Chapter twenty five: Another revelation

2.7K 74 0
                                    

King Pov

"Musta, Black?" Tinignan ko ang nagsalitang si White.

Anong ginagawa nya dito? Tsk. Nung una pa lang dapat napansin ko na... Nandito pala to, para makasagap ng impormasyon.

"Same... As always."

"Good." Tinutok nya samin ang hawak nyang baril at saka kami pinaputukan.

Naghiwahiwalay kami ng landas nila Pink at Black... Napatakbo ako sa likod ng isang poste.

At dahil na din sa pagpapaputok ni White ay nagdatingan na ang mga tauhan ng Damn Lords.

Bigla ding dumating ang Violet at Blue Phantom... At nakibaril nadin.

Ginamit ko ang pagkakataon para maitanim ang bomba na kanina ko pa hawak.

Sinet ko ang time ng dalawang minuto... Sapat na para makaalis kami.

Pero bago ko pa mapindot ang ang start button ay napayuko na ako dahil sa muntikang balang tumama sa akin.

Kinuha ko ang baril sa tagiliran ko at pinaputukan ang iba... Madaming bumagsak sa sahig, ngunit mas marami ang nakapagtago.

Nawala na din sa paningin ko ang ibang Phantoms... Malaman nakita nilang nag tanim ako ng bomba.

Tumakbo na ako palayo ng mapindot ko na ang start button.

Ngunit bago pa man matapos ang dalawang minuto ay napadapa na ako... Dahil sa impact ng napakalakas na bomba.

Napatakbo na lang ako palayo at naisipang hanapin si Jaren. Binabaril ko ang lahat ng taong makasalubong ko... Wala na din akong paki sa mga bangkay na nagkalat...

Isa lang ang nasa isip ko ngayon. Ang bombang sumabog, hindi iyon ang bombang tinanim ko.

Naririnig ko ang bawat pagdaing ng mga taong nakasalampak sa sahig. Pero wala akong paki... Kelangan kong hanapin ang mga kasama ko.

~~~

Janella Pov

"Da-dalawa kayo?" Napairap na lang ako. Samantalang si Ariel ay napangisi.

"Di ba obvious?" Sarkastiko kong tanong sa kanya.

Napaatras sya saglit at halos mamutla sya sa kinatatayuan nya.

"Wow huh." Naiins na ako. Samantalang si Ariel ay nakangisi lang at winawagayway ang espada nya sa kung saan.

Nag liwanag ang paligid hindi na dahil sa buwan. Biglang bumukas ang ilaw at parang nasa stage kami dahil sa mga iyon.

Lumabas ang Damn Lord sa lungga nya at may hawak syang baril. Kasama nya si Seb.

Napairap na lang ako. Sino pa ba ang mga nanloloko sa akin?

Ramdam ko ang hapdi sa bawat sugat na natamo ko. Yung iba malalim at yung iba naman ay galos lang.

Pagtingin ko sa paa ni Ariel... Nagulat na lang ako, kung bakit nakakatayo pa sya ng tuwid. Samantalang sobrang lalim ng sugat nya sa binti.

Natrain nga pala sya ng mabuti...

Maya maya ay may tumalon mula sa taas... Si Black. I wonder why, kung bakit nandito sya...

Napayuko na lang ako ng sinugod kami ni White. Parehas nya kaming nilalabanan ni Ariel.

"Wala na akong paki, kung sino man ang nakapatay sa kanya. Ang mahalaga, mapatay ko kayong dalawa." He said.

So bale, tatlo kaming nag lalaban laban ngayon. Ako, si White at si Ariel.

Pero napabagsak na lang ako sa sahig ng may maramdaman ulit kaming pagsabog mula sa labas.

The Red Rose Phantom (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon