Chapter thirty four: Ending

3.8K 70 0
                                    

Janella Pov

Kinalabit ko ulit ang gatilyo sa harap ng isa pang lalaki.

Kaso nagulat ako ng wala ng balang lumabas sa baril na hawak ko.

Kamalasan nga naman. Ngayon pa sumulpot.

"Out of bullets?"

Binitawan ko ang baril at nag stretch saglit. Sabay nun ang pag papatunog ko ng buto ko sa daliri.

Ngumiti ako sa kanila saka ako sumugod pakaliwa. Alam kong haharang yung lalaki sa direksyon ko, kaya naman pagkakilos nya ay agad akong umikot pakanan at agad na tinaas ang paa ko para masipa ko sya sa mukha.

Akala ko, makakatulog na sya sa lakas ng impact pero hindi.

Dumugo lang ang labi nya at ngumisi sya sa akin.

Inayos ko saglit ang buhok ko na nalaglag na sa gilid ng mukha ko kaya naman hindi ko napansin ang pagsugod nya sa akin.

Iiwas na sana ako sa pagatake nya pero may sumalo na para sa akin nito.

Hinawakan ni Jon ang kamao ng lalaki at saka nya ito tinwist at sinipa sa sikmura ang kalaban.

Napalingon naman ako sa Damn Lord na nakatayo na malapit sa nay pintuan.

Agad akong tumakbo papunta sa kanya at sinugod sya. Kaso napatigil ako ng makarinig ako ng malakas na putok ng baril at nakaramdam ako ng hapdi sa kaliwang balikat.

Blood

Inayos ko ang balanse ko at pinigil ang pagtumba. Inatras ko ng bahagya ang kaliwang paa ko at saka ako napahawak sa balikat ko.

Nakita kong nakatutok parin sa akin ang baril kaya naman pinilit kong gumalaw.

Kaso para akong pagong at kahit akong pilit ko, ang bagal ng pag galaw ko.

Isang galaw lang, Janella. Maiiwasan mo yung bala.

Parang may echong patuloy na nag sasalita sa utak ko at pinipilit akong gumalaw.

Isang galaw lang

Busy ako sa kung ano mang nangyayari sa katawan ko ng hindi ko napansin na may kung anong tumayo sa gilid ko.

Nakaramdam ako ng mainit na humawak sa magkabilang braso ko at nakaramdam ako ng malakas na impact na tumulak sa akin.

Hindi ko nakita ang pangyayari dahil sa sobrang bagal ng katawan ko, pati yung utak at vision ko, bumagal din.

Nakaramdam na lang ako ng matinding sakit ng katawan ko na para bang bumagsak ako sa isang napakatigas na bagay.

Nakarinig ako ng malakas na putok na para bang nasa loob mismo ng tenga ko ang bagay na pumutok na iyon.

Pinilit kong gumalaw pero ang hirap...

Ganito ba ang pakiramdam ng nabaril?

Ang alam ko hindi dapat ganito ang mangyayari...

Pati pag process ng utak ko, tila bumagal...

Nagdilim na din ang paningin ko... Hindi. Hindi pala nagdilim ang paningin ko, may nakikita ako, pero masyadong mabagal.

Hindi ko na din napapansin ang iba pa at ang nakikita ko na lang ay ang mesa at sementong nakatabingi.

~~~

Jon Pov

Tinaas ko ang sleeves ng damit ko at saka ko itinaas ang kamay ko para sumuntok na lalapit sa akin.

Umikot pa ako ng bahagya at agad na sinipa ang nasa kanan ko.

Nagtago ako sa isang kwarto at agad na naghanap ng compartment.

The Red Rose Phantom (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon