2

3.1K 61 0
                                    

King Pov

Napatingala kami at agad na nagtago ng makita naming sumabog mula sa roof top ang building.

Agad kong hinila si Ashley ng makita may tatama sa kanyang salamin.

Napatingin naman sya duon at hindi ako pinansin.

Tsk. Kanina lang, parang ayaw nya akong papasukin sa loob, tas ngayon, wala na syang paki?

Nakita kong sumulyap sya sa akin pero agad din syang tumalikod at tumungo sa kotse.

Nakita namin na bumukas ang kotse ni Janella at lumabas dito si Seb.

Napatingin sya sa amin, sunod duon sa building. Si Janella talaga, kahit na masabihan ng kung ano, basta gagawin nya ang lahat, para hindi na masaktan ang kaibigan nya.

Kung tutuusin, lahat kami dito, ay nag sinungaling sa kanya. Halos lahat kami ay naging traydor sa paningin nya.

Pero iisa lang ang ang taong, simula't sapul ay pagkakatiwalaan nya. Si Jon.

Si Seb kasi... Ginagawa lang nya ang trabaho nya. Kahit na sabihing may gusto sya kay Janella, at minsan, nililigtas nya ito, yun ay dahil sa inutos lamang sa kanya iyon.

Napatingin ulit ako kay Ashley, at napangisi ng nakatingin din sya sa akin.

"Tsk." Rinig kong bulong nya sa sarili. Akmang lalapit na sana ako sa kanya ng mahagip ng mata ko sila Jon at si Janella na nakasabit sa exit ladders.

Dahil sa pag sabog, nasira na ang bakal, kaya naman hirap na silang gumalaw.

Napailing na lang ako.

Kahit kailan, gagawin ni Jon ang lahat para kay Janella. At kahit kailan, hindi nya inako ang tagumpay.

Agad kaming dumaretsyo sa hospital.

***
Lumapit ako kay Ashley at tinignan ko ang sugat nya. Halata namang nainis sya sa ginawa ko kaya bumusangot sya.

"O, pati mukha mo, nasira dahil sa pagsabog." May pagturo ko pa. Hahampasin sana nya ang kamay ko, pero lalo syang nainis ng iilag ko agad yun.

Sinamaan nya ako ng tingin, at ngumisi na lang ako.

"Ikaw nga King, umamin ka. Bat lagi mong inaasar si Ashley." Mapilyong saad ni Janella.

"Trip ko eh." Ngumisi na sya ng todo.

"Ibigsabihin... Diba ang trip, means gusto. May gusto ka pala sa kanya." Patango tango pa sya na parang may nadiskubre.

"Leche, lumayas ka nga!" Sigaw ni Ashley at sabay hampas sa akin na hindi ko naiwasan. Kumirot ito, pero hindi ko pinahalata.

"Trip ko lang syang asarin." Seryosong saad ko.

"Ah... Dapat nililinaw mo agad. Namumula tuloy si Ashley ng wala sa oras."

"Lumayas kayo dito, sabi eh!" Ang sama ng tingin sa amin ni Ashley. At dahil dun tumalikod na lang ako at umalis.

Tsk. Masyadong highblood, nangungulit lang naman ako.

"Ayan, nagalit mo..." Rinig kong saad ni Jaren. Isa pa sya.

"Bahala sya." Ang tanging narinig ko kay Ashley. Bahala din sya.

***
Nakita kong nakaakbay si Jon kay Janella na ngiting ngiti. Si Jaren naman, busy sa pagpaplano tungkol dun sa sorpresa nya kay Cyra.

"Tsk. Lahat ba ng phantom, magiging couple. Anong kalokohan yan?" Sabi ko sa sarili ko.

"History repeat itself daw kasi." Bigla akong inakbayan ng isang babae, na kamukha ni Janella. Si Ariel.

The Red Rose Phantom (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon