Chapter twenty eight: Meteor University

2.5K 53 0
                                    

ThirdPerson Pov

Pumasok sa loob ng university ang Damn Lord at hindi pinansin ang mga nakatingin na estusyante.

Agad syang pumasok sa loob ng Dean's office at hindi na nagabalang kumatok pa.

Napatigil naman ang Dean sa pag pirma ng kung anong dokumento kanina.

Lumawak ang ngiti ng Damn Lord dahil sa biglang paglunok ng kaharap nya.

"Hindi mo ba ako pauupuin?"

Nag cleared ng throath ang Dean at sabay geature para maupo na ang Damn Lord.

Umupo naman ang Damn Lord habang nililibot ang paningin sa loob ng office ng Dean.

"Anong ginagawa mo dito?" Saad ng Dean na tila ba ayaw nyang nandito ang taong kaharap nya.

"May napansin lang kasi ako." Pinipilit maging pormal ng Damn Lord, na syang lalong nagpapakaba sa Dean.

Hindi na sumagot ang Dean at lumunok na lamang ito.

"Bakit mo pinapayagan na mag aral dito ang mga Phantom?"

"Hinahayaan mo din sila sa mga gusto nila."

Ngumiti ng mas malawak ang Damn Lord sa harap ng Dean.

"Isa pa, sinadya mo ding dito silang lahat mag aral. Tama ako, hindi ba?"

Tumayo na ang Damn Lord.

"Wag kang mag alala, tayo lang ang makakalam ng bagay na ito. See you soon. And by the way, thank you... Mr. Smith."

~~~~~~~~~~

"Janella!"

"Po." Agad na tumakbo si Janella papunta sa kanyang Papa.

"Anak, aalis kami mamaya."

"Duon ka muna kay Jon ah. Behave." Agad namang tumango tango si Janella na tila ba excited at maglalaro na naman sila ng kaibigan.

"Jm!" Agad na lumingon ang batang babae sa kaibigan at kumaway ito ng masigla.

"Bye Ma! Pa!" Pag katapos mag paalam sa magulang ay tumakbo na si Janella papunta sa kaibigan.

Tinignan muna nilang mabuti ang tumatakbong anak, at pagkaalis ni Janella ay saka sila tumungo sa sasakyan nila at pinaandar agad ito.

Pagkadating nila sa lugar ay agad na bumungad sa kanila ang mga lalaking nakaitim.

Sinamahan sila ng mga ito papunta sa isang kwarto.

"Nasaan sya?" Agad na bungad ng babae sa Damn Lord.

"Na uh. Hindi nyo nagawa ang trabaho nyo."

"Pero nagawa na namin yun."

"Hindi nyo naipasa sa tamang account ang pera na dapat ay sa akin."

Napatingin ang babae sa kanyang asawa.

"A-anong ginawa mo?" Bulong nya dito.

"Sorry akala ko kas-"

"Tama na yan. Mamaya nyo na lang ipagpatuloy iyan. Panuorin nyo muna to."

Napatingin agad sila sa monitor na nasa harap nila.

Lumabas dito ang isang malaking bahay. Bahay nila Jon.

"Sabi mo, hindi mo sila sasaktan!"

"Wag! Tama na!" Pilit na lumalapit ang mag asawa sa Damn Lord pero hinawakan sila ng mga tauhan nito.

Inilabas ng Damn Lord ang isang pindutan na kulay pula. Ngumiti sya ng malawak at saka nya ito pinindot.

Unti unti ng naglalapitan ang mga tauhan nya sa bahay. At isang pagsabog ang nangyari.

The Red Rose Phantom (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon