Sa Canteen ng tanghaling ito....
Kumain ako kasabay ang grupo ng mga kaibigan ni Eshou sa soccer team.
Kasabay ko rin ng tanghaling ito ang mga girlfriends nina Freigone at Raver.
Nananahimik lang si Kendra sa tabi ko, at katabi ko naman si Eshou sa kanang side ng upuan.
Katabi ni Freigone ang halata namang girlfriend nya, ngunit weird ang mga kilos.
Actually, mas mapagkakamalan pa silang nagpapanggap lang na magsyota kaysa totoong magjowa.
Maganda ang bihis ng babae, dalaga na ito kung titingnan at tila mas matanda pa ito ng ilang taon kay Freigone.
May jowa na pala si Freigone. Sayang naman! Kawawa naman si Lisa, wala na syang pag-asa. Nasaad ng isipan ko.
"Jara, alam kong kilala mo na sya, si Kendra. Sya ang girlfriend ko." Pagpapakilala ni Raver kay Kendra ng may pagmamalaki sa tono.
"Hi, Kendra..." Nakangiting imik ko dito.
No choice kundi ang makisama sa mga suspek.
Alam ko nang may alam sila about last year, base sa mga reactions nila kanina, halatang may itinatago sila na ayaw nang maungkat pa.
"Oh? Parang hindi tayo magkasama sa grupo." Natawa nyang reaction.
"Eh kasi iba yung nakikita lang kita noon sa nakakatabi na kita sa upuan ngayon." Masaya kong sabi na namamlastic lang ang pakikisama.
"Don't mind it." Imik na lang nya.
Saka na sya umiwas sakin ng tingin.
Naalala kong kaibigan nya si Almira Ausman. Tapos kanina, kumampi ito sa ginawa sakin ni Assha, hindi kaya, ang pagkagusto nilang ma-expell ako ay dahil nagkampihan silang dalawa kanina.
Naku! Mahirap palang makipag-plastikan sa taong kaaway mo ng lihiman. Nasaad ng isipan ko.
"Ito naman si Narissa." Nakangiting sabi ni Raver sa babaeng katapatan nya sa lamesa.
Napangiti na lang ng matamis si Freigone at saka nanahimik ng mariin.
"Girlfriend yan ni Freigone." Sabay tawa ni Raver na may nais ipahiwatig sa katabing lalaki sa master chair.
"Oy! Hindi ah, wag nga kayong ganyan. Mamaya makarating yan kina Madam at Don!" Bisaya tone na pagsaway ni Narissa kay Raver.
Uhhhh hindi pala sya girlfriend.... Nasaad ng isipan ko.
Saka ko lang napansin, hindi naman yata sya mayaman? Maganda lang ang mukha at suot nyang damit.
"Wag mong pansinin sila, Hija. Mas matanda pa ako sa inyong lahat. Yaya lang ako ni Young Master Freigone. Mapagbiro lamang sila sa mga bagohan." Pormal na sabi sakin ng mabait na babae.
"Huh? Ya-Yaya ka nya?----" Pagtataka ko na pinutol ni Kendra.
"---- Mh? Bakit? Anong problema don?" Takang turan sakin ni Kendra.
"Pwede pala yon? Kahit malaki na ay may Yaya pa rin?" Imik kong humanga.
"Wala ka bang Yaya? I mean, hindi ka ba nakaranas ng Yaya nung bata ka pa?" Tanong sakin ni Kendra.
"Uh nakaranas naman, nung bata pa ako, pero nang malaki na ako, sabi ng Mama ko, hindi ko na kailangan kaya tinanggal na." Sagot ko naman dito.
"So kawawa naman pala ang nag-alaga sayo? Tinanggalan ng trabaho ng parents mo?" Ani, Kendra na may pailalim sa tipo ng pagsasalita nya.
"Hindi naman, kasi working student yon eh. Actually, nung malaki na ako, age of 10, nagpaalam yon sa parents ko. Tapos ayon, nag-decide na lang sina Papa na okay, malaki na ako, so hindi na kailangan pa ng bagong Yaya." Matalinong sagot ko.
BINABASA MO ANG
I'm A Victim I (Under Editing)
Mystery / Thriller❗SCARGAN GENERATION❗ Someone help me! Suspect na malinis pa rin sa mata ng lahat. All his crimes are still a big secrets untill the present.... WHO IS HE?! ****** Dahil sa inilabas na scholarships ay napasok ako sa isang school na may magandang pag...