo nila ako at ibinaon sa lupa ang damit ko.
May kakayahan din kaya si Lisa, just like me?!
May nasa-psycho din kaya syang kakaiba sa school na ito?!
Umupo ako sa upuan ko at kinalabit ko sya. Agad syang lumingon sakin at nagulat sya pagdaka.
"Hay! Shit, Jara!" Bulong nyang bulalas na gulat na gulat.
"Sorry, kung nagulat ka."
"Ano ba, magkakasakit ako sa puso sayo eh."
"Lisa, favor naman pleaseee..." Imik kong turan dito.
Nakatitig sya sakin ng malala at nakakunot noo pa sya. May pinagtatakhan ang uri ng pagtitig nya kaso wala na akong oras para pumuna kaya hindi ko na pinansin pa.
"Lisa, iiwanan ko tong cellphone ko. Dito muna to sayo, kapag may tumawag, sagutin mo o patayan mo na lang." Bilin ko dito.
"Huh? Bakit naman? Eh akala ko manonood ka lang ng practice ni Eshou?" Laking pagtataka sa reaction nito.
"Lisa, ni-reset ko yan. Wala nang laman yan, lahat ng files ko dyan binura ko na." Sabi ko dito.
"Huh? Bakit naman?" Bulong na bulalas nito sa sinabi ko. "Cellphone mo to ah?"
"Oo, pero kailangan eh."
"Huh? Bakit naman?! Wala akong maintindihan?! Bakit?!" Pagtatakang reaction pa rin nya.
"Ehhhh kasi hindi maganda ang kutob ko eh, para lang maging okay ang pakiramdam ko." Bulong ko dito habang binabantayan ko ang mga kaklase namin.
"Oo sige," agad naman nyang tinanggap ang iniabot ko. "Pero teka? Bakit pawisan ka? Nanakbo ka ba? Ano? Nakapunta ka na ba nyan kay Eshou?" Mga tanong ni Lisa na nagtataka sa itsora ko.
BINABASA MO ANG
I'm A Victim I (Under Editing)
Mystery / Thriller❗SCARGAN GENERATION❗ Someone help me! Suspect na malinis pa rin sa mata ng lahat. All his crimes are still a big secrets untill the present.... WHO IS HE?! ****** Dahil sa inilabas na scholarships ay napasok ako sa isang school na may magandang pag...