• Nagkaharap na nga kami ni Mr. Cessar Hones. Siya ang may edad na police detective na siyang humawak ng kaso noon. May mga kasama kaming isang pulis na babae at isang pulis na lalaki.
• Marami kaming napag-usapan ni Mr. Hones sa loob ng isang private na silid. Jossy Rein Cortes pala ang buong pangalan ni Jossy.
• Ang bago sa lahat ng mga biktima ay si Calla Zeles. Ngunit wala pang matibay na ebidensya na pwedeng makatulong upang mabigyan sya ng hustisya.
• Tinanong ako ni Eshou patungkol sa mga napag-usapan namin ni Mr. Hones. Nagsinungaling ako dito dahil nawalan ako ng tiwala kay Eshou. Natakot ako sa kanya sa hindi ko malamang dahilan. Mas pinili ko na lang na wag i-share sa kanya dahil pinaghihinalaan ko na rin naman ang mga matatalinong studyanteng lalaki sa school. Dahil kina Raver at Dendra na nakita mismo ng mga mata ko, gamit ang psychic vision ko ang ginawa nilang pang-aapi sa isang studyanteng babae.
• Isa din sa mga dahilan kaya ako nagsinungaling kay Eshou ay dahil sa bilin sakin ni Mr. Hones. Ayon kay Mr. Hones, marami nang namatay sa school maliban pa nung last year. Kaya wag ko daw ipagsasabi ang naging pag-uusap namin para na rin sa proteksyon ko.
• Nautusan kaming dalawa ni Lisa, ni Mrs. Samonte na magbalik ng librong hiniram nito. May alaala ang libro na yon patungkol kina Eshou at Jossy nung last year. Sila ang nagbalik ng libro nung gabing namatay si Jossy.
• So tama ngang hindi si Eshou ang suspek. Iba ang pumatay kay Jossy at wala ito sa flashback ng libro.
• Nang araw na ito, matapos maisuli ang libro ay nagpunta kami ni Lisa sa lugar kunsaan namatay si Lelith. May nakita akong vision patungkol sa nakaraan ng puno. Nakita ko ang ilang mga pangyayari sa pagkamatay ni Lelith ngunit malabo na rin ang mga detalye at hindi ko na rin sigurado ang mga nakita ko.
• Ang malinaw lamang sa mga nakita ko, hindi sinasadyang mabigti si Lelith. Nagising sya sa pagkagulat sa pumutok na paputok na nakalagay sa basurahan malapit sa puno. Nang maigtad sya sa pagkagulat ay nahulog sya sa pagkakahiga sa sanga ng puno at doon nga sya nabigti ng hindi sinasadya.
• Nakita sya ng tatlong mga studyanteng babae mula sa first year level. Ngunit, huli na ng matulungan sya, namatay si Lelith sa pagkakabigti sa puno.
• Ayon sa detective na si Mr. Hones, hindi ito isang suicide, kundi may pumatay sa kanya, gumawa ang suspek ng mga planadong hakbang upang iakyat sya sa puno ng tulog at doon sya ginulat gamit ang paputok at kusa syang nahulog dahil sa pagkagulat at iyon na nga ang nangyari, nabigti sya don at namatay.
• Nang hapon na ito, nanood nga ako sa trainning ni Eshou sa soccer field. Nagkagulo ang mga manlalaro sa field dahil si David Chan na may dala ng bola ay naaksidente sa pagdedepensa laban sa kabilang team. Iisa lamang sya at tatlong manlalaro mula sa kabila ang sumalubong sa kanya.
• Nakita kong planado na pala ng kabilang team ang ginawang aksidente kay David Chan. Nagkagulo ang mga tao sa gitna ng field dahil nagbibintangan na sila sa nangyari.
• Nakialam ako dahil nakita ko ang mga pangyayari, nagkasagutan kami ni Zeddin Hong na siyang may kasalanan sa nangyari kay David.
• Umaga sa flag ceremony ng school. Inaway ako ni Assha Famellio sa hanay ng section B, at siya pala ang girlfriend ni Zedding Hong.
• Nagkasagutan kaming dalawa at nakialam si Eshou kaya't hindi lumaki ang gulo sa pagitan namin ng umagang ito. Ngunit pinagbantaan ako nito, and I think, bu-bully-hin nya na ako from now on.
• Reses time ng umagang ito. Nilapitan ako ni Assha kasama ang ilang mga studyenteng lalaki mula sa section C. Wala si Eshou dahil nagpunta ito ng counter para bumili ulit ng pagkain.
BINABASA MO ANG
I'm A Victim I (Under Editing)
Mystery / Thriller❗SCARGAN GENERATION❗ Someone help me! Suspect na malinis pa rin sa mata ng lahat. All his crimes are still a big secrets untill the present.... WHO IS HE?! ****** Dahil sa inilabas na scholarships ay napasok ako sa isang school na may magandang pag...