Chapter fifteen: Number 8

3.1K 86 1
                                    

Lakad dito. Lakad dun.

Yun lang ang gingawa ko pagkatapos akong layasan ng Jon na yun. Tsk. Hindi man lang ba sya natatakot sa akin? Hindi ba nya alam na ako Si Red. Si Red Rose Phantom? Hindi ba nya alam kung paano ako magalit?

Tss. Ang lakas ng loob nya na ikulong ako at higit sa lahat... Nilayasan pa nya ako. Pakshet...

Napatingin ako sa bintana. Isang tingin palang. Alam ko ng nakabullet proof ito. Binusisi ko pa ito. At sa malayo palang. Alam ko ng naka sealed ito ng maayos. Kumbaga, nakalock ito ng mabuti. Hindi ito mabubuksan ng kahit na sino kahit na phantom kapa, ang tanging makakaopen nito ay ang taong gumawa mismo ng lock na ito. Napatingin din ako sa pintuan. Naglakad ako papalapit dito. Pinihit ko ang doorknob pero nakalock din ito. Sinipa ko ito ng malakas, pero walang nangyari.

Napatingin ako sa tray na dinala ni Jon kanina. May mga laman ito na pag binasag ay makakagawa ng ingay. Napangiti ako sa kalokohang naisip ko. My evil hormones is waking again. :D Someone want to see the hell right now.

Lumapit ako sa lamesang pinaglagyan ng tray. Nakita kong merong mangkok na may lamang.... Bwiset sya. Lugaw lang ang ipapakain nya sa akin. Bigla ko itong ibinato sa may bintana. Kumalat ang lugaw sa kung saan saan at nabasag mismo yung mangkok. Pero hindi man lang nagalusan ang bintana.

Bumalik ang tingin ko sa may tray. At nakita ko naman ang plato na may kanin at ulam na adobo. Inihagis ko ito sa may pintuan. Kumalat ang laman nito at nabasag ang plato.

Muli kong tinignan ang tray. Saka ko ito winalhig papunta sa sahig. Nabasag ang basong nakalagay dito dahil sa pag kakabagsak nito. At kumalat din ang tubig sa sahig. Tss. Wala man lang ba syang juice o coke? Tubig talaga ang ipapainom nya sa akin? So chip...

Yung cabinet naman ang napagdiskitahan ko. Hinablot ko ang isang drawer at inihagis ito kung saan. At isa pang drawer. At isa pa. Natutuwa ako sa ingay na nalilikha ko sa pamamagitan ng pag hagis ng kung anong bagay.

Hinawakan ko ang lampshade. At bago ko pa man ito naihagis ay nakarinig na ako ng mga yabag na tumatakbo papunta sa kwartong kinaroroonan ko ngayon. Napangiti ako ng bahagya.

Ibinato ko ang lampshade sa salamin na malayo sa akin. Nabasag ang salamin at nahati sa dalawa ang lampshade.

Tumigil sa tapat ng pinto ang mga yabag. At pinulot ko ang tinidor na malapit sa may paanan ko. Nang bumukas ang pintuan. Ay agad kong binato ang tinidor papunta sa kung sino man ang nagbukas ng pintuan. Hindi ko kasi nakita dahil sinara nya agad.

Third Persons Pov

Agad na naisara ni Jon ang pintuan ng makita nyang babatuhin sya ni Janella ng tinidor. Narinig pa nya mula sa kabilang bahagi ng pinto ang pagtusok ng tinidor.

Napalunok si Jon ng ilang beses saka nya ulit hinawakan ang door knob. Sinenyasan nya ang mga kasama nyang katulong na umalis na sila. Nag bilang si Jon ng tatlo sa kanyang isip at saka nya pinihit ang door knob. Nakita nyang nakatayo lang si Janella dun at nag cross arms pa ito. Lumapit sa kanya si Janella ngunit nilagpasan lamang sya ng dalaga.

Nakatitig si Janella sa painting na nakasabit sa pader. Mukha itong pamilyar pero hindi maalala ni Janella kung saan nga bang lugar nya nakita ito. Umabot din ng ilang minuto bago naglakad si Janella patungo sa kung saan. Hindi nya alam ang ginagawa nya. Para bang kabisado ng katawan nya kung saan ba dapat sya pumunta. Pero hindi naman nya matandaan o hindi naman nya naaalala na nakarating na nga sya sa lugar na ito.

Si Jon naman ay seryosong seryoso na nakasunod lamang sa kanya.

Pumasok si Janella sa isang kwarto. Kwarto na alam nyang ngayon lang nya pinasukan. Pero pakiramdam nya. Nakapunta na sya dito dati. Pinagmasdan nya ang paligid. Puro Number 8 ang nakikita nya. Jon Velasquez. Jon 8.

The Red Rose Phantom (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon