• Bago ako matulog ay gumawa ako ng isang sekretong hakbang. Upang mahuli ko sa aking sariling pamamaraan ang mga suspek. May ideya na ako, ngunit wala pang pruweba.
• Ginamit ko ang lumang cellphone ng kuya ko na minana pa nito kay Mama noong dalaga pa sya. Nakaimbak na lamang ito sa taguan kunsaan, history na lamang ni Kuya Jude ang nandoon.
• Nagbigay ako ng GENERAL MESSAGE sa lahat ng pinaka matatalino sa buong campus. Lahat ng cellphone numbers na meron ako ay sinigurado kong mapapadalhan ng GUILTY MESSAGE.
• Bago ako makatulong ay nakatanggap na agad ako ng sari-saring reaksyon sa mga studyante. May iba na minura ako at inaway, may iba naman na babayaran daw ang pananahimik ko at may iba naman na itinanggi na may kasalanan sila about bullying.
• Hating gabi, nanaginip ako ng masama. Hindi ko maunawaan ang panaginip ko ngunit nakakatakot ito. Tila ba'y nangyari ito sa totoong buhay.
• Sa panaginip ko ay inaaway ako ng mga studyante dahil sa ginawa kong pagbibigay sa kanila ng general message. Nahanap pala nila ang location ng cellphone ko kaya nahuli nila ako.
• Dinukot nila ako at binihag sa loob ng school clinic. Marami sila na parang isang grupo talaga. Kinausap nila ako na kumampi sa kanila o kung hindi man, ako na daw ang susunod na paglalamayan.
• Nang hating gabi na ito, pinuntahan ako ni Mama sa kwarto ko. Narinig yata nito na maingay ako dahil sa masamang panaginip. Umamin ako kay Mama na gumawa ako ng isang hakbang na walang may nakakaalam.
• Dahil don, napagalitan ako ni Mama, mas natakot sya sa ginawa ko kaysa sa desisyon ko na tumulong sa mga pulis.
• May naging mahalagang bilin din ito sakin bago sya tuluyang lumabas ng kwarto. Wag ko daw sasagarin ang kalakasan ng katawan ko, kapag manghina ang katawan ko ay nauna nang manghina ang spiritual ko, kung kaya't bago pa man ako mawalan ng malay tao ay kailangan ko mang maihinto ang paggamit ng aking abilidad.
• Pumasok ako sa school ng puyat dahil sa maraming iniisip. Iniwanan ko ang keypad cellphone sa loob ng kwarto ko dahil mahirap na. Naging maugong ang general message na ito sa buong school.
• Akala ko ay matatakot ang mga bully na students pero nagkamali ako. Mas mabagsik pa sila kaysa sa mga guro sa guidance office. Wala akong kamalay-malay na ang reklamo nila ay umabot na nga sa principal's office.
• Maging sa practice ng cheer dance ay naging tampulan ito ng topic. Maraming mga ka-member namin ang siyang nag-react sa general message.
• Dahil naging malaking issue ito ng school ay pansamantala munang natigil ang aming dance practice. Nais ni Ms. Joan na mabigyan ng agarang solusyon ang problemang ito ng school.
• Para kasi sa kanila, isa na itong uri ng pambibintang sa mga matatalinong studyante ng school. Hindi magandang chismis ito kapag nakalabas ng campus.
• Labis ang naging pagkatakot ko sa nangyayari, kaya't maging sa pananahimik ko ay mararamdamang nag-aalala ako. Hindi ko kasi akalaing magiging malaking gusot ito, kahit pa unknown number ako sa isipan nila, ayokong mangyari nga ang naging panaginip ko kung kaya't nag-iisip ako ng maayos na hakbang sa naging wrong move ko.
• Habang malalim ang iniisip ko sa paglalakad sa pathway, bigla ko namang nakita si David Chan na siyang makakasalubong ko sa daan. Laking pagkagulat ko na maayos na itong nakakapaglakad at tila hindi man ito naaksidente. Sa sobrang pagtataka ko, nahabol ko sya ng tingin ng wala sa wisyo.
• Siya naman na nakita pala yon ni Eshou. Nagulat ako sa naging presensya nya sa likuran ko matapos kong mahabol ng titig si David na lumampas lang saking harapan. Pinuna nito ang pagkagulat kong yon kay David.
BINABASA MO ANG
I'm A Victim I (Under Editing)
Mystery / Thriller❗SCARGAN GENERATION❗ Someone help me! Suspect na malinis pa rin sa mata ng lahat. All his crimes are still a big secrets untill the present.... WHO IS HE?! ****** Dahil sa inilabas na scholarships ay napasok ako sa isang school na may magandang pag...