Chapter ten: Surprise at the Party

3.8K 87 0
                                    

Nang makauwi ako galing sa trabaho ay agad din akong nagbihis para mabisita ang budega na hindi ko na alam kung maganda pa ba o hindi na. At ngayon ay ginamit ko na ang kotse ko. Buti nga at napaayos ko pa ito mula nung banggaan.

Nung makadating ako sa budega ay nagulat ako nung okay na ito ulit. Ang bilis naman nilang maayos ito. Ang pag kakatanda ko ay sumabog pa ang buong lugar nung huli ko tong makita.

Pag baba ko ay nakita ko agad si Gray. Agad syang lumapit sa akin pero nabaril na sya bago pa man nya ako malapitan ng todo. Napatingin ako sa paligid. Ngunit wala naman akong nakita. Tumakbo din sa direksyon ko si Blue. Parehas naming inalalayan si Gray upang maidala sya sa hospital. Pinaharurot ko na ang kotse habang sinusundan naman ako ni Blue. Maya maya pa ay nakasunod na din ang kotse ni Violet.

Bakit si Gray ang una nya binaril kesa sa akin? Marahil ay may ginawa din si Gray sa kanya. Or worst alam na din nito na si Jaren at si Gray ay iisa. Iisa lang ang taong alam kong may galit sa kanya. Bukod sa titigan nila nitong mga nakaraang araw, alam kong may pinagawayan sila. O baka may nalaman si Gray kaya kelangan na nya itong idispatya. Dapat nung una palang ay nalaman ko na. Sa ginawa nyang ito ay lalo akong nag hinala na sya nga yun. Pero bakit nya iyon ginawa? Isa lang ang naisip kong dahilan.

Nang makarating kami sa hospital ay nagulat ako nung nadito din si Pink. May mga sugat din sya pero hindi gaano kalala. Agad na dinala si Gray sa Emergency Room.

No wonder, nakalimutan kong isa pala tong laro. Laro na kahit anong mangyari ay kelangan mong mabuhay sa huli. Laro na kahit ano ay pwede mong gawin mabuhay ka lang. Kahit na ang ibig sabihin nito ay pumatay.

>>>

Lumipas pa ang ilang araw at isa isang napapahamak ang ibang Phantoms. Si Blue na pauwi na sana nung hinatid namin si Gray sa hospital ay may bumangga sa kotse nya. Buti na lang at malapit sya sa hospital at naidala agad sya dito.

Si Violet naman ay hindi man lang nasaktan o ano. Walang nangyari sa kanyang kakaiba. Parang alam talaga ni White kung sino ang titirahin nya. Alam nya kung sino talaga ang nakakakilala sa akin, at yun ang mga tinatanggal nya sa listahan ng mga biktima nya. Sa ngayon. Alam kong nasa listahan nya ngayon ang tatlong taong nakaconfine sa hospital.

Pinalipat ko ng hospital si Ashley. Mahirap na at baka magkakitaan pa sila ng ibang Phantoms. Malaman pa nila ang sikreto ng isa’t isa. Ngayon ang gagawin ko na lang ay mag hintay at okay na ang lahat. Gagawin ko na ang plano ko

THIRD PERSON POV

Isang linggo ang lumipas at nakapasok na ulit sila Jaren, Ashley at si King. Si Janella naman ay nakangiti parin habang naglalakad sa hallway. Kahit nakikita na nya ang taong gustong pumatay sa kanya. Nginingitian naman sya nito pabalik. Hindi alam nung lalaki na alam na ni Janella ang pag katao nya. Ang iba naman ay normal lang na nakikipag kwentuhan sa mga kaibigan nila.

Nang biglang may sumabog. Akala ng lahat ay bomba. Yun naman pala ay galing lang sa speaker ang malakas na tunog na akala mo ay may sumabog na. Dahil sa lakas nung tunog ay naagaw ang lahat ng atensyon. Pati ang mga Phantoms ay nakuha ang atensyon nito. Samantalang si Janella naman ay ngiting ngiti at para bang may hinihintay na mangyari ano mang oras ngayon.

Tumigil ang malakas na tunog na nag mumula sa speaker. At natahimik ang lahat. Ang tanging maririnig na lamang ay ang mahinang tunog na para bang umuulan. Napatingin lahat ng studyadente sa itaas nila. At nagulat ang lahat nung may nalalaglag na pulang rosas mula sa kalangitan.

At may helicopter na dumaan na may banners. ‘Come and join me in my Party. Tonight. Here at school. 8 pm.’ Ito lamang ang nakasulat sa banners.

The Red Rose Phantom (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon