Chapter 31

9 1 0
                                    

Marami kaming napagkwentohan ni Tita habang nagluluto sa kusina.

"Dati akong katulong dito. Binata pa yang asawa ko, naging amo ko ang mga magulang nya. Eh ayon, nagkagustohan kami, sa una, syempre hindi ako tanggap kasi nga katulong lamang. Alam mo naman, sa mundo ng mga mayayaman. Ipinagkakasundo ang mga anak-anak, naikasundo si Sir sa isang babae na kapwa din nya mayaman. Hindi sila magkasundo, kasi hindi nga nila mahal ang isa't isa. Sa mga mayayaman kasi, naniniwala sila sa chinese sodiac signs, kapag hindi kayo compatible sa year of birth at sa month of sodiac sign, pwede daw malasin ang mga negosyo. So, sila Sir at Ma'am, doon lang sila nagkita sa mismong pagbabasa ng chinese, sa mismong opisina ng nagfu-fungshui." Mahaba nitong kwento.

"Ta-talaga po?" Taka kong sabi.

"Ganun ang kwento namin ng Tito mo." Nakangiti nyang sabi.

"Wait, naging amo nyo din ba ang mga magulang ni Eshou?" 

"Oo, syempre, kasi noon, matatanda na rin ang mga dati kong amo, so minana na lang ako ni Sir, at yun nga ang nakita kong dahilan kaya sila palaging nag-aaway. Kesyo, si Ma'am daw dati, nangabit sa ibang lalaki. Tapos nalaman ni Sir, nag-away sila ng malala, matinding away. Para nga yatang 10 years before bago sila nagka-anak." Kwento pa ni Tita habang hinahalo ang sabaw.

Nanghina ako pagdaka, ngunit naibalanse ko naman agad. Ang psychic ability ko kasi ay bigla na lamang nagkumawala ng hindi ko maintindihan.

Nainda ko ito habang nakatalikod sakin si Tita. Sumandal muna ako sa isang gilid upang wag akong matumba.

Huh?! Anong meron????

Pinipigil ko ang sarili ko dahil mali na gawin ko ang pagba-balik-tanaw sa likuran nya.

Wala itong ideya sa kakayahan ko kaya baka maging weird pa ang maging dating sa kanya.

Mapagkamalan pa akong baliw ng wala sa oras...

Shacks! Wag ngayon, shite! Saway ko sa kakayahan ko. Kung pwede ka lang makausap at mapakiusapan. Kung tao ka lang din sana at may pag-iisip na sarili. Wag muna please.

Sumasakit na kasi ang ulo ko dahil sa pagpipigil.

"Ano naman pong kwento at naging mag-asawa kayo ni Sir? I mean, ni Tito?"

"Nung namatay na ang Mother ni Eshou. Bata pa yan noon, parang mga 10 or 11 years old lang." Sagot naman nito.

"Uhhhh... Ganun po ba?" 

"Tapos nun, nung magkaanak sila. Syempre, napilitan lang naman ang lahat, hindi sya mahal ng Mommy nya. Laging umaalis ang Mommy ni Eshou tapos naiiwan sakin ang bata. Lagi ko na lang naririnig na nag-aaway sila at minsan nagwawala pa si Ma'am, nagbabasag ng mga gamit sa bahay." Dagdag pa nitong kwento. "Paano kasi, si Sir naman nun ang mambabae. Tapos nahuhuli ni Ma'am, ayon, laging malalang away ang meron dito sa bahay." Sabi pa nito.

Hindi na ako nagsasalita, nakikinig na lamang ako sa kanya.

Gumagana ng malinaw ang psychic vision ko kahit pa gising ako.

Tila ang itsora ay nagde-day dreaming lang ako o nanaginip ng gising. Pero kasi, ang kaibahan, alam ko kung ano ang abilidad na gumagana sa buong sistema ko.

Sa pagkaunawa ko sa maikling pagsilip ko sa halo-halong balik-tanaw. Totoo nga na may babae ang kanyang among lalaki, ngunit ito ay tanging nag-iisa lamang. 

Walang iba kundi sya rin mismo....

Ayon pa sa mga halo-halo at putol-putol na mga balik-tanaw ko. Isa pang naiintindihan ko ay tunay na kinasundo lamang ang mag-asawa, ang parents ni Eshou. Ngunit, ito ay dahil mahal na mahal ng babae ang lalaki, patay na patay ang Ginang sa asawang lalaki, at nauunawaan ko pang hindi sya basta nagustuhan lamang. Matagal din nyang trinabaho ang pang-aakit sa kanyang binatang amo.

I'm A Victim  I (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon