Pawis na pawis ako nang magising sa aking higaan.
Diyos ko! Panaginip lang pala.....
Napapaisip ako sa naging panaginip ko.
Minsan ko nang narinig ang salita na yon na nasabi na ng kung sino mang kakilala ko.
Kanino ko nga ba narinig yon?
Hindi ko na maalala pa...
Madaling-araw ay nagsusulat ako sa aking diary.
Marami nang gumugulo sa isipan ko sa mga oras na ito.
Nagbabalik sa alaala ko ang mga napag-usapan namin ni Mr. Hones.
"Inilihim namin ang kaso ng eskwelahan, hindi lang dahil sa pakiusap ng principal kundi makapag-manman din ng lihim sa buong school. Gumawa kami ng iba't ibang undercover. Ngunit, tila mas naging malaking problema pa nga, dahil ang mga nag-a-undercover na mga pulis ay bigla na lang nawawala." Sabi ng detective.
"Bangkay yon, na nakuha sa loob ng isang bodega sa loob mismo ng canteen." Sagot naman ng babaeng pulis.
"Ayos lang, kung hindi ka na tutulong pa, Miss Revato." Anang detective. "Marami na ring namatay sa hanay namin para sa paglutas ng malaking kasong ito." Sabi pa nito.
"Gusto kong tumulong sa inyo. Kahit magalit pa ang Mama ko." Pagde-desisyon ko. "Ayoko pong magpatuloy ang ganitong uri ng karahasan sa eskwelahan kunsaan nag-aaral ako at mag-aaral ang mas marami pang kabataan sa susunod pang panahon." Matibay kong sabi.
*****
Sa hapagkainan....
Malungkot akong hinarap ni Mama sa hapag.
"Mag-almusal ka na, Jara, anak." Malambing na sabi sakin ni Mama.
kumain kaming dalawa ng walang pag-uusap.
Nang makatapos....
"Jaraaaa.... Sigurado ka na ba sa desisyon mo?" Patanong nito sa mahinang tono.
"Mama, kasi.... Kung tayo ba ang biktima? Lumapit tayo sa may kakayahan, at natakot sila dahil sa ayaw nilang mapahamak, at titiisin na lang nila tayo, sa tingin nyo po ba makatao kaya yon?" Sabi ko dito na halos pabulong.
Hindi nakaimik sumandali si Mama.
Tila may naaalala sya sa sinabi ko.
"Alam ko nang darating ang araw na pwedeng isa sa inyo ng kuya mo ang babasag ng katahimikan ng ating pamilya." Pauna ni Mama.
"Kung yan ang gusto mo, ang tumulong sa kanila, wala akong magagawa. Kaysa maglihim ka pa sakin, kaya't papayag na lamang ako." Sabi nito sakin.
Natulala ako....
Si Mama? Pumapayag na?
"Totoo ba yon, Mama?" Nabigla pa ako dahil kagabi lang ay mabigat ang loob nya sa kanyang nalaman.
"Oo, anak. Basta mag-iingat kang palagi." Malamyos nitong tinig.
Natuwa na lamang ako dahil sa naging suporta ni Mama sakin.
"Naku, Ma! Thank you po." Masaya ko syang niyakap sa kabiglaanan.
Bago ako umalis sa bahay ng umagang ito....
May ibinigay sya sakin na tila sinturon na may kakaibang desenyo.
"Mama, ano yan?" Isinusuot ito sakin ni Mama ngayon.
"Talisman ang tawag dito. Pinaka mabisang sandata ng mga Manggagaway at mga Santigwar." Paliwanag nito sakin.
"Manggagaway at Santigwar?" Pagtataka kong turan.
BINABASA MO ANG
I'm A Victim I (Under Editing)
Mystery / Thriller❗SCARGAN GENERATION❗ Someone help me! Suspect na malinis pa rin sa mata ng lahat. All his crimes are still a big secrets untill the present.... WHO IS HE?! ****** Dahil sa inilabas na scholarships ay napasok ako sa isang school na may magandang pag...