Chapter twelve: God Damn Lord

3K 84 2
                                    

THIRD PERSON POV

Nakatayo lang si Janella at Sebastian sa gitna ng kalsada. Hindi nila iniinda ang lamig at ngalay na nadarama. Nakatayo lang sila parehas. Tila nahinto ang oras ni Janella ng marinig na nya mula sa kaibigan ang mga nalaaman nito. Sinabi din sa kanya ni Seb kung papaano nya nalaman ang lahat. Tila isang bomba ang ibinato kay Janella. Sa loob ng ilang taon na pagiging Phantom ay ngayon lang sya kinabahan. Kinakabahan sya dahil ang mismong bestfriend nya ay ang itinuturing na kalaban nya dati.

Si Sebastian Panerio ay anak ng nagiisang God Damn Lord. Kung sa Phantoms. Mas makapangyarihan ang tinataglay nya sa loob ng gangster world.

Hindi makapaniwalang napaatras si Janella. Gusto nyang yakapin ang kaibigan dahil sigurado syang pinahirapan sya ng kanyang ama.

Si Seb naman. Nang gagalaiti parin sa galit. Ang gusto nya lang gawin ngayon ay patayin lahat ng Phantoms  na kalaban ng kaibigan nya. Mali. Papatayin nya lahat kait kakampi sila ni Janella. Papatayin nya lahat. Pati ang  lalaking  nangako sa kanya na babantayan ang kaibigan ngunit hindi nya ginawa.

Naitikom nya ang kamao nang may nakita syang anino sa may likuran ni Janella.

Agad nyang hinila ang dalaga at tinutukan ng baril ang taong muntikang sumaksak kay Janella. Agad na tinignan ni Janella ang lalaking nag tangka sa buhay nya at hindi na sya nagulat nung nakita nya ito.

Isang lalaking nakaputi at may maskarang white. Walang iba kundi si White Phantom.

Agad na hinila ni Janella ang kaibigan papunta sa likod nya. Nag titigan muna si Janella at ang White Phantom ng ilang sigundo. Bago sila magulat ng may dumaplis na bala sa kanang braso ni White.

Nagulat si Seb sa nakita. 'Ibig sabihin. Binabantayan nya talaga si Janella.' Sinabi ni Seb sa sarili. Napangiti na lamang sya.

Agad na tumakbo papalayo ang White Phantom dahil sa sunod sunod na pagpapaputok sa kanya ng hindi nila malaman kung sino.

Tumakbo si Janella papunta sa direksyon kung saan nanggagaling ang bala ngunit agad syang pinigilan ng kaibigan. Nagulat na lang sila ng sumipa sa kaliwa si White na sanhi ng pagkakabagsak ng dalaga. Agad na itinutok ni Seb ang baril nya sa Phantom na nanakit sa kaibigan ngunit nawala bigla ang pangahas na Phantom.

Tumayo agad si Janella at lumakad na papunta sa bahay nya. Sumunod naman ang kaibigan nya.

Ngunit hindi pa man sila nakakapasok ay nahagip na ng mga mata ni Janella ang sobre na nasa gate nya. Agad nya itong kinuha nung malamang itim ang kulay ng sobre.

(I.W.A.P.Y)

Eto lang ang nakalagay sa sobre. Kagaya nung una. Hindi nagets ni Janella ang mga pinadala sa kanya ng Black Phantoms.

Tinago na lang ni Janella ang sobre. Alam nyang nakita ito ni Seb pero hindi na lang nagtanong ang kaibigan.

Si Seb Panero ay ang nag iisang anak ng God Damn Lord. Ang God Damn World ay iba kung para sa mga Phantoms. Kung ang Phantoms ay nagpapatayan, iba ang ginagawa nya. Mas malala pa. He is a smuggler. A killer. A Devil. Hindi sya tao. Dahil wala syang awa. Lahat gagawin nya para sa pera. Kung ang Phantoms ay pumapatay para mabuhay sila. Ang Damn Lord ay pumapatay para sa pera. Kung ang Phantoms ay kinatatakutan. Mas kinatatakutan ang Damn Lord. Dahil wala nga syang awa. Kumbaga para syang si White. Ngunit si White ay pumapatay lamang dahil gusto nyang maghiganti. Maghiganti sa taong hindi naman alam ang kasalanan nya.

Ngayon. Nalaman ng Damn Lord ang ginawa ng Red Rose Phantom. Paniguradong kikitilin nya ang buhay nito.

The Red Rose Phantom (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon